A lighthouse is a tower containing a powerful flashing lamp that is built on the coast or on a small island. Lighthouses are used to guide ships or to warn them of danger.
That is what google told me when I ask what a lighthouse is.
But Cupid on t...
Kasalukuyang nagtitipon dito sa may gym lahat ng senior students para sa opening ceremony ng academic year ngayong taon. Ano pa nga bang aasahan mo? Required na pumunta ang mga seniors, at kasama na ako doon, sa event ngayong araw. Lintik na opening ceremony, dapat nagppractice kami ngayon para sa darating na event ng mga may major subject na Performing Arts.
Kahit na lalaki ako, isa parin ako sa mga kumuha ng Arts and Social Sciences na kurso. Naniniwala kasi ako na dapat sundin mo ang passion mo kasi dadalhin ka nito sa tamang direksyon ng buhay mo. No regrets at all, napasama ako sa isang grupo ng mga astig na performers dito sa university. Hindi naman sa pagmamayabang, nagsasabi lang ng totoo.
"Seb anong oras ba matatapos 'to?" tanong ko sa katabi ko na halatang inaantok na sa kakahintay matapos ng program.
"Sabi nila 11 am daw," bored na sagot nya sa'kin.
"Hoy mga gago," sabay upo sa tabi ko ng kakadating na si Cody.
"Likewise," nakangising sagot ko sa bati nya. Nginisian naman nya ako pabalik tsaka inayos ang upuan nya.
Nagpasalamat ako ng magsimula na ang program, usual event's programme routine. Opening remarks and such, performances, audio visual presentation at ang taon taong accomplishment ng university. Hinarap ko naman ang mga kasama ko at tama nga ako, tulog na si Seb at nagCOC naman si Cody. Teka uso pa yun? Ang alam ko mobile legends na ang uso ngayon eh, nagkibit balikat nalang ako tsaka hinayaan ang dalawa. Nasa harapan ko naman yung apat ko pang kasama sa grupo naming. Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang humarap si Nathaniel sa'kin. Takte, horror amp.
"Rinig ko magpeperform daw si Miss President ng university," sabi neto at halatang kinikilig pa.
"Kinikilig ka kay Prof. Mallari?" nandidiring tanong sa kanya ng katabi netong si Column at nagpagpag pa polo para madagdagan ang diring reaksyon neto.
"Ugok! Sabi ko Miss President! Hindi Misis!" sigaw neto at binatukan si Column, natawa naman ako sa mga nag-"shh" sa gawi naming dahil sa ingay ng sigaw ni Nathan, nagsorry sya sa mga naabala nya at humarap sa gawi ko.
"Stan, ngayon ko na lang mapapanood ang labs ko hihi, namiss ko sya," nagheart sign pa ito gamit ang hinlalaki at hintuturo nya, yun bang uso ngayon na little heart, nakakadiring tignan tong lalaking to.
"Nakakadiri ka bro," tinapik sa balikat ni Alex si Nathan habang natatawa.
"Ano na ngang pangalan ng university president natin ngayong taon?" tanong ko sa kanila. Nilingon ako ni Nathan na para bang isang di kapani-paniwalang tanong yung tinanong ko.
"Andromeda," limit na sagot ng katabing kong kasalukuyang nag-attack sa isang clan.
"Di mo alam? Binoto mo sya diba?" tanong ni Jimin na nasa tabi ni Column.
"Di ko na maalala basta binoto ko lang yung sinabi nilang iboto ko," kibit balikat ko na sagot sa kanya.
"Anak sya ng Congressman," sagot ni Column. Hinarap akong muli ni Nathan at alam ko handa na syang magpaliwanag ng buong history ni Miss President pero tinakpan ni Alex ang bibig neto at muling hinarap dahil magsisimula na ang performance.
Nagsimula na ang pagtugtog ng isang kanta, ahh mukhang contemporary ang isasayaw nila. Nagsimulang umakyat sa stage yung limang babae, nag-ayos ng konti pero isa-isang bumaba yung apat at naiwan sa entablado yung isang babae.
Natuon sa kanya ang atensyon ng lahat, kasama na ang atensyon ko doon. The music started and so is her dance, it was full of power and muscle strength. Bawat galaw nya pulido, hindi ko pa naaral ng mabuti ang contemporary pero alam kong mahirap ito. Tumatango naman si Jimin habang nanunuod, alam kong magaling nga sya dahil sa reaksyon ni Jimin sa sayaw. Jimin does contemporary so he knows.
Naiinip ako sa daloy ng programme kanina pero biglang bumilis dahil di ko namalayan na tapos na pala syang sumayaw at nagstanding ovation na ang mga nasa harapan ko.
"Ang galing mo labs!" sigaw ni Nathan at naghihiyaw pa. Pinigilan lang ulit sya ni Alex at pinaupo. Ako naman ang hinarap neto at sabing "Oh diba? Ang galing nya," nakangiting sabi nito sakin at tumango nalang ako.
---
A short start for now, kasalukuyan pang ginagather ng manunulat ang mga thoughts nya na makakatulong para maging ayos ang flow ng buong story so ... HAHAHA. I decided to change BTS's members name into English counterparts. Nakakagwapo na mga pangalan nila pero sana mabigyan ko ng justice yung mga pangalan na ipinalit ko haha.
Also, our media is Nathan (JHope, Hoseok) I'm into his dark colored hair. Kaya I chose to choose this era of his hair.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.