04 Stop and Stare

13 1 0
                                        

Napahawak na si Nathan kakatawa at gumulong gulong na sa dancefloor matapos kong ikwento ang dahilan kung bakit pamilyar si Zoe Andromeda sa akin. Silang lahat pinagtatawanan ako dahil sa nangyari noong isang gabi.

Napabuntong hininga ako sa mga reaksyon nila.

"Napa-hahahaha napatumba ka nya?" halos maiyak iyak na tanong ni Alex sa'kin bago humagalpak ulit sa katatawa.

"Bakit? Alangan namang labanan ko, babae yun!" pagtatanggol ko sa sarili ko pero walang nakinig sa kanila at tumawa parin nang tumawa.

Nanahimik nalang ako at hinayaan silang maubusan ng hangin kakatawa. Totoo naman diba? Lalabanan ko ba ang babae? Mas mabuti na yung pagtawanan nila ako dahil napatumba ako ng babae, kaysa naman di nga ako napatumba pero nanakit naman ako ng babae.

"Bakit di mo sya kilala? You're unbelievable Stan," binalingan ko nang tingin si Column tsaka sumimangot. Bakit? Anong mali kung diko sya kilala?

"Kailangan bang kilala ko bawat estudyante dito sa university?" poker face kong tanong sa kanila.

"Kailangan mong kilalanin yung mga dapat na kilala mo," sagot naman ni Seb sa akin.

Ngumuso nalang ako at di na kumibo, makaraan ang ilang minuto ay nagsimula na din kaming mag-ensayo ng steps at makinig ng kanta na sasayawin namin sa SLA event.

***

Mabilis na dumaan ang mga araw, practice at classroom lang ang pinagkaabalahan naming pito. Madali nalang din namang tandaan yung steps ng isasayaw namin sa nalalapit na event na dadaluhan namin, Spring Day ang title ng kantang sasayawin at kakantahin namin.

Sabado ngayon pero pupunta parin kami ng university para magpractice at pumulido ng sayaw. Dahil walang gaanong estudyante, nagpark ako sa malapit sa main gate imbes na sa parking area malapit sa building namin Nilabas ko ang earphones ko nang makababa ako sa kotse at nagsimula nang maglakad patungong building namin.

Habang naglalakad ay nagsstretching nadin ako ng mga braso ko, mahirap ng magkaroon ng cramps ang muscle sa sobrang practice kaya mahalaga pag morning stretch.

Dahil sa pagstretch ko sa shoulder joints ko, naalis ang kanang headset ko, isusuot ko n asana ito pabalik nang marinig ko na naman ang boses ng isang Andromeda na nagpatumba sa isang Elizalde. Nilingon ko ang sa may kaliwa ko, doon naman banda ang building ng Business Administration and Processes.

"I'll try and find an alternative Cindy, sa ngayon kailangan mo munang tumulong sa pag-aayos ng mga bagong dating na libro sa main library, sigurado a week will do, makakahanap na ako ng mas madali na student work hours para sayo," nakatalikod sya sa'kin at nakitang may kausap na mas batang babae. Tumango naman ito ata ngumiti sa sinabi sa kanya ni Zoe.

"Walang problema po Ate Z," sagot nya dito. May inabot sa kanyang papel si Zoe tsaka nagbow ng kaunti si Zoe sa kausap nya, kung paano ang gesture na ginawa nung nagpaalam sya samin sa practice room. It's weird but I find it respectful.

"Approach me if you need anything," tumango naman ang kausap nya at naglakad na papasok ng building. Sinundan ko naman ng tingin si Zoe pero nagulat ako nang humarap ito sa'kin. Napahawak pa ako sa dibdib ko, inalis ko ng mabilis ang tingin ko sa kanya at nagsimula nang maglakad. Inayos ko na rin pabalik ang headset kong naalis.

Shoot. Sa ganoong timing ba naman nagtama ang mga mata namin baka isipin nya may interes ako sa kanya.

Maayos akong naglalakad ng mapansin kong naalis pala 'yung pagkasintas ng isa 'kong kaliwa kong sapatos. Agad naman akong yumuko at inayos ang sintas ko. Saktong pagtayo ko ay napaupo sa gulat ng nasa harapan ko na si Zoe.

LighthouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon