"Fck, anong amoy yun?!" nagulat ako sa sigaw ni Miggy.
"Fck! Guillianne susunugin mo ba 'tong bahay" lumapit siya sa pwesto ko at pinatay yung kalan.
"S-sorry, gusto lang naman kita lutuan ng almusal eh"
"Palpak ka talaga, pritong itlog lang di mo pa magawa ng maayos. Alam mo kung wala kang magawang matino manahimik ka na lang. Huwag kang nagmamarunong. At kung gusto mo masunog wag mo akong idamay pati na ang bahay na ito. Lumabas ka, then burn yourself there." pagkasabi niya nun ay agad siyang pumasok sa banyo, at pabagsak niyang isinara yung pinto.
Lumapit ako sa pinto atsaka nagsalita, "Sabihin mo na lang kung kulang pa yung tubig dyan, mag-iigib ulit ako sa poso" wala akong natanggap na sagot.
Wala naman akong ibang gustong gawin kundi ang maging mabuting asawa sa kanya. Pinipilit ko lang namang matuto eh. Gusto ko siyang pagsilibihan. Inayos ko na yung dining table, inihain ko yung hotdog, kasi di masyadong nasunog, ako na lang kakain nung itlog. Pinilian ko na din siya ng kanin na hindi natutong. At tinimplahan siya ng kape, na sigurado akong pinakaperpekto kong nagawa.
Unang araw namin tong magkasama, at ako puro kapalpakan. Actually kahapon pa kami ng umaga dito, pero yung buong araw na iyon nasa loob lang kami ng kwarto pareha, dahil na rin siguro sa sobrang pagod. Grabe ganun ba kasobra ang pagkamuhi niya sa akin, at nasasabihan niya ko na sunugin ko yung sarili ko. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko, at tuluyan na akong naiyak. Ang sakit sakit, ang hirap ipaliwanag parang walang salitang pwedeng gamitin para maipaliwanag ko yung sakit na nararamdaman ko. Sobra pa sa sobra.
Napagpasiyahan kong pumasok sa kwarto ni Miggy, at ipaghahanda ko siya ng maisusuot niya. Pagkapasok ko, unang nakatawag ng pansin ko ay yung kutson sa higaan niya. Agad akong humiga doon, namimiss ko n ang kama kong napakalambot.
Tumayo rin ako agad, kelangan ko pang ipaghanda ng damit si Miggy, kinuha ko yung maleta niya, pero wala ng laman iyon, malamang ay natransfer na niya sa cabinet. Binuksan ko yung cabinet niya at maayos na maayos ang pagkakalagay niya doon, magkakasunod ayon sa kulay. Kinuha ko yung cream na polo at black na slocks. Naglabas din ako ng coat ang tie niya. Siya na sigurong bahala sa underwear.
Nahiga ulit ako sa kama niya, ang sarap sa likod iyong sa kwarto ko kasi banig lang ang nakapatong sa higaan ko, ang sakit sa katawan.
"Why are you here!?" naidilat ko ng bigla ang mata ko sa sigaw na iyon ni Miggy. Bakit panay na ang sigaw niya ngayon?
"S-sorry, naghanda lang ako ng maisusuot mo, di ko namalayang nakaidlip pala ako, sorry." kinuha ko iyong mga damit at iniabot sa kanya. Pero tinabig niya lang yung kamay ko kaya nabitawan ko iyong mga damit. Nagkalat sa sahig.
"Ayokong pinapakailaman mo ang mga gamit ko, nang hindi ko sinasabi! Labhan mo iyang lahat, lumabas ka na doon!"
Pinulot ko lahat ng mga damit na nagkalat sa sahig.
"Teka! Ipapalaundry ko na lang yan! Baka masira pa yang mga damit ko!" hinatak niya yung mga damit mula sa kamay ko.
"Oh? Ano? Lumabas ka na! Lumayas ka sa harap ko!" lumabas na ako ng kwarto niya. Bakit ganun sobra na ata ang pagkamasungit niya ngayon, grabe na yung pms niya.
Naupo na lang ako sa may sala at binuksan yung TV, 5:00 am pa lang pala. 3:30 ako gumising para makakilos ng maaga.
"Huwag kang masyadong nagbababad sa tv, sayang sa kuryente!" agad kong pinatay yung tv. Tama naman siya, hindi naman kasi ako magbabayad ng kuryente eh. Siya naman. Wala na akong atm, iniwan ko kay dad. Tama naman kasi si Miggy, na siya dapat magpoprovide ng needs namin dahil siya ang lalaki. May kaunti akong cash, na pinapatago ni daddy, ayoko sanang tanggapin pero pinagpipilitan niya, for emergency purposes daw, kaya hinayaan ko na lang.
"Teka, kumain ka muna ng almusal" pagpipigil ko sa kanya ng akmang palabas na siya ng bahay.
"Kainin mo yang niluto mo. Ang lakas naman ng loob mong ipakain sa akin yan. Sa office na lang ako kakain"
"Iyong coffee na lang, yun ang pinakaperpekto kong nagawa."
"Pwede ba tigilan mo nga ako!" pagkasabi niya nun ay dere derecho na siyang lumabas at sumakay siya sa kotse, pinaharurot niya iyon palayo.
"Ingat asawa ko" bulong ko sa sarili ko. Tinakpan ko na lang iyong mga pagkain sa mesa at pumasok sa kwarto ni Miggy, wala na akong gana. Gusto ko lang makatulog ng maayos kahit habang wala lang siya.
Kakasimula pa lang ng araw ko pero bakit parang pagod na pagod na ako.
BINABASA MO ANG
Montenegro Brothers Series 1 - MIGUEL
RomanceHe's a snob. He's serious. He's quiet. He's a geek. He's handsome. He's rich. He's an ideal man. He's still a virgin. He's a Montenegro. He's the eldest. He's Miguel Montenegro.