Chapter 32

15.3K 207 5
                                    

Months have passed, and I am now carrying a seven month-old baby in my womb. Alam ko na din ang gender ni baby. He's a boy. Masaya ako but I just can't afford to see myself at the mirror. Feeling ko nga di na ako kasya sa salamin, dahil sa katabaan ko. They're telling me na hindi naman daw ako gaanong tumaba unlike sa ibang pregnant women, pero pakiramdam ko pwede na akong gumulong sa kalsada na parang bola.

My figure issue is not the main problem here. Dahil ngayon palabas na ako ng airport, with Jam. Nagkasakit kasi si Daddy at hindi ko naman kayang magmukmok sa Paris at di siya makita.

"Are you okay, Sweetheart?"

Tanong sakin ni Jam as I felt his hand envelopes mine. I nodded in response.

"Guillermo!"

Hinanap ko kaagad kung saan nanggagaling ang boses na 'yun. Then I saw him smiling and waving his hand. Patakbo akong lumapit kay Travis. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Jam but I didn't bother to look back. Agad kong niyakap si Travis at ganun din naman siya.

"Grabe, Guillianne. Para kang penguin"

I suddenly felt really concious.

"Talaga? Sabi na e. Ang taba ko"  I hugged my self with my own arms trying to cover my body.

"You're the sexiest pregnant woman I've ever seen. 'Wag ka lang tumakbo."

Nilingon ko si Jam na halos katabi ko na. Halata na naman sa mukha niya na nainis siya sa kinilos ko, kaya agad kong niliko ang usapan.

"Anyway Travis, si Jam"

"I know" Sagot ni Travis habang tumatango.

"You know?"

"I mean, lagi mo siyang kinukwento sakin, at nakita ko na rin siya sa pictures"

Napangiti ako sa sinabing iyon ni Travis. Halos kilalang kilala na niya si Jam dahil sa mga kwento ko. Wala naman kasi akong ibang ginawa these past few months kundi makipagdaldalan. Ang over protective kasi ni Jam, miski mga simpleng gawaing bahay ayaw niyang gawin ko. Kaya rin siguro nag-gain ako ng pounds dahil wala na akong ibang ginawa kundi magpre natal yoga. As if namang nakakasexy 'yun.

"So, ihahatid ko muna kayo sainyo Guillianne. Para makapagpahinga muna kayo."  Travis said habang inilalabas sa parking area ang sinasakyan namin.

"Ha? Ayaw ko, Travis. Derecho tayo sa ospital. Gusto ko nang makita si Daddy."

"Pero pagod ka sa byahe, Sweetheart. Kelangan mo munang makapagrelax."

Akmang gagatungan pa ni Travis iyong sinabi ni Jam kaya nagsalita agad ako.

"Mas makakapagrelax ako kapag nakita ko na si Daddy."

Sabay pa silang nagpakawala ng buntong hininga. Balak pa nila akong kontrahin pero napilit ko din. Sinabihan nila akong matulog muna habang nasa byahe pero di ko talaga magawa. Excited na akong makita ulit si Daddy.

---------

"Dad?"  Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Daddy na walang malay, mabuti na lang at katabi ko si Jam na umalalay sa akin.

Hindi ko ineexpect na ganto ang magiging kalagayan ni Daddy. Ang alam ko lang inatake siya sa puso. Pero hindi ko akalain na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay, may benda sa ulo at may tubo na nakasuksok sa bibig niya. Bakit parang hindi lang siya basta inatake sa puso?

"I'm sorry, Guillianne. Di ko sinabi agad sayo dahil ayaw kong mag alala ka"

Umiling iling ako habang pinupunasan yung mga patak ng luha sa pisngi ko.

"I understand. Ano bang nangyari kay Daddy? Heart attack diba? Anong nangyari sa ulo niya? Nabagok ba siya?"

Inakay ako ni Jam na maupo at nagsabi na kukuha muna siya ng maiinom ko.

"Yeah, heart attack. Ang problema nagdadrive siya nung oras na inatake siya. He got into a car accident, Guillianne."

 

"Paano nangyari 'yun? May driver si Daddy."

With that, ikinuwento sa akin ni Travis lahat ng nalalaman niya. Mabuti na lang at hindi ganun ka grabe ang aksidenteng nangyari kay daddy and luckily walang nadamay na ibang tao.

---------

Nalulungkot ako sa kalagayan ni daddy. Stable na naman siya at may mga oras na concious siya pero hindi ko siya makausap ng maayos dahil hindi din naman niya magawang magsalita. Hangga't maaari ako ang nagbabantay kay Daddy. I love taking care of him. Pinagbabawalan nila akong magstay dito sa hospital but I insisted.

"Sweetheart, mamaya na ang flight ko pabalik ng Paris. Hatid muna kita sa inyo."

I lifted my head para makita si Jam. Napagusapan namin na every weekend lang siya andito dahil nag aaral din naman siya sa Paris. Ayaw kong mapabayaan niya 'yung studies niya. He even deserves to live his own life.

"No, I'll stay here. Go and pack your things, Sweetheart, papunta na rin naman si Travis dito."

"Lianne, Sweetheart."

"I'll be okay. Sige na ayaw kong malate ka sa flight mo."

I smiled as I said those words. He sighed heavily.

"Okay. Take care, Sweetheart. I'll always call you."

I nodded in response. He gave me a kiss on the forehead before he took his steps.

Few hours have passed pero wala pa din si Travis. He texted me na malelate siya nang punta. Almost seven pm na kaya nakakaramdam na ako ng gutom. I walked out of Dad's room at nagtungo sa canteen ng hospital. I browsed the kitchen counter to find something to eat pero wala akong nagustuhan, kaya I decided to go outside.

Naglakad lakad ako ng kaunti and I found a tea house. I guess this place would satisfy my tummy. Pwede na din. I ordered a milk tea and a strawberry shortcake.

I was about to take my first bite of strawberry shortcake nang makita ko kung sinong papasok ng tea house.

I saw Rafael, Miggy's younger brother. Kasunod niya si tita. I don't know why am I waiting for Miggy to enter the tea house. I was silently waiting for him and planning my escape. But, minutes have passed, si Tita at Rafa are both enjoying their cups pero walang Miggy na iniluwa ang pinto.

I ate my cake as fast as I could at  binitbit ko na lang 'yung milk tea ko palabas ng tea house. I am not yet ready to have a conversation with Tita. I still don't know how to explain myself to them. I succesfully escaped from tita and Rafa. Pakiramdam ko naman hindi nila ako napansin. So lucky.

"Guillianne."

Mahina ang pagkakatawag sa pangalan ko but that was enough for me to hear. I slowly turned my head to see him. Kung gaano karahan ko siyang nilingon ganoon ko naman kabilis inialis ang tingin ko sa kanya. I even dropped my milk tea dahil sa gulat. I took my first step para makalayo pero agad niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako.

"Let's talk."

God. I thought I already had my escape.

-

-

-

---------

Preggy Guillianne on the screen. ^^

Montenegro Brothers Series 1 - MIGUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon