"Wala ka na bang nakalimutan?"
Tanong sa akin ni Jam, habang chinicheck yung mga gamit ko. Ngayon ang alis namin papunta sa Paris. Yes, I'm going with him.
Nung araw na sinabi niya sa akin 'yung tungkol sa pagbalik niya sa Paris, agad din akong nakapagdesisyon na sasama ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi, hindi ko pa kaya na wala si Jam. Lalo na at buntis ako ngayon. Siya 'yung naging karamay ko sa lahat ng bagay kaya mahihirapan ako kapag umalis siya. At higit sa lahat mamimiss ko talaga si Jam, it may sound so clingy pero masyado na ata talaga akong napalapit sa kanya. Well, who could resist his charms? Kahit naman siguro sino, mapapagaan ang loob kay Jam, he's so caring and sweet, kahit sinong babae gugustuhing maalagaan ni Jam.
"Hey, baka may makalimutan ka"
"Wala, wala. Okay na yan."
"Sige mauna ka na sa baba"
Sinunod ko na lang si Jam. Gusto ko sanang magpaalam kay Abby, pero nasa Pilipinas siya, mga tatlong araw na rin siyang nandoon, dadalawin daw niya 'yung mommy nilang magkapatid. Gusto nga ding sumama ni Jam, pero kailangan na daw talaga niyang bumalik ng Paris.
Dumerecho na ako sa elevator at sumakay roon.
Pagkarating ko sa ibaba agad kong nakita 'yung sasakyan ni Jam. Pinatunog ko yung alarm ng kotse bago ko binuksan 'yung pinto. Pumasok ako sa sasakyan pero hinayaan kong nakabukas ang isang pinto, ayaw ko kasing istart yung engine ng kotse.
Para na talaga kaming mag asawa ni Jam, pinagkakatiwala na niya sa akin lahat ng gamit niya. Lahat daw kasi ng kanya, gusto niya maging akin din. Pero hindi naman talaga kami mag asawa. Wala kaming label. The good thing is, kuntento doon si Jam. It may sound so corny, pero, pinaparamdam sa akin ni Jam na makasama lang niya ako, okay na, hindi na siya maghahangad pa ng title, and I'm so glad dahil doon.
Nakaupo ako sa passenger's seat habang hinihintay si Jam nang may mapansin ako.
Hindi ako pwedeng magkamali, kahit matagal na kaming hindi nagkikita alam ko na siya iyon. Pero imposible e. Paanong nandito din siya? Hindi. Imposible iyon. Pero hindi ako pwedeng magkamali.
Malaki ang ipinayat niya. Mas mahaba na ang buhok niya ngayon at parang nakalimutan na ata niyang magsuklay. Pero hindi ko maitatanggi, gwapo pa din siya.
Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan ng pagtalon ng puso ko. I guess it wanna run out of my rib. Nagwawala ito, pero hindi ko malaman kung bakit. Halo halo kasi ang pakiramdam ko ngayon, ni hindi ko alam kung ano ba ang dapat maramdaman. Masaya, malungkot, nakakakaba, nakakatakot, nakakaexcite, nakakainis, NABABALIW NA ATA AKO!
"Miss, excuse me."
'Yung boses niya, walang pinagbago iyon, maliban na lang sa mas malungkot na tono ng pagsasalita niya. Nakatayo siya sa may bandang gilid ng sasakyan na kinaroroonan ko. Kinakabahan ako, dahil panigurado ako na ako 'yung kinakausap niya.
"Miss, excu-"
Napahinto siya ng lumabas ako ng sasakyan. Unti unti kong tinanggal yung shades na suot suot ko. Para namang nakakita ng multo ang kaharap ko ngayon. Namutla siya habang ineeksamin ang mukha ko na para bang hindi siya naniniwala na nakatayo ako sa harapan niya.
"What?"
I tried to sound as casual as I can, at sa tingin ko nagtagumpay naman ako doon.
He was about to say something pero hindi niya iyon naituloy, nakita kong masaganang umagos ang mga luha sa magkabilang mata niya. I felt something painful inside of me. Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon.
Niyakap niya ako, mahigpit na yakap, ni hindi ko magawang gumalaw dahil sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Namiss ko 'yung amoy niya. Hindi siya strawberry scented, pero ang bango bango pa dim niya.
BINABASA MO ANG
Montenegro Brothers Series 1 - MIGUEL
RomanceHe's a snob. He's serious. He's quiet. He's a geek. He's handsome. He's rich. He's an ideal man. He's still a virgin. He's a Montenegro. He's the eldest. He's Miguel Montenegro.