"Good morning, sweetheart"
Nakangiting bati sa akin ni Jam, nang saktong pagdilat ng mga mata ko. Sweetheart? Saan niya naman napulot 'yun?
"Do you want breakfast in bed or do you want me in bed?"
Napabangon ako ng di oras sa sinabi ni Jam. Bakit ang ano ano niya? Nakakaloko pa 'yung ngiti niya, nagmumuka siyang manyak sa paningin ko.
"I rather die"
Pupunta sana ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush pero pinigilan niya ako.
"Die? Agad? Di mo pa nga ako binibigyan ng good morning kiss, mamatay ka kaagad?"
"Ha?"
Before I knew it nahalikan na ako ni Jam. Kainis. Hindi pa nga ako nag tutoothbrush e. Kadiri siya. Ay ako pala yung kadiri, ay basta, ewan.
"Ayan. Go, die"
Sinapak ko naman siya sa sinabi niyang 'yun. Ang lakas mangasar ni Jam ngayon, kainis.
"Ewan ko sayo."
Pagkasabi ko nun, pumasok na ako sa banyo.
Kahapon pa kami nandito sa Paris, pero pakiramdam ko may jetlag pa din ako, siguro dahil na din sa pagbubuntis ko. Ang bigat bigat ng ulo ko.
Nagtotoothbrush ako ng pumasok si Jam sa banyo. Niluwa ko yung laman ng bibig ko at nag mumog.
"Paano ka nakapasok?"
"Bahay ko 'to. I have my keys, ang tagal mo kasi"
Matagal talaga akong naghilamos. Beauty ritual 'yan e.
"Ano ba Jam. Lumabas ka nga"
Naiilang na kasi ako. Hello? Nasa banyo kaming dalawa. Kayo kaya? Pero sa halip na lumabas siya, niyakap pa niya ako mula sa likod at pinatong ang baba niya sa leeg ko.
"Ang sungit mo, sweetheart"
"Itigil mo nga 'yang sweetheart na 'yan."
Nakikita ko sa salamin na nasa harapan ko, ang mukha ni Jam. Nakapikit siya at parang bata na natutulog. Ang bait talaga niya tignan kapag tulog siya, mukhang anghel.
"Ano bang gusto mong endearment natin?"
"Wala"
"Okay, sweetheart"
Alin ang hindi malinaw sa salitang 'wala'? Hay naku Jam, ang kulit mo talaga kahit kailan.
"Tawagin mo din akong sweetheart, Lianne. Please."
Kita ko sa salamin ang nagpapacute na itsura ni Jam. Ang cute cute niya. Iniangat ko 'yung isa kong kamay para kurutin 'yung pisngi niya. Ang cute.
"Pinaglilihian mo talaga ako e no?"
Sabi niya nang natatawa. Iniharap niya ako sa kanya kaya kita ko na nang maayos 'yung mukha niya. Iniangat ko ulit 'yung kamay ko para kurutin iyong mga pisngi niya pero pinigilan niya ako.
"Bawal mo akong kurutin o panggigilan hangga't di mo ko tinatawag na sweetheart"
"That's unfair"
"Na-ah. Just call me sweetheart"
Tatawagin ko na sana siyang sweetheart kahit na nakocornyhan ako kaso may naramdaman akong kakaiba.
"Ahm Jam?"
"Sweetheart"
Pagkococorrect niya sa akin.
"What? Sweetheart, spill it."
BINABASA MO ANG
Montenegro Brothers Series 1 - MIGUEL
RomanceHe's a snob. He's serious. He's quiet. He's a geek. He's handsome. He's rich. He's an ideal man. He's still a virgin. He's a Montenegro. He's the eldest. He's Miguel Montenegro.