Ariana's POV.
nagising ako ng maramdaman kong umuga ang kama ko, minulat ko ang mata ko at pagkakita ko si jenie.
"sorry ariana may kinukuha lang ako kaso hindi ko maabot" well ofcouse your too small, bumangon ako.
"ano bang kukunin mo?" tanong ko.
tumingin siya sa taas ng kama ko at itinuro ang librong nakalagay sa shelf."yung librong yun"sagot niya.kinuha ko ang libro at iniabot sa kaniya, ngumiti naman siya"thank you"pagkasabi niya nun tumango nalang ako at bumalik sa kama.
mga ilang oras ko na ring sinusubukan makatulog pero hindi
talaga ko makatulog, bumangon ako sa kama ng maisipang lumabas nalang pero bago ako makalabas ng dorm namin tinawag ako ni jenie.
"saan ka pupunta?" tanong niya
"sa labas lang" sagot ko at tuluyang lumabas sa dorm, dumiretso ako sa garden at naglibot-libot.
may nakita akong sign na nakalagay sa puno do not cross this tree ano namang meron dun at bawal makalampas sa punong to??.
wala naman sigurong masama kung suwayin ko yung babala, tumingin ako sa paligid at ng masiguro ko ng walang tao ay agad akong tumakbo palayo sa cuzzle at papunta sa ipinagbabawal na lugar. naglibot ako sa paligid at mukhang wala namang bagay na masama dito.
tinanggal ko ang coat na suot ko at inilapag sa sahig mukha namang malinis eh, humiga ako at pinagmasdan ang langit nakakagaan ng loob, naalala ko si queen miss ko na siya galit kaya siya? sana hindi.
hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya kahit text o tawag lang. ano kayang ginagawa niya? ano kayang iniisip niya? siguro pagnatapos ang school year at nakauwi ako maiintindihan niya ko hayys.
"ano namang iniisip mo?" napaupo ako ng may lumitaw na lalaki sa harap ko, teka siya yung anak ng principal ah ano nang ginagawa niya dito? sinundan niya kaya ako?.
"ahm wala, bakit ka nandito?" tanong ko.
"wala lang, ako nga pala si Jake" sabi niya at inilahad ang kamay sakin ang bait naman niya at ang cute pa, ngumiti ako at nakipagshake hands.
"ariana" pagpapakilala ko.
"hindi ko tinatanong" sabi niya at tatawa tawa pa, binibwisit niya ba ko? agad kong binawi ang kamay ko at tinignan siya ng masama.
binabawi ko na ang sinabi ko hindi na siya mabait! "joke lang, hindi ka naman mabiro" at nakuha pa niyang manjoke ha! tumaad ang kilay ko.
"well hindi ako nagpapabiro" patayo na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko, WTH! wala siyang karapatang hawakan ang kamay ko!
YOU ARE READING
Magic of sorcery
Mystery / ThrillerThis story is all about mysteries,magics and powers.Once there was a girl who named ARIANA JANE DEVARA she has seven lovable friends that protecting her from the enemies that want to take her. All of her friends have a magic powers but she's the onl...