chapter 9: first night together

8 7 0
                                    

Ariana's POV.

"AaHHHHHH" sigaw ko sa taong nasa harap ko, pero bigla niyang tinakpan ang bibig ko at hinila ako sa likod ng puno.

"sshhhh" mahina niyang sabi habang nasa gitna ng labi niya ang hintuturo niya, napairap ako at pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko.

ilang oras niya na din akong hawak,
nagpalingon lingon siya sa paligid at binitawan na din ako, hay salamat.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ni erron.

" a-ah w-wala nagpapahangin lang" sagot ko.

"alam mo bang bawal lumabas ng ganitong oras?, ang kulit mo talaga" inis niyang sabi at hinila ako palayo.
e

h bakit siya?? nasalabas din naman siya eh!.


"anong meron dun? bakit mo ko hinila?" tanong ko pero hindi niya ko sinasagot.

"huy! ano erron?!" tanong ko ulit
pero ayaw niya talagang magsalita at patuloy lang sa paghigit sakin.ah ayaw mong sabihin ah! huminto ako sa paglalakad at bumitaw sa pagkakahawak niya, lumingon naman siya sakin ng nakakunot ang noo.

"ano bang problema mo?"tanong niya pero imbis na sumagot ako nginitian ko lang siya at naglakad palayo sa kaniya.

naglakad ako pabalik sa gubat alam ko naman na susundan niya ko eh, ipaparanas ko lang sa kaniya kung anong ginagawa niya sakin kanina.

"hoy ariana wag ka ngang maginagrte, bumalik na tayo delikado dito"inis na sabi niya pero imbis na sagutin ko siya nagpatuloy parin ako sa paglalakad.

habang patagal na patagal kami sa sungitan palayo na kami ng palayo sa castle" ariana ano ba delikado nga dito"pero hindi ko parin siya pinansin.

"bahala ka dyan ang kulit mo" sabi niya at umalis, ok! fine! iwan mo ko!.

hay makabalik na nga lang, pahakbang na sana ko ng malimutan ko ang daan pabalik. aish! nakakasura talaga!!.

"roarrrr!!!!!!!"

ano yun??? wag mong sabihing-----, unti unti akong lumingon at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang malaking bear sa harap ko.

"aahhhhhh!!!!!" sigaw ko at tumakbo ako ng mabilis, lumingon ako sa likod ko at hinahabol ako ng bear. OH EM GEE! anong gagawin ko??.

tumakbo lang ako ng tumakbo pero napatigil ako ng madapa ako at sumubsob sa sahig tumayo ako pero natumba ulit ako ng maramdamang sumakit ang ancle ko, pano nako nito??

lumingon ako sa bear at tumakbo siya palapit sakin, OH NO! katapusan ko na ba to??. nasa harap ko na ang bear at tumayo siya.

"roarrrrrr!!!!!!"

Magic of sorceryWhere stories live. Discover now