Chapter 33 - Breakfast

14.9K 700 14
                                    

POV Sienna

Time: 6:00 AM (Sunday)


Salamat sa gatas courtesy ng maharot namin na president at nakatulog ako ng mahimbing. Nagising na lang ako nang may makita ako na konting liwanag sa bintana, umaga na pala.

Si Savannah ay mahimbing pa rin na natutulog. Si Jordan naman ay humihilik pa din. Samantalang si Kio at Herschel ay mukhang gising na at kumakain sa dining room.


"Hmmm, bango! Ikaw ba nagluto nito, Kio?" sabay kurot ko sa bacon sa plate.

"Si Che nagluto niyang bacon pancake, yummy noh? Parang siya lang! May tocino din at rice din para heavy breakfast," sagot ni Kio sabay kindat sa akin habang kinakagat ang choco chip bagel.


Sasabunutan ko talaga ang baklitang ito. Yummy daw? 


"Ano sabi ni Dark Shadows?" change topic kong tanong habang kumakain sa lamesa.


Si Dark Shadows ang special friend ni Kio na nagwowork sa Aquinas Island. Si Herschel, wala na naman kibo. Moody talaga si mokong.


Hello? Muntik mo na ko halikan kagabi! Meron ka pa nalalaman na the Vice President is for the President alone!


"Kaya pala hindi tumatawag ang daddy ni JC dahil nagkaroon ng problema sa Aquinas Island. May mga nakalusot na infected at naging madugo ang mga nangyari. I don't want to spill the gory details while we are eating," sabi ni Kio.

"Go ahead, di naman ako sensitive. Herschel, ok lang?" tanong ko sa kanya at tahimik lang si Herschel na tumango sa akin.


Anong problema mo? Bakit bigla ka naging suplado?


"Aquinas Island was able to accommodate almost half of our city's population. Alam niyo naman na in case of natural disasters or emergency, Aquinas Island serves as the main evacuation center dahil sa groundbreaking military facilities. It has several underground floors that can even withstand a nuclear attack," pagsisimula ni Kio at tahimik kami ni Herschel na nakikinig sa kanya.

"From Saint Thomas port, they were able to check all of the evacuees. None of them were infected, but it seems that there was a zombie attack from Floor 20 up to Floor 21. They don't know how it happened, but these two floors are now full of zombies. May infected na nakalusot at naghasik ng lagim. They have no choice but to seal these floor layers to stop the infection."

"Wait lang, yung daddy ni Jordan. Is he okay? How about Herschel's dad?"

"General Regalado was stuck in Floor 22 together with some of his men. The infected floors were already cleared kaso maraming casualties both sa civilian at military side. Herschel's father called him earlier today, he is fine at nasa kabilang island. Gagawin muna nilang quarantine area yung Aquinas Island. Pag positive na hindi infected yung mga survivors, saka ililipat dun sa katabing island," paliwanag ni Kio.

"How about us? Wala bang sinabi si Dark Shadows kung ano gagawin natin?" tanong ko kay Kio.

"He asked us to stay here, pero gusto niya na mag prepare tayo ng isang ready bag in case we need to get out of here as soon as possible. Hindi pa rin niya sigurado ang safety natin. He thinks we will be safer kung nasa island tayo."


Dahil sa payo ni Dark Shadows, nanatili kaming lima sa bahay nila Herschel. Sasabihan na lang daw niya kami kung kailan ang best time para umalis dito. Marami pa kasing tao na inaasikaso sa island kaya mas mabuting wag na muna daw sumabay sa crowd.

Tinawagan ko uli si mommy at daddy. Mukhang maayos naman sila nila kuya dahil isolated na city ang Perth compared sa ibang mga cities sa Australia.


Si Kio ay nakatutok pa din sa laptop niya. He is using my laptop and Herschel's laptop at the same time. Si Sav naman at si Jordan ay nakaharap sa television para sa mga updates.

We feel safe sa loob ng bahay nila Herschel. Kung tama ang mga scientists, after ilang araw ay magweweaken ang mga zombies and we can go back to normal, pero somehow, I can feel that there is a greater danger that we are about to face.

Minabuti kong lumabas sa may garden nila Herschel at umupo sa isang bench malapit sa swimming pool nila. Kung hindi pa nagkaroon ng zombie apocalypse, hindi na yata ako makakapunta dito sa bahay nila.


"Kung gusto mo maligo sa pool, pwede naman," sabi ni Herschel na umupo din sa katabi kong bench.

"I don't think na mag-eenjoy ako sa swimming pool kung alam ko na may umaaligid na zombies sa di kalayuan."


Hindi na niya ako sinagot at pareho lang kami nakaupo at nakatingin sa swimming pool. We remained quiet for minutes.


"Sienna..."

"Ano yun, Herschel?"

"Kung ikaw na lang ang natitirang babae sa mundo---"

"I need to stop you there, Mr. Rivera. Alam ko na yan. Alam ko na hindi mo ko papatuluan kahit ako na lang ang nag-iisang babae na natitira dito sa mundo. I heard you once, no need to slap it on my face again!" inis na sabi ko kay Herschel pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko papalapit sa kanya.

"I was just kidding. Forget that I said that! I know that you were offended dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam na may pusong mamon ka. Akala ko, pusong bato ka lang," mahina niyang sabi sa akin.

"You were just stating facts, Herschel. Yeah, it was so straightforward, but you were just being honest. No need to apologize."

"Again, it was a joke. Wag ka na mag-inarte!"

"Hindi ako nag-iinarte. At bitawan mo nga ako!"

"I told you, kalimutan mo na yun, okay? I am sorry I was rude. Isa pang arte mo tungkol sa sinabi ko, bubuhatin kita at ihuhulog sa pool."


Nagsosorry na naman si Herschel? Hala, end of the world na talaga!


I just stared at him kung pinagtitripan niya lang ako, but he really looks serious with his threat. I just sighed and surrendered. Wala sa plans ko ngayon ang maligo sa swimming pool. Isang salita ko pa, alam ko ihahagis talaga ako ni Herschel sa pool.





---

Please don't forget to click Like/Vote and kindly leave your Comments, suggestions and violent reactions...

- CC Summers 

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon