POV Herschel
Time: 9:30 AM (Tuesday)
Instead of using the First Avenue, we used the Second Avenue papunta sa marina kung saan naka dock ang yacht ko. A few months ago, I purchased this yacht and customized it in case of zombie apocalypse version two.
When we reached the Second Avenue, we just turned left along the Saint Thomas Boulevard to reach the yacht harbor. Mabilis kaming nakapasok sa compound ng yacht club at walang kahit anong sasakyan sa malawak na parking lot.
"Aldridge City Luxury Yacht Club? Di ba for the rich and famous lang ito? Tapos nagpapabili ako sayo ng dog stuffed toy noon, hindi mo ko maibili kahit isa? Tinitipid mo ba ko?" inis na tanong ni Sienna habang nakatingin sa signage ng yacht club.
"Ayokong maging spoiled ka habang girlfriend kita," sabi ko sabay akbay sa kanya.
Napansin ko din na maraming yacht pa din ang naka docked dito sa marina. It only means na hindi na naisip ng mga owners na gamitin ito during this zombie apocalypse shit.
"Che, asan ang yacht mo?" tanong ni Kio habang hawak ang black Labrador puppy.
"Just use this first platform. Nasa dulo yung yacht. Madali niyo mapapansin yun dahil yung lower part ng yacht, may mirror-like finish at nag rereflect ang tubig," sagot ko kay Kio.
Mukhang walang tao sa marina, pero maingat pa din kami na naglalakad. Hindi pa rin namin sigurado kung may zombie dito o wala. Tulad ng bahay namin, my yacht is using state-of-the-art security feature. Kailangan ng passcode at thumbprint access para makapasok.
"Che, this is a fucking super yacht. How much is this extravagant piece?" tanong ni Kio habang pumapasok kami sa loob.
"Roughly around---"
"Nope nope nope! Ayokong marinig kung magkano ang presyo ng yate mo!" mabilis na sabi ni Sienna sabay lagay ng finger niya sa tapat ng labi ko para pigilan ako magsalita.
Kahit mayaman ang pamilya ni Sienna, she remained humble and simple. She must already have a rough estimate kung magkano ang yacht ko dahil ang Kuya Blare niya ay meron private yacht sa Perth. His brother is the one who helped me find this perfect yacht.
"This is a four-deck yacht, pero yung first three layer lang ang magagamit natin. The upper deck has several large sunbeds for sunbathing. This main deck consists of the living room, kitchen and recreational area. The cabins are located at the lower deck," paliwanag ko sa kanila.
"I will try to contact Aquinas Island. Kailangan natin malaman if the island is safe or not. I am worried about Baby Harold too," sabi ni Kio habang sinesetup ang laptop niya.
"Sav, there are only three cabins in this yacht. Samahan mo na si JC and observe his condition. Baka lagnatin siya dahil sa sugat niya. Lalabas lang kami ni Sienna, kindly lock the door," sabi ko kay Sav while giving her the key for their room.
Hinila ko palabas ng yacht si Sienna dahil kanina pa siya nakatulala. She is probably impressed with the minimal chic design and spacious exteriors.
"Ang laki ng yacht mo..." sabi niya habang tinitignan ang labas ng yacht.
"I own something much more bigger," bulong ko sa kanya while biting his earlobe.
"Shut up! Bastos na naman ba ang iniisip mo noh?"
"What? I have a bigger property that I own. Kabibili ko lang ng isang malaking lupa na malapit sa Redwood Forest. Ikaw ang bastos mag-isip eh," nakangiti kong sagot sa kanya while pulling her arm papunta sa kabilang side ng yacht.
"Bakit tayo nasa labas? Delikado pa rin dito---"
This time, I put my finger on top of her lips to silence her. Tinuro ko sa kanya ang nasa unahan na bahagi ng yacht kung saan naka engraved ang name ng yacht.
"Adelaide? Di ba city yan sa South Australia?" taas kilay niyang tanong sa akin.
"Sienna, lutang ka ba? Di ba pangalan mo yan? Sienna Adelaide Ramos?" sabi ko sabay pitik ko lang ang ilong niya.
"Ouch naman! Teka, you named it after me?"
"Ay hinde. Ayan na, nasa harapan mo na, di ba?"
"Does it mean that I own it too?"
"Nope, wag kang assuming masyado. Siguro pag kasal na tayo. Let's go. Samahan mo ko, bubuhatin ko pa yung isang sako na dog food," sabi ko sa kanya sabay hila ng kamay niya.
Kahit di niya aminin, Sienna is blushing right at this moment. Hindi siguro niya inaasahan na ipapangalan ko sa kanya yung yacht na nabili ko.
Kung ako lang ang masusunod, I want to marry her right now, but I want everything to be prepared when that happened...
BINABASA MO ANG
Truly Madly Deeply Zombie [Completed]
Mistero / ThrillerPaano kung isang kisap mata mo ay zombie apocalypse na? Paano kung ma-stuck ka sa school kasama ang mga pinaka ayaw mong classmates? Paano kung ma-in love ka sa maling panahon? This is the story of five students and how they fell in love during a zo...