Chapter 71 - Techno

11.1K 408 24
                                    

POV Herschel

Time: 3:00 PM (Monday)


Ilang oras din kami naglalakad sa mapuno at masukal na daan. Kung walang zombie apocalypse, maappreciate ko sana ang ganda ng woods, pero wala kami dapat sayangin na oras dahil baka masundan kami ng Blackburn Vulture Gang.


"Ang ganda dito sa Redwood Forest noh?" sabi sa akin ni Sienna.


Kanina pa paikot ikot ang mata niya sa mga nagtataasan na puno at mga nag gagandahan na red orange foliages. Para kaming nasa autumn wonderland dahil unti unting bumabagsak ang mga reddish colored leaves habang naglalakad kami.


"Mas maganda ka para sa akin," nakangiti kong sagot sa kanya.

"Pssssh! Di ako sexy di ba?"

"Sienna, you are the most beautiful girl in my eyes," sabi ko sabay hawak sa kamay niya.


She just rolled her eyes. Siguro medyo napikon nang sinabihan ko siya kanina na hindi siya sexy at hindi ko pinagpapantasyahan ang katawan niya.


"This place is called Redwood Forest because of the red foliages of the Japanese Maple, Red Maple and Red Oak trees in this area, hindi dahil sa Redwood trees. Nagiging kulay pula ang lugar na ito dahil sa mga reddish orange na leaves."

"It is so peaceful here as if hindi aware ang mga puno sa nagaganap ng zombie apocalypse," mahinang sabi ni Sienna. She is still amazed dahil ang ganda ng lugar na ito.

"A few more hours magdidilim na. May plans ka ba, Kio?" tanong ko nang mapansin ko na medyo nilalamig na din si Sienna.


Dalawang maliit na sapa na din ang nadaanan namin at mabigat sa katawan ang basang damit. Kahit si Savannah ay medyo inuubo na din sa lamig.


"We have two options. Stay in these mountains or cross the Redwood Access Road at bumaba sa Industrial park."

"What are the odds of our survival?"

"Che, kapag dito tayo nag stay sa mountain, we are prone sa lahat ng dangers. Cold temperature, zombies and even the Blackburn Vultures Gang. Sa Industrial Park, kalaban natin ang napaka daming zombies, but we may found a shelter for the night," paliwanag ni Kio.


Mas prefer ko makipagsapalaran sa kamay ng mga zombies kaysa sa mga buhay na tao. Ang Aldridge City Techno Park ay nasa south side ng city. Pagbaba ng Redwood Access Road, madali na mararating ang industrial park.

It composed of several pioneering manufacturing plants na environment friendly with international standards. We may encounter horde of zombies, but the Blackburn Vulture Gang will have hard time locating us.


"Di ba andyan sa technopark ang manufacturing plant ng famous cake bakeshop na The Glaze? Ang alam ko, cutting-edge robotics ang gamit nila at bihira lang ang tao. We can use their office or even loot some food!" excited na suggestion ni Sienna.

"OMG! Favorite namin ni Sienna yung donuts ng The Glaze. Even their cakes are superb in taste. This plan sounds good to me. Che, di ka naman siguro makakatanggi sa girlfriend mo di ba?" nakangiti na tanong ni Sav sa akin.


Both of them look excited. Naalala ko noong high school pa kami, favorite ni Sienna ang glazed donuts. Sabi niya noon, parang natikman na niya ang heaven kapag kinakain ang donut ng The Glaze. Sa unang pagkikita din namin ni Sienna ay kumakain siya ng donut at pinahawak pa sa akin.


"Agree ako sa aking mga beshies. Ayoko mag stay dito sa Redwood Forest. Masyadong malamig lalo na kung gabi. Wala akong kayakap!" dagdag ni Kio.


Tumango lang sa akin si JC. Alam niya na mas malaki ang chance ng survival namin sa Technopark kaysa bundok lalo na at mag gagabi na.


Bumaba kami ng bundok at narating ang Redwood Access Road. Tanaw ko na mula dito ang mga buildings ng Aldridge Central Business District. That is the last place that we want to go. That is where the zombies are concentrated the most.


Nagsimula kaming tumawid ng Redwood Access Road. It took us only a few minutes at natanaw na namin ang entrance ng Techno park. It is like a gigantic subdivision pero imbes na bahay, mga industrial companies ang nandoon.


Gabi nagsimula ang zombie apocalypse kaya umaasa kami na walang zombies or kaunti lang ang tao ang nandito sa Technopark.


"I'm hungry," bulong sa akin ni Sienna habang naglalakad kami sa main road ng techno park.

"Me too. Can I eat you later?"

"Seriously, Herschel? Gutom talaga ko. I need real food."

"Pasalamat ka nagsasabi ako sayo in advance," biro ko sa kanya.


I pulled her closer to me habang naglalakad kami. Alam ko na din na medyo nagiginaw na siya dahil basa ang damit niya. Alam ko na shocked si Sienna sa mga barilan na naganap kanina. Alam ko din na natakot siya at napuno ng pag-aalala para sa sakin.


"Kio, saan dito ang yung The Glaze bakeshop company? Ang lawak ng Technopark," tanong ni Sav na naglalakad sa bandang unahan namin. Kami ni Sienna ang nasa likod at si Kio ang aming nagsisilbing lead.

"That three story building na may white gate, but it looks closed. Akyat bahay gang na naman ang gagawin natin," sabi ni Kio sabay turo sa malapit na building.


Pagdating namin sa tapat ng malaking white na gate, nag over the bakod agad si Kio. Tulad nang ginawa namin sa wall ng Crimson Hotel, una namin itinawid ang mga backpacks namin. Inalalayan namin ni JC si Sienna at Sav na tumaas sa gate. Mabuti na lang at di gaanong mataas ang white steel gate entrance at madali sila nakapasok.

Aakyat pa lang sana kami ni JC nang makarinig ako ng kakaibang ingay. Parang buzzing noise and it is coming closer to us.


"JC, do you hear that?" tanong ko nang makapasok na si Sienna at Sav sa loob ng The Glaze compound.


Lumakad si JC papunta sa main road ng techno park para silipin kung saan galing ang ingay pero mabilis siyang tumakbo pabalik.


"Let's get inside. Hurry! May horde ng zombies na papasok sa loob ng Technopark entrance gate!" sabi ni JC na umakyat ng gate.


Horde of zombies? Paano nakapunta ang mga zombies dito?


"Herschel! Get inside!" sigaw ni Sienna sa akin dahil medyo natulala ako sa sinabi ni JC.


Mabilis akong sumunod kay kay JC para umakyat sa gate. Highly unlikely na magkaroon ng zombies dito sa Technopark almost at the same time na andito kami. 


This is not a coincidence...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon