Chapter 89 - Apple Pie

9.9K 372 7
                                    

POV Herschel

Time: Flashback


Back in high school, alam ko na hindi na masyadong magkasundo si Sienna at si Stephanie and it is all because of me.

Sienna is very friendly and warm sa karamihan ng mga students specially sa mga girls. She is well-respected because of her wits and good heart. Everyone loves her except Stephanie.

First year pa lang ako ay hinahabol na ako ni Stephanie. She blatantly admitted noon pa na gusto na niya ko. Stephanie developed a certain animosity towards Sienna when she got a whiff that Sienna is special to me.

Madalas ako binibisita noon ni Stephanie sa student council room like a crazy girlfriend. I told her numerous times na may gusto akong iba pero matindi pa siya sa linta kung mag stick sa akin.


"Hi, Che. Dinalan kita ng Apple Pies. Di ba favorite mo ito? I am the one who baked it," sabi ni Stephanie na biglang pumasok sa student council room.

"Thanks, Steph. Pakilagay na lang sa table," maikli kong sagot while looking at Sienna.


"Ehem! Gayuma! Ehem!" Sienna faked a cough.


Di nakaligtas sa akin ang sinabi niya. Hindi tuloy alam kung concern siya sa akin or nagseselos siya. She remained expressionless habang nakatingin sa laptop niya at nag-oorganize ng next fund raising campaign namin.


"Che, busy ka ba later?" tanong ni Steph na biglang umupo sa tabi kong upuan.

"Yes, I will be busy the whole day. And Steph, I don't mean to be rude, pero bawal ang hindi student council members dito. Kindly leave the room please."

"Come on, Che. Si Shen lang naman ang nandito. You can be a little nicer to me and I think she does not mind it," mahinang sabi ni Steph while slowly running her fingers on my arm.


She even pressed her chest closer to me na parang sinasabi na gusto niyang ialay ang katawan niya sa akin sa mga oras na yun.


"Achooo! Slut! Achooo!" Sienna pretended that she is sneezing. Buti hindi siya naririnig si Stephanie.


"Steph, please don't make me ask you again or gusto mo na hilahin pa kita palabas?"


Di napigilan ni Sienna ang biglang matawa sa sinabi ko. Matagal na niyang kilala si Stephanie at alam niya na may pagka clingy ang babaeng ito kahit hindi ko girlfriend.


"Anong tinatawa tawa mo dyan, Shen? Do you think this is funny?" inis na tanong niya kay Sienna na nakaharap pa din sa laptop.

"Excuse me? Ako ba kausap mo? Akala ko kasi naglalandian kayo ni Herschel at invisible ako."

"You are clearly laughing at me! Siguro insecure ka sa akin dahil mas maganda ako sayo. For your information Shen, I will be next Redwood High Queen."

"My money is on Savannah Roberts. She is far more gorgeous than you. At least siya may hinaharap, ikaw wala! Siguro pinaglihi ka sa plywood?"

"What the fuck did you just say?"

"I said, get the fuck out of this room! Hindi ba macomprehend ng maliit mong utak ang sinabi ko?" inis na sabi ni Sienna


Stephanie has nothing to lose, but Sienna is the Student Council Vice President. Alam ko na hindi ito ang unang nag away si Sienna at Stephanie kaya mainit ang dugo nila sa isa't isa.

There is one incident wherein Stephanie deliberately poured her grape juice to Sienna and asked for an apology in front of all the students as if hindi niya ito sinasadya. A bitchy move na pinalampas ni Sienna. Alam ko din na si Stephanie ang nagkakalat ng rumors na may relasyon si Sienna at si JC para siraan si Sienna sa mga girlfriends ni JC.


"Sienna... Please, watch your words..." mahina kong sabi para pigilan siya.


Sienna just looked at me with so much anger. Humarap uli siya sa laptop as if walang nangyari na sagutan sa pagitan nila ni Stephanie, pero ramdam ko ang inis niya. She is silently gritting her teeth. Akala niya siguro ay kinakampihan ko si Stephanie. Hindi niya alam na concern lang ako sa kanya.


"Malapit na ako mag birthday, Che. Bakit di mo ko pagbigyan sa hinihiling ko? Dun tayo sa penthouse ng daddy ko dahil wala siya dito sa Aldridge City. We can spend the night together. I promise to satisfy your sexual needs," malambing na sabi ni Stephanie.


Di nakaligtas sa akin ang gigil ni Sienna sa pagtatype dahil sa sinabi ni Stephanie. Sigurado ako, selos ang nasa mukha ng babaeng ito.


"Steph, I am busy..."

"Sige na, Che. Alam mo naman na ikaw lang ang lalaki na para sa akin. Ikaw lang ang mahal ko. I won't hesitate to give everything to you specially my body," malakas sabi ni Stephanie kahit naririnig ni Sienna.

"Steph, stop it..." bulong ko sa kanya nang maramdaman ko na dinidikit niya ang dibdib sa akin in a sexual way.

"Aasahan ko sa birthday ko yung gift mo, Che. But if you want to do it now, hindi naman ako tatanggi. How about at the back of my car?"


Sasagot pa sana ako pero biglang sinara ni Sienna ang laptop niya. Lumabas na agad siya ng student council room bago pa niya marinig ang sagot ko kay Stephanie.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon