Chapter 1

9 0 0
                                    

Mayabang!

Nasa parking space ako ng DFU. Leaning on my White Mazda while talking to Shan on phone. It's already 4pm at tapos na ang klase ko.

"Sige. I'll be there in ten minutes. Bye!" I ended the call at pumasok na sa kotseng tatlong linggo palang mula ng iregalo ni Daddy for my 20th birthday next next next next month. So lucky to have a dad like him. Kahit strikto si Daddy ay binibigay naman nito ang mga kailangan ko. Lalo na ngayong nasa 3rdyear college na ako.

I started the engine and headed to Dust and Lust. Hindi pa ako gaanong sanay magmaneho kaya medyo mabagal pa ang patakbo ko. I just hope na makarating ako dun bago matapos ang 10 minutes.

Nagpark ako sa parking lot malapit sa sinabing lugar ni Shan. At tumungo na doon sa loob. Nakita ko naman ito kasama ang boyfriend nya at tatlo pang babae at dalawang lalaki sa tatlong pinagtagpi tagping mga lamesa na nagkakatuwaan. Agad akong nakita ni Shan at kumaway.

"Rylle, over here!"

Nagtungo ako doon ng ngingiti ngiti. Nakita ko pa ang pag-irap ni Josh. Napakasuplado talaga!

"Ang sungit ng boyfriend mo Shan" tatawa-tawa kong sabi at umupo sa isang bakanteng upuan sa gitna ni Josh at Shan. Ganun talaga. Walang magagawa si Josh dahil dito ko gustong umupo. Ako ang boss! Haha

"You're late Darylle" nakahalukipkip na sabi ni Joshua. Napatingin naman ako sa Relo ko. 4:46 pm. Am I that late? Napatingin nalang ako kay Shannaia at umiling. Ngumiti ito at tumingin sa mga bagong mukha sa harap. Nagtatawanan sila.

"Uhm. Rylle, these are my friends." Tumingin sya sakin at ngumiti.

"Guys, this is Daryllayne Alferez, my bestfriend" nakangiti ng maluwang si Shan. Kitangkita ang kagandahan nito. Maputi, mapungay na mga mata, matangos na ilong, at kaakit-akit na labi ang makikita sa bilugan nitong mukha.

"I'm Alleyna Rivas. Nice meeting you Daryllayne!" naglahad ng kamay ang una at tinanggap ko iyon ng may ngiti sa mga labi. Sopistikada ito at mukhang mayaman.

"I'm Georgelyn Paris." pagpapakilala ng katabi nito habang nakayuko. Tila nahihiya.

"I'm Markieff Salcedo, nice meeting you Rylle. Though, I already knew you." nakangisi itong naglahad ng kamay at tinanggap ko din yun. I was about to ask kung paano nya ko nakilala ng biglang magsalita ang isa pa nilang kasamahan.

"I'm Johanne Suarez." sabi ng isang mukhang maldita. Maasim ang mukha nito at parang ayaw makipagkaibigan. Hindi sya naglahad ng kamay pero ayos lang naman saken. Nginitiin ko na lamang ito.

Napatingin ako sa isang lalaki na hindi pa nagpapakilala. Busy ito sa pagtitipa ng kung ano sa cellphone nya habang nakangisi at parang aliw na aliw sa katext. Napatingin dito si Josh at saka ito sinita.

"Stop texting Alex. The Spoiled and brat Darylle, wants to meet you" nanunuyang sabi ng masungit na si Josh. Tinignan ko ito ng masama at inirapan naman ako. Gusto ko sanang magpatulong kay Shan, pero ayon at busy ito sa pakikipag usap sa waiter para sa order namin.

Bumaling ako sa mga kaibigan ni Shan, na nagtatawanan na ngayon. Pati ang tila malditang si Johanne.

"Yo Alex! This is Daryllayne Alferez, my bestfriend." agaw-pansin ni Shan sa lalaking snob kanina pagkatapos kausapin ang waiter. Lumingon naman ito at tumaas ang gilid ng labi.

"I knew her!" sabi nung snabero at suminghap na parang hindi interesado. Nanlaki ang mata ko. May mas masungit pa pala kay Josh? Pero hindi yun ang ikinabigla ko. Bakit kilala nila ako gayong hindi ko sila kilala? Dumako muli ang tingin nito sa kanyang cellphone bago muli nagsalita.

"By the way, I'm Alexander. In case you don't know me yet." Literal akong napanganga sa sinabi nito. Mayabang!

Nagkwentuhan at tawanan lang hanggang sa nakuha ko na din sa wakas ang loob ng mga kaibigan ni Shan. Maliban doon sa Alexander na buong oras ay sa kanyang cellphone nakatoon ang pansin! Dumating nadin ang mga inorder na light drinks at coffee at nagpatuloy kami sa pagtatawanan.

"I enjoyed the drinks and thoughts. Thankyou for coming Rylle!" nakangiting sabi ni Shan pagkababa ng sasakyan ko. Saakin sya sumabay dahil gusto nya daw akong makasama ng mas matagal. Kawawang Josh! Bumaba din ako at agad niyang pinulupot saakin ang kanyang braso. Childish!

"Thankyou din Shan. Nextym ulit" sagot ko sakanya.

Nagdesisyon na kaming maghiwalay. Kumaway na sya at naglakad na papunta sa lobby ng condo unit nya. Bumalik na din ako sa kotse ko at pinaharurot iyon pauwi sa sarili kong condo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Found you againWhere stories live. Discover now