"Goodmorning Ms. Alferez!" masungit na bati saaken ni Prof. Barcela.
Isa si Prof. Alejandra Barcela sa mga terror teacher sa department na kinakatakutan ng mga kagaya kong estudyante. But not me. Tuwang tuwa pa ako kapag nagagalit sya sa tuwing late ako sa klase, gaya ngayon!
Nginitian ko sya bago tuluyang pumasok sa classroom. Tahimik ang lahat, halatang takot sakanya.
"Good morning Prof." I greeted her back ignoring the tension.
"Since day 1, you're always late. Sanay na sanay ka na ata? You want to be a teacher at that Ms. Alferez?"
Heto na naman kami at magpapahiyaan na naman. Ganito kami palagi sa klase nya. Uubusin ang kalahating oras bago magproceed sa lesson, minsan pa ay di na nakakapaglesson.
"Excuse me ma'am! It seems like you're discriminating me? So what if I wanna be a teacher? As far as I know, wala naman akong masamang record sa guidance!" I replied bago umirap.
"At least have good manner and right conduct!" G na g na sabi ng matandang propesor.
"Is being late a big deal Prof?" I asked her at naiirita na din. Tinignan nya ako ng masama bago nagsalita ulit.
"Being always late is not what teachers do!" She exclaimed. Mukhang nag iinit na talaga ang ulo nya.
"I'm not yet a teacher. I can change!" I answered her.
"Arg! Let's get back to the topic!"
Natawa nalang ako dahil sumuko nalang si Prof sa pakikipag argumento saakin. Siguro alam nyang wala syang magagawa saken. Dapat kasi tanggapin nya nalang ako sa kung ano ako. Hahaha
We finished our 1pm class and the next hour is vacant. I take the time to look for Alexander in their building dahil ininform ako ni Freya na ipapasa na ngayon yung 100 item assignment namin.
Nakalimutan ko kasing kunin kay Alex dahil nga hindi pa naman ipapasa.
"Do you happen to know where the 5th year Engineering students are?" I asked one of the students there. Sa tingin ko 1st year lang sya.
"Ay dun po sa kabilang building ate." She said humbly at itinuro pa ang kabilang building.
"Thankyou!"
Dali dali akong tumungo doon dahil baka malate na naman ako sa klase. Nakita ko naman si Markieff at Alleyna na sabay na lumabas sa isang classroom at nagtatawanan pa. Kumaway ako sa kanila, nasa tapat pa sila ng pinto nung classroom na pinanggalingan nila at kung sinuswerte ka nga naman ay agad nila akong nakita.
"Oh, Daryllayne! What are you doing here?" Alleyna asked confused.
Ano nga naman ang gagawin ng isang Education student sa Engineering department diba?
"Ah, do you know where Alex is? May hihingin sana ako." I told them.
Nakita kong tumaas ang isang sulok ng labi ni Markieff bago ito tumingin sa loob ng classroom na pinanggalingan nila. Sumenyas sya doon at maya maya pa ay lumabas si Alex at Johanne.
Nakapamulsa si Alex, as always. He maintain that snob look huh? Pero nakakapanibago lang dahil nakasuot sya ng uniform ngayon, white polo na may nakaburdang 'Engineering' sa right chest. At black slacks and shoes. May necktie din na maroon at sa dulo ay nanduon ang logo ng department nila. But unlike Markieff and the others, hindi nakatuck in ang polo nya. He looks like a bad boy minus the earings and tattoos.
YOU ARE READING
Found you again
RomanceMay mga tagpo sa buhay natin kung saan matututunan natin na magmahal, masaktan, umasa, mawalan ng pag-asa, kumalimot. Pero may mga bagay na dadating para ipaalala saatin ang lahat ng sakit at lungkot na naranasan natin. Just like what Rylle experien...