It's almost two weeks at hindi na namin nakakasama ang mga tropa naming mga future Engineer. Even Shan, maging si Josh ay hindi nya na din nakakasama. Nagpapakakontento nalang muna sila sa chats dahil busy ang mga ito, since their graduation is approaching.
"I missed him." Sabi ni Shan out of nowhere. Nandito kami sa Tracy's Salon upang nagpapamanicure and pedicure. Total wala naman kaming Friday Afternoon class.
"I miss them too." I replied to Shan. I am holding a magazine at nagbabasa doon ng tumingin saken si Shan.
"You miss him?" She asked.
"It's them not him alone. Duh!" Umirap nalang ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa while one of the Salon's staffs is doing my pedicure. Ano bang iniisip nya?
Nangingiti-ngiti si Shan at kinuha ang kanyang cellphone. Maya maya pa ay tumingin muli saakin si Shan at ngumiti ulit.
"Gusto ni Josh ng overnight ulet. Senyo ulet." she said as she waved her phone for me to look.
"Yeah sure." Sabi ko naman. Wala naman kasi talagang problema!
Natapos ang hapon namin ni Shan na puro gala. We even shopped for groceries para pagkain namin mamaya. We don't plan of drinking dahil kelangan namin magfocus since malapit na ang finals. Kaya energy drinks nalang ang binili namin, yakults and vitamilk. Magrereview lang kami mamaya with the guys!
Alas singko na ng makarating sina Josh at Alex sa condo. I was so shocked dahil silang dalawa lang. They looked so stressed.
"Asan yung iba?" I asked them, not expecting any answer dahil pareho namang snabero ang dalawa. I open the door wide para papasukin sila. Pumasok naman sila agad.
"They can't come. Personal problems!" Alex answered bago tuluyang sumunod kay Josh. Sarap batukan ng mga to! Isinarado ko na din ang pinto. Papasok nalang yun si Shan since may spare key naman yun.
"Shan is out. Kumuha ng sleepwear and other stuffs!" I informed them. Nakaupo na sila sa sofa sa sala at binuksan ang tv.
I can feel their tiredness and tensions. Pero para akong tanga dito na nakatingin sakanila. Josh looked at me with smug face! Ansarap lang sapakin. Agad nya namang binawi iyon at tumingin sa tv.
Maya-maya pa tumingin din si Alex saken. I raised one of my brow when he smirked. Lumapit naman si Ate Melba para mag abot ng snacks sa mga walang kwentang mga bisita. Popcorns and coke in can.
"Josh, bakit di kita makausap ng maayos?" I asked him at umupo na din sa kabilang end ng sofa, bale napapagitnaan namin si Alex.
Josh looked at me for a second before finally talking.
"Why would I talk to you eh inaagaw mo lagi saken si Shan?"
Childish! Pinigil ko nalang ang tawa ko dahil seryosong seryoso sya sa pagkakasabi. Binato ko sya ng popcorn na hawak ko.
"You're so stupid! 5th year kana sa college at ganyan ka mag-isip? Oh c'mon Josh. Hahaha" Sabi ko sa kanya at di na napigilan ang pagtawa.
Josh rolled his eyes at me at bumaling na muli sa tv.
"It's a joke tho!" He said habang nasa tv padin ang atensyon.
"Watever!" I replied at nagtungo naman sa kusina para kumuha ng malamig na tubig.
Nakita ko namang umupo si Alex sa countertop. Lalagpasan ko na sana sya nung bilang hinila nya ako palapit sakanya. He scooped my waist with his hands at isinubsob ang mukha sa likod ko.
"I missed you." He whispered. I was shocked dahilan para di ako makagalaw sa posisyon ko.
He seems tired pero agad kong binawi ang sarili ko dahil di yun sapat na dahilan para gawin nya yun. And aside from that we're not in any romantic relationship. Like duh!
I was about to rant nung bigla syang umalis papunta sa ref at kumuha ng dalwang bottled water. Nilagpasan nya ako at nagtungo na sa sala.
What's his problem?
Pagbalik ko ay nakitang andun na si Shan sa tabi ni Josh at magkayakap ang dalawa. Habang si Alex naman ay nasa kabilang end ng sofa, nakasandal at may librong nakapatong sa mukha. Natutulog ata.
Dinner came at nagprepare na si Ate Melba ng pagkain namin. Habang nasa hapag kainan ay nagkukwentuhan naman kami, pero it's a little bit awkward for me kapag nagsasalita si Alex.
"Ikaw Alex, may girlfriend ka?" Tanong ni Shan.
"Don't have one. Maybe sooner." He answered habang umiiling-iling.
"Si Rylle din wala." Shan replied. Natawa naman silang tatlo pati nadin si Ate Melba na nakaupo sa kabisera at kasabay namin kumain. Sumimangot nalang ako dahil sobrang awkward para saken.
"Pulutan for today guys?" I asked them dahil mukhang sayang saya sila na inaasar ako.
"Sus! Ikaw na nga hinahanapan ng lovelife. Haha! Baka sakaling lang naman na wala na akong kaagaw kay Shan diba?" Josh said habang tumatawa.
"Oh talaga ba Josh? Haba ata ng sinabi mo ngayon ah? Di kana snob? Hahaha" I answered him sarcastically. Tumawa naman ito at itinuloy ang pagkain.
"Bat di mo nga ligawan si Rylle, Lex?" Shan asked him again. Napakaepal talaga!
"Di ko nga kelangan ng lovelife! Gamuntik na nga ako bumagsak, edi lalo na akong bumagsak pag naglovelife pa. Basic logic! Jusko." Sabi ko sa kanila para tigilan nila ako.
"I'll help you naman kung sakali." Alex answered! At ginatungan pa nga ng ulagain. Hyst. Pinandilatan ko sya ng mata bago tumingin sa pagkain ko.
"Tutulungan ka naman pala eh. Paligaw na! Ikaw din. Baka maunahan ka. Hahaha." Naninibago na talaga ako kay Josh, masyado ata syang madaldal ngayon?
"Tumigil ka Josh. Di ako sanay na matalak ka!" Inirapan ko nalang din ang kumag na yun.
"Alam mo Lex, swerte mo jan sa besprend ko. Bigtime. Magaling. Masarap. Ikaw na bahala mag isip. Hahaha!" Gatong pa ni Shan. Sarap na talaga sabunutan.
"Oo nga Sir Alex. Mabait din po yan si Ma'am." Dagdag pa ni Ate Melba bago humagikhik.
"Ate Melba? Tatahimik ka o sisisantehin kita?" I glared at her at yumuko naman ito.
"Joke lang po ma'am. Pasensya na po." Paghingi naman ng paumanhin neto.
"Joke lang din ate. Pasensya na din. Wag kasing ganun! Argh." Sabi ko sabay hilamos sa mukha.
Nakatingin silang lahat saakin at sabay sabay na tumawa.
Pinagtitripan ba nila ako?
"Hayaan na naten! Pulang pula na oh. Hahaha!" Anang Shan habang tumatawa at kumakain.
"Basta Lex, always available yan. Jowain mo na, pls. Parang awa mo na! Hahaha." Talagang ipinapamigay ako ng dalawang to! Palayasin ko kaya sila now na, no? Hmp. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
"Soon." Alexander replied at nagpantig namang talaga ang mga tenga namin! I glared at him. Kumuha ako ng tissue at ibinato sa mga mukha nina Shan, Josh at pati na din kay Alex.
"Yieeehh!" Shan yelled.
"Ayan tissue para sa mga utak nyong maissue!" I told them. Kumuha pa ako ng isa pa at ibinato naman kay Ate Melba.
"Ikaw din ate Melba, isa ka pa!"
Asar na asar ako at tuwang tuwa naman sila. Parang gustong gusto nilang ganto ako. Mga hampas lupa!
YOU ARE READING
Found you again
RomanceMay mga tagpo sa buhay natin kung saan matututunan natin na magmahal, masaktan, umasa, mawalan ng pag-asa, kumalimot. Pero may mga bagay na dadating para ipaalala saatin ang lahat ng sakit at lungkot na naranasan natin. Just like what Rylle experien...