Chapter 8

6 0 0
                                    

Weeks later at masyado kong inuokupa ang bawat bakanteng oras ko para mag-aral. Isinasama ko lagi si Freya sa library at doon naman ito nagmumukmok, nagcecellphone imbes na mag aral din dahil malapit na ang finals namin. 3 weeks nalang.

Nag aaral talaga ako seriously pero syempre palusot ko lang yun para umiwas kay Shan. Maya't maya kasi itong yaya ng get together at jams pero di ko pinaunlakan dahil kunwaring busy nga ako sa paparating na exam. Ayoko kasing makita si Alexander, alam kong laging magkakasama ang mga yun.

It's friday afternoon nang tumawag si Shan saken.

"Hey Rylle, overnight kami. Please?" She seems like begging. Paniguradong nakapout na naman sya sa mga sandaling to. Pabebe lang ampeg beshy?

"No." I simply answered. Ayoko! Ayoko talaga! Ayokong makita si Alex dahil di ko alam kung pano ko sya pakikitunguhan.

"Why? It's already a month na di ka namin nakakasama. Nagtatampo na ko sayo Rylle." Halatang malungkot si Shan dahil nga naman di na kami nagkakausap personally. Lagi nalang sa chats or tawag.

"I have to prepare for the exam. I want to pass too Shan."

Andami ko ng palusot na sinabi sakanya. Alam kong napaka invalid ng mga yun pero ayoko muna talaga ng distraction.

Walang nagsalita sa kabilang linya sa loob ng ilang minuto. Akala ko ay naputol na ang tawag pero hindi naman, siguro ay tuluyan nang nagtampo na si Shan.

"You know what Rylle? I'm thinking na iniiwasan mo ako. W-what did I do wrong?" Garalgal na tanong ni Shan na parang umiiyak na.

Ayokong tiisin sya kasi di ko talaga kaya, only that, kelangan kong umiwas dahil magugulo ang mundo ko ng dahil sa kaibigan nya or kaibigan ng boyfriend nya.

Alam kong there's something in him that makes me feel unconscious. Parang lagi akong nawawala pag nanjan sya. I can't get to bare any minute with just him. At di ko yun nagugustuhan. Hindi ko yun napaghandaan. I'm not yet ready.

"I'm not. After exam, let's hang out. Promise!"

I assured her.

"That's a promise huh? I missed you. I missed you so much!" She replied.

"I miss you too Shan!"

I ended the call already. Marami pang sinasabi si Shan pero nagpaalam na ako dahil masyadong masakit ang ulo ko.

Maya maya ay bigla na namang nagring ang phone ko. Di ko na iyon pinansin dahil baka si Shan na naman, kukulitin lang ulit ako nun.

Pumasok na ako sa walk in closet ko para magbihis. Kumuha ako ng black cotton sando at white cycling. Iyon ang isinuot ko at agad dumapa sa kama para matulog. Napagod ata ako kakareview kahit wala naman akong naintindihan. Bigla na namang tumunog ang cellphone ko pero kinuha ko nalang ang comforter ko at nagtalukbong.

Nakaidlip ako at agad namang nagising dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko. Ate Melba!

Padabog kong binuksan ang pinto only to see Ate Melba na tila natatakot.

"Ah eh ma'am, tumatawag po kasi ang mommy nyo. Kanina pa daw po di nyo sinasagot."

What? So that means....

Agad kong tinakbo ang phone ko na nasa bedside table ko. Binuksan ko iyon at nakita ang sandamakmak na tawag ng mommy ko.

I gestured Ate Melba to go at ako na ang bahala. Agad ko namang tinawagan si mommy.

"Hello mom?" Entrada ko ng sagutin ng kabilang linya ang tawag ko.

Found you againWhere stories live. Discover now