I was awaken by the alarm. It's 6:30 in the morning. I got up only to feel aches in my head. Napahawak ako sa ulo ko na tila nabibiyak sa sobrang sakit.
Luminga linga ako at napagtanto ko na nasa loob ako ng aking kwarto. Nakapink na satin dress na din ako at dolphin shorts. Pumunta ako sa cr sa loob ng kwarto ko, hindi iniinda ang sakit ng ulo, para maligo na dahil may pasok pa ako mamayang alas otso.
After doing my morning routine bumaba na ako at naabutan si Ate Melba na nagpeprepare ng breakfast. Di pa ako nakauniform dahil baka madumihan iyon sa kitchen.
"Good morning ate Mel, asan po sina Shan?" I asked her dahil parang kami nalang ulit dalwa sa bahay.
"Uh. Si Ma'am Shan po nasa guestroom. Tulog pa po, wag ko na daw po gisingin kasi mamayang hapon pa daw po ang pasok nun sabi ni Sir Joshua." Sagot naman ni Ate Melba informing me about Shan.
"Sina Josh po?" I asked her again at umupo na sa dining para kumain.
"Kanina pa po umalis mga alas kwatro po. Kasama yung tatlong babae. Pero yung dalawang lalaki kakaalis lang po."
"Ahh. Kumain ka na Ate Melba?" I asked her again, ignoring the last infos from her. May naalala kasi akong nakakadiring pangyayare. Siguro dahil lasing kami kaya nangyare yun. Mukhang hanggang dun lang naman dahil wala naman akong ibang maramdaman sa katawan kaya di ko nalang pinansin.
"Hindi pa po ma'am. Mamaya nalang po ako." Sabi nya naman at akmang aalis na ng kusina para hayaan akong kumain ng tahimik.
"Upo ka Ate. Sabay na tayo kumain." Sabi ko naman sakanya. Marami akong itatanong kaya pinapasabay ko na sya.
"Ay naku nakakahiya naman po ma'am. Mamaya nalang po ako."
Did she just turn down my request?
I smiled at her and gestured for her to sit down. Matagal na sya dito sa condo ko and still napakahumble nya padin. Umupo naman sya at naghain na din ng para sakanya.
"Ahm. Ate Melba, pano kami nakabalik dito sa condo?" I asked her kasi wala talaga akong ideya sa kung paano kami nakauwi kagabi.
"Binuhat ka po nung isang lalaki ma'am. Yung, si Sir Alex po ata yun ma'am. Tapos yung ibang babae po, yung isa naman ang nagbuhat, tapos si Sir Josh po inakay ni Ma'am Shan." Pagpapaliwanag ni Ate Melba.
Nagulat ako dun ah! Binuhat? Ako? Ako lang ba ate Melba? Charot.
"Ahh. Anong oras na kami nakabalik teh?" Mukhang alam nya kasi lahat. Haha
"Ahm. Ala una na po yun ma'am." Sagot naman nya habang nakayuko at kumakain.
"Bat gising ka pa nun Ate? Kachat mo boyfriend mo?"
Halos mabilaukan si Ate Melba sa tanong ko. Inabutan ko naman ito ng tubig habang natatawa.
"Ikaw ate ha? Ipakilala mo saken pag may jowa ka ha? Kikilatisin ko para sayo. Hahaha!" Pabiro kong banat sakanya.
Hindi nalang nagsalita si Ate Melba at tinuloy na namin ang pagkain.
7:58 am. I parked my car in the school's parking area. Lumabas na ako ng kotse ko, wearing my uniform. It's white long sleeve blouse with gray blazer top paired with gray half leg skirt, white knee sock and my black 4inches wedge close shoes.
Although I got up so early, I'm running late. 3rd floor pa naman ang 1st room namin. Gaya ng dati, palagi akong late kung pumasok sa klase. I always makes a grand entrance, wherein ang prof ay nasa unahan na at nagdidiscuss ng topic habang ako kakapasok palang. Yun din siguro ang dahilan kung bat palpak ako sa klase lagi.
YOU ARE READING
Found you again
RomanceMay mga tagpo sa buhay natin kung saan matututunan natin na magmahal, masaktan, umasa, mawalan ng pag-asa, kumalimot. Pero may mga bagay na dadating para ipaalala saatin ang lahat ng sakit at lungkot na naranasan natin. Just like what Rylle experien...