Chapter 9

6 0 0
                                    

Wala namang naging problema sa pagstay nina kuya sa unit ko. Only that, yung sinabi nilang kinabukasan ay maghahanap na ng malilipatan ay inabot pa ng isang linggo dahil daw timatamad pa sila. Atleast sa unit ko ay mayroong Ate Melba na di sila pinababayaan sa pagkain. That's there reason! Mga hampaslupa!

It's Monday morning at 3am palang ay gising na kami nina Freya and Shan. Dito silang dalawa natulog kagabi. They missed me I guess. Tuwang tuwa naman ako dahil sinurprise talaga nila ako! Buti nalang din at nakaalis na sina kuya kundi ay baka sila ang nasurprise!

"Ready?" Freya asked! Wala sa plano ko ang mga gantong routine pero dahil trip nila sige go ako.

Nakasuot kami ng sports bra partnered with sweatpants and running shoes. We'll go jogging at pagkatapos ay pupunta daw kami sa gym sa kabilang building. Okay lang naman ang walk in costumers doon ani nila.

"Yah! Lezgo." Tamad na tamad kong sabi sakanila.

Never akong nag exercise. Wala naman na kasi akong dapat ipayat dahil di naman ako mataba. But as Shan said, it is to maintain our healthy body and to put it in shape! Like duh.

Lumabas kami ng building at naglakad muna papunta sa pinakamalapit na park. Total ay 9pm pa naman ang pasok namin kaya siguro ay mag eenjoy kami.

We started our warm up at maya maya pa ay nagsimula ng mag ikot sa malawak na carpeted oval habang tumatakbo. I'm sweating! It's so cool. It's refreshing!

Nauna si Shan samen. Mabilis sya tumakbo at tila di napapagod. She's an athlete by the way. Until tumigil sya at nakipag hi-five sa mga pigurang nakita doon.

"Who's that?" I asked Freya pointing at Shan na noon ay tila nakikipag usap na doon sa kasama. Madilim pa kaya di namin makilala ang mga kausap ng huli.

"I don't know? Maybe Shan's acquaintance. Let's go near them? I'm tired na din kasi."

Humahangos na si Freya at nagmadaling pumunta kay Shan. Inunahan nya ko. Pero imbis na tumigil ay nilampasan neto sina Shan, nakakapagtaka! Akala ko ba pagod na sya? Umupo sya sa pinakamalapit na bench at uminom sa bottled water na dala dala.

Malapit na din ako kay Shan ng mapagtanto kung sino ang mga kasama nito. Lalampasan ko din! Buo na ang desisyon ko. Doon nalang ako titigil kay Freya. Pero huli na ang lahat dahil sinalubong ako ni Shan. Alam ba nya na gagayahin ko si Freya? At ang bruhang Freya, kaya naman pala lumampas!

"Enough Rylle, let's rest here!" Ani Shan ng salubungin ako.

Ayt buhay! Kahit talaga siguro anong iwas mo sa isang tao, kapag tadhana ang gumawa ng paraan magkikita at magkikita kayo. Charot! Di sya ang tadhana ko no.

"Ah, I'll go to Freya, Shan." Palusot ko sakanya. But nah!

"Yaan mo yan, pupunta din yan dito. Hiya lang yan!"

And then no choice! Hinigit nya ako papunta dun sa mga kasama nya. Ininom ko ang tubig na dala ko ng nakatalikod sa kanila. Sumulyap ako sa wrist watch ko at nakitang 4:30 na.

"Ahm Shan, let's go. Diba pupunta pa tayo dun sa gym na sinasabi nyo?" Palusot again dahil ayaw ko talagang magstay dun ng matagal. Ni Hindi ako makatingin sa gawi ng mga kausap nito.

"Tara! Diba dun din kayo naggygym Kieff?" Shan asked.

"Yes! Tara sabay-sabay na tayo."

At kung minamalas ka nga naman no?  Halos mabingi ako sa lakas ng kalabog ng dibdib ko. Never kong inexpect ang araw na to! But here I am. Papasok sa isang gym kasama na naman ang taong iniwasan ko ng matagal.

Found you againWhere stories live. Discover now