Hindi na naulit ang jogging namin nina Shan. Wala na ding naglakas loob na magyaya dahil baka maulit ang mangyari. Todo iwas na kami ni Freya kay Shan dahil napakaunexpected ng mga nangyayari kapag nanjan sya. So inabala nalang namin ang mga sarili namin sa pagrereview para sa sandamakmak naming exam kinabukasan! Tinutoo talaga namin ang pagrereview.
"My gosh! Ang hirap ng chem. Lugang luga ang utak koooo!"
Reklamo ni Freya ng matapos ang last exam namin. Sino nga namang hindi mahihirapan sa Chem kapag gaya naming mga boplaks no? Haha.
"As if naman may utak ka no?" I joke around habang inaayos na ang gamit ko.
Si Freya lang ang kaclose ko sa room. Although may mga nakakausap naman akong iba, kay Freya lang talaga ako nagsasabi ng mga ganap ko sa buhay. Maybe because we can relate to each other? Kasi pareho kami ng ugali only that mas matapang sya. Pero palabiro naman sya pagdating sa Profs. Kung ako sasagutin ko ang teacher kapag pinapahiya ako, sya naman ay binibiro nya in a way na nakakaasarat nakakapikon. That's how she is! A cheerful fighter.
"Duh! Parang may utak ka naman no? As if I didn't know, pahula hula kadin kanina. Bleeh!"
Tunay naman ang sinabi nya! Hahaha. Eh sa bobo nga ako diba? Malay mo naman ginuide ako ng anghel dela gwardia ko para mabilugan ang tamang sagot diba? Malay lang naman!
"Yun din ang ginawa ko nung nakaperfect ako sa assignment. Hahaha" Yabang ko lang ket di naman ako ang nagsagot. Haha
Freya mad a face na ikinatawa ko naman. Maya maya pa ay umakbay na sya saken at sabay na kaming lumabas sa napakalupet na Chemistry room. Malupit na ba yung room na may 20°c na temperature at two seats apart na seatplan? Well.
"Rylle!"
Napatigil kami ng makalabas na ng classroom. May tumawag saken! Right? Some cool, husky and familiar voice. I knew it. I knew him.
Lumingon si Freya behind our back kung saan galing yung boses ng tumawag saken. Bigla syang ngumisi at bumitaw saken bago naglakad ng mabilis at iniwan ako. Agad naman akong tumakbo para abutan sya pero tumakbo na din sya. Hyst!
Lumingon ako sa likuran ko at nakitang nakasunod ang nakangiting si Alexander. Nakakaloko ah!
"Anong kailangan mo?!" Sigaw ko sakanya. Baka kasi di nya ko marinig! Haha. As if.
"How's the exam?" Just like usual, di nya sinagot ang tanong ko. Nagtanong lang din sya habang papalapit saken.
I rolled my eyes bago dumukot sa bulsa ng skirt ko para kumuha ng barya at sakto namang may sampong pisong buo doon. Ipinakita ko yun sakanya at bahagyang lumapit sakanya para bumulong.
"Eto sampong piso, bumili ka ng kausap mo."
Kinuha ko ang kamay nya at inilagay doon ang barya. Saka ako tumalikod para maglakad na papuntang parking. Narinig ko pa ang halakhak nya.
Pinatunog ko ang kotse ko at papasok na sana doon sa driver seat ng may humigit ng kamay ko at kinuha ang susi doon. Hinila nya pa ako bago sya pumasok sa driver seat! What the!
"What are you doing?" I asked furious. Just, what the heck is his problem?
He shrugged his shoulder at tumingin na sa unahan. Inaantay akong sumakay na.
"I'll call the police, it's carnapping!" Asik ko sakanya dahil sa sobrang inis. Ni hindi ko pinapadrive yan sa mga kaibigan ko at kahit kay Kuya Darren. Tsk!
YOU ARE READING
Found you again
RomanceMay mga tagpo sa buhay natin kung saan matututunan natin na magmahal, masaktan, umasa, mawalan ng pag-asa, kumalimot. Pero may mga bagay na dadating para ipaalala saatin ang lahat ng sakit at lungkot na naranasan natin. Just like what Rylle experien...