Chapter 27

15.1K 393 39
                                    

A/N: Goodmorning guys :) Sabi ko naman sa inyo maganda yung gising ko ngayon eh, kaya eto na yung pinakahihintay nyong update :)

dedicated to sa friend ko na hanggang ngayon, tinatago yung nararamdaman nya para sa bestfriend nya. hahaha.

bawal makarelate dito ha! hahaha.

==========================================================================

ASHLEY'S POV:

"Wow babe, kanina ka pa nakangiti dyan. Nakakatakot na" si Kristal.

Nandito kami ngayon sa gym, may practice kami kaya maghapon na naman kaming excused sa klase.

"Naalala ko lang yung dinner date babe. Alam mo yun, ako pala yung gusto nyang makasama non" nakangiting sabi ko dito.

"Eh ikaw lang naman yung ayaw maniwala sakin eh. Pinangunahan mo yung tao. buti na lang matalino si Allysa, alam nya kung anong dapat gawin"

"Oo na, oo na. Eh kasi naman, kahit ako naguguluhan sa sarili ko. Bago sya dumating, alam ko lalaki yung gusto ko."

"Sigurado ka? Eh diba wala kang matandaan?"

"So meaning noon pa lang nagkakagusto na ko sa babae?" takang tanong ko dito.

"Hmmm, hindi naman sa 'nagkakagusto ka sa babae', it's more like, babae yung mahal mo non" paliwanag nito.

Nanlaki naman yung mata ko. So meaning matagal na kong nagkakagusto sa babae?

"Kaya kung ako sayo babe, wag mo ng pigilan yung nararamdaman mo, saka sabihin mo na rin sa kanya na mahal mo sya"

"Pero babe, pano kung i-reject nya ko? Pano kung iwasan nya ko"

"Pano kung hinde?"

Umiling-iling ako.

"Ayokong masira yung pagkakaibigan namin. Kung sasabihin ko sa kanya tapos hindi naman mutual yung nararamdaman namin, malamang iiwasan nya ko. Ayokong mangyari yun tal. Kaya mas ok na lang siguro kung itatago ko na lang to sa sarili ko."

"Papano kung biglang may dumating at manligaw kay Allysa, makakaya mo ba?"

Umiling ako.

"Pero kung san sya masaya, dun ako."

"Alam mo babe, ang hirap ng ganyan. Ang selfish lang. What if gusto ka din nya? What if naghihintay lang sya na sabihin mo sa kanya kung ano yung nararamdaman mo?"

"Diba nga may mahal syang iba?"

"Ang manhid mo pa rin babe!"

"Huh?"

"Wala! Lika na, punta muna tayo sa caf. Lunch na, malamang hinihintay na nila tayo"

Napansin ko na may flowers sa table namin kaya takang tumingin kami ni Kristal sa kanila.

"Kanino to?" tanong ni Kristal.

Sabay-sabay nilang tinuro si Allysa. Tahimik lang na kumakain si Allysa sa harap ko.

"Wow sinong nagbigay?" si Kristal pa rin.

"Hmmm, sa engineering department eh, inabot kay Allysa kanina nung papunta kami dito. Matagal na daw nyang gustong lapitan yang babaeng yan, nahihiya lang sya. In fairness gwapo si kuya ha" komento naman ni Lindsey.

Parang may tumusok sa milyon-milyong karayom sa puso ko ng marinig ko yun. Pero wala akong magagawa kasi KAIBIGAN nya lang ako. Tahimik lang din akong kumakain. Hindi ako nakikisali sa usapan nila. Naiinis ako dahil wala akong karapatang magselos. Ako kasi yung pumili nito eh, yung maging kaibigan nya lang.

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon