Chapter 30

13.8K 347 12
                                    



ALLYSA'S POV:

"San tayo pupunta bie?" nakangiting tanong ko kay Ashley.

"Andami mong tanong bie, hintay ka lang dyan" sabay kindat nya sakin.

"Kahit clue lang bie"

"Walang clue bie"

"Ang damot mo naman bie" napasimangot ako.

"Bie diba sabi ko wag na wag kang magppout!" sabi nito sakin.

"Bakit? Dahil pangit ako?"

"Nope, dahil baka mahalikan kita bigla dyan" nakangiting sabi nito. Naramdaman kong namula na naman ako.

"Uy nagbblush na naman si bie. Ang cute-cute lang" tukso pa nito.

Hindi ko na sya sinagot, nakakainis eh, ang damot-damot.

Dahil maaga kaming umalis, di ko namalayan na nakatulog pala ako sa byahe.

"Bie, nandito na tayo" narinig kong sabi ni Ashley.

Unti-unti akong nagmulat ng mata.

O__O

Pano nya nalaman tong lugar na to? Don't tell me...

Takang napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang sya sakin habang kinukuha yung gagamitin namin sa picnic.

Tahimik kaming nakaupo habang nakatingin sa langit. Lalong lumalakas yung kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Gustung-gusto ko syang tanungin pero hindi ko mahagilap yung boses ko.

"May gusto ka bang itanong bie?" basag nya sa katahimikan. Hindi pa rin sya sakin nakatingin.

"K-kelan pa?" kinakabahan pa rin ako.

"Kagabi lang."

"Galit ka sakin?" naiiyak na tanong ko.

Huminga muna ito ng malalim bago tumingin sakin at umiling.

"Kagabi nung bumalik sakin lahat ng nangyari, aaminin ko nagalit ako sayo, kase bukod sa iniwan mo ko, pinutol mo yung communication natin. Alam mo, bago ka tumawag nung araw na yun sakin, ang saya-saya ko kase nalaman ko na mahal mo din ako, na pareho pala tayo ng nararamdaman, gustung-gusto kitang sundan non, hindi lang ako pinayagan ni mommy. Nung tumawag ka, ang saya-saya ko kase narinig ko yung boses mo. Kaya ganun na lang yung lungkot na naramdaman ko nung sinabi mong magtatagal ka ng isang taon don. Bie, isang araw nga lang na wala ka sa tabi ko, ang lungkot-lungkot na, ano pa kaya yung isang taon? Pero sabi ko, mas kailangan ka talaga ng mama mo kaya maghihintay na lang ako. Pero bigla kang nawala bie, yung number mo hindi na matawagan, yung FB, IG, and twitter mo dineactivate mo. Tapos di ka rin sumasagot sa mga emails ko sayo. Alam mo ba kung ano yung naramdaman ko non? Ang sakit bie, ang sakit-sakit kase sumuko ka na naman. Sinukuan mo na naman ako." Hindi na nya napigilang umiyak. Pero agad din nyang pinahid yung luha. "Galit na galit ako sayo non bie, araw-araw umiiyak ako, wala akong ganang kumain, ang gusto ko lang non makalimutan ka. Tapos nakilala ko yung barkada ng pinsan ko, sinama nila ko don sa bar, tinuruan nila akong uminom para makalimutan ko daw yung nanakit sakin. Kaya yun, halos araw-araw ako sa bar na yon. Araw-araw akong lasing. Halos araw-araw din nakikipag-away ako kasi gusto kong ilabas yung sakit na nararamdaman ko. Hanggang isang araw may nakaaway akong grupo don, ayun dahil hindi nila ko kinaya nung nasa loob kami ng bar, inabangan nila ko sa labas tapos yun, naramdaman ko na lang na may humampas sa ulo ko na bakal tapos nagdilim na yung paningin ko. Akala ko non mamamatay na ko bie, pero naisip agad kita, pano ka na? anong mararamdaman mo pag nawala ako? Kaya lumaban ako, nilabanan ko yung sakit na nararamdaman ko. Ang problema lang paggising ko, wala na kong maalala. Kinwento sakin nila Lindsey halos lahat, pwera sayo bie, siguro naisip nila na wag ka na lang muna nilang banggitin kase baka makasama sakin. Tinulungan nila ko non sa school, si Gab and Lloyd nagpalit na din ng course para mabantayan ako. Kahit wala akong maalala non, masaya kong kasama sila. Tapos bigla ka ngang dumating ulit sa buhay ko, at kahit hindi ka kilala ng isip ko, kilalang-kilala ka naman ng puso ko. Alam kong may mali sa nararamdaman ko kase babae ka rin bie, pero alam mo yon, everytime na pinipigilan ko yung nararamdaman ko para sayo, mas lalo syang lumalalim. Mas lalo kitang minamahal. Tapos lagi ka pang nandyan para sakin, araw-araw ginigising mo ko, araw-araw dinadalhan mo ko ng breakfast, alam mo kung ano yung makakapag-alis ng lungkot ko. Kaya kahit ayaw kitang mahalin kase hindi pwede, hindi ko napigilan yung sarili ko. Hanggang sa hindi ko na kayang itago kaya sinabi ko na sayo, tapos sinabi mong mahal mo din ako, ang saya-saya ko non bie, nung una natakot ako na pano pag nakaalala na ko, pano kung mawala yung nararamdaman ko sayo, pano kung masaktan kita? Pero mas pinili kong maging masaya bie. Maging masaya sa piling ng mahal ko. Kaya nung nakaalala na ko kagabi naisip ko, gumanti kaya ako? Na saktan din kita, na iwan din kita. Kaya lang hindi ko kaya, mahal kasi kita bie, mahal na mahal. At yung pagmamahal na yon yung naging dahilan para patawarin kita. Sayo ko masaya. Mas importante ka kesa sa pride ko bie." Noon lang sya tumingin sakin. Umiiyak sya pero nakangiti.

Napatungo lang ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam na ganon ko sya nasaktan non.

Naramdaman ko na lumapit sya sakin. Iniharap nya yung mukha ko sa kanya.

"Pwede naman tayo magsimula ulit bie. Kalimutan na natin yung nangyari noon. Ang importante ngayon, masaya tayong dalawa at mahal natin yung isa't-isa" nakangiting sabi nya sakin sabay pahid sa luha ko.

"I'm sorry bie. I'm really really sorry" mas lalong lumakas yung iyak ko.

Ang sakit kase kasalanan ko lahat, kasalanan ko kung bakit nasaktan si bie. Kung bakit nangyari sa kanya lahat.

"Bie, hindi ka pa nagsosorry, napatawad na kita." Sabay yakap sakin. "Kaya wag ka ng umiyak bie, mas nasasaktan kase ko" sabi pa nito.

"Salamat bie. Mahal na mahal kita" bulong ko sa kanya.

"Mahal na mahal din kita bie"

"Bie, bat mo pala ko dito dinala?" tanong ko ng mahimasmasan. Kumakain na kami ngayon, luto lahat ni bie.

"Naalala mo yung sinabi mo sakin dati? Na gusto mo dito ka dalhin ng kung sino mang magiging boyfriend mo sa first date nyo. Eh kaso girlfriend mo yung nagdala sayo dito" nakangiting sabi nya sakin.

Napangiti naman ako sa kanya.

"Yung girlfriend ko na mahal na mahal ko bie"

"At mahal na mahal ka din daw nya bie"

Nilapitan ko sya at hinalikan.

"Promise bie, babawi ako sayo. Hinding-hindi na kita iiwan. Kahit anong mangyari, dito lang ako sa tabi mo."

"Promise?"

"Pinky promise bie"

"I love you bie."

"I will love you forever bie"

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon