Chapter 37

12.1K 308 6
                                    

ALLYSA'S POV:

Halos ilang buwan yung nakakalipas mula nung party kila Ashley pero hindi pa rin nya ako pinapansin. Masakit pero alam kong kasalanan ko yung lahat. Kung hindi lang sana ako naduwag, hindi sana kami nagkaganito. Kung nagtiwala lang sana ako. Pero wala na. Huli na yung lahat. Galit na galit na sya sakin. Ilang beses ko din syang binalak kausapin pero sya yung umiiwas. Ang sakit sakit na ang lapit lapit lang nya sakin pero hindi ko sya mahawakan o makausap man lang.

Hindi na rin sya pumupunta sa tambayan at sumasabay sa lunch dahil sabi nga nila Lloyd, ayaw na nya kong makita o makausap man lang. Wala naman akong magawa dahil ako naman yung pumili nito. Nung araw na tinalukuran ko sya, alam kong nawala na sya ng tuluyan sakin.

Kinausap na rin ako ni Ate Nikka. Sinabi nyang bigyan ko na lang muna ng space si Ash. Kaya kahit gustung-gusto ko syang yakapin at halikan, pinipigilan ko yung sarili ko.

"Lika na Allysa, kakain na tayo" narinig kong yaya sakin ni Gab.

Buti na lang talaga nandyan si Gab. Sya yung kasa-kasama ko nung panahong iyak ako ng iyak dahil sa katangahang ginawa ko. Hindi nya ko iniwan. Alam kong mahal nya pa rin ako hanggang ngayon pero hanggang kaibigan lang talaga yung kaya kong ibigay sa kanya. Dahil isang tao lang yung pwedeng mahalin ng puso ko.

Bakit ganon? Kung sino pa yung mahal mo, sya pa yung lagi mong nasasaktan?

"Allysa?" tawag pa sakin ni Gab.

Tumango naman ako at sumunod na sa kanya kahit alam kong hindi ako makakakain dahil wala akong gana. Sinabihan nya ko na umupo na at sya na lang daw yung bibili ng pagkain. Wala sa loob na sumunod na lang ako. Nakayuko lang ako habang hinihintay sya.

Simula nung nangyari yon, hindi na rin ako kinakausap nila Kristal at Lindsey. Si Lloyd and Gab na lang yung mga nakakasama at nakakausap ko sa barkada. Alam kong galit din sila sakin dahil sa ginawa ko sa kaibigan nila. Hindi rin naman lingid sa kaalalaman ko na may pagtingin pa rin sila pareho hanggang ngayon kay Ashley.

Masakit sakin pero kung isa sa kanila yung makakapagpasa kay Ashley, wala na kong magagawa. Ako yung unang bumitaw eh. Kaya wala akong karapatang masaktan.

Nagulat na lang ako ng biglang may umupong ibang tao sa table namin. Napatingin ako sa kanila.

Namuo bigla yung luha ko nga makita ko silang nakangiti sakin.

"Pwede ba kaming makiupo dito?" sabay na tanong nilang dalawa.

Naiiyak na tumango naman ako.

Mas lalo akong naiyak ng bigla nila akong yakapin.

"I'm sorry girls. I'm sorry" umiiyak na sabi ko sa kanila.

"Wala na yun Allysa. Kami nga yung dapat magsorry sayo kase bigla ka na lang naming hindi pinansin. Nasaktan lang kasi kami para kay Ashley eh. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo ginawa yon. Sorry kung hindi ka namin hinayaang magpaliwanag" umiiyak na sabi sakin ni Kristal.

"Pasensya ka na ha, alam mo naman na kailangan lang naming samahan si Ashley, ayaw na namin maulit yung dati eh. Yung naglalasing sya kaya binabantayan namin sya. Gustuhin ka man naming kausapin ni Tal, di din namin magawa. Sorry Allysa" sabi naman ni Lindsey.

"Wala naman kayong kasalanan eh. Ako yung may kasalanan. Ako yung nanakit sa kaibigan nyo. Ako yung paulit-ulit syang sinasaktan."

"Hush, tahan na Allysa. Tapos na yon ok? Pero kailangan naming malaman ni Lindsey kung bakit mo ginawa yon"

Tumango naman ako.

"Mamaya pagkatapos ng klase. Dun tayo sa tambayan ha"

"Hay, namiss ka namin girl. Kung alam mo lang"

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon