ALLYSA'S POV:
Nang makita kong ngumiti si Ashley, nawala lahat ng lungkot na nararamdaman ko. Nakakatuwa lang dahil ilang beses ko syang nahuli na nakatingin sakin, at pag nahuhuli ko, biglang nag-iiwas ng tingin. Parang gusto kong maniwala sa sinabi ni Kristal kanina na hindi ako makakalimutan ng puso ni bie. Mas naging masaya ako ng sya mismo yung humiling na maging close kami ulit ng tulad ng dati. I will do anything para maalala nya lahat.
"Ang aga mo namang gumising Mae" bati sakin ni Papa paggising nya.
"May kailangan pa kasi akong gisingin Pa, tapos ibibili ko pa sya ng breakfast" nakangiting sabi ko naman dito.
"Si Ashley?" nakangiting tanong ni Papa.
"Yep"
"So kamusta na sya?"
"Pa, wala syang maalala, kahit ako hindi nya maalala, nagkaron kasi ng aksidente dati eh" well hindi ko naman pwedeng ikwento kay Papa na ako yung may kasalanan kaya nagkaganun si Ashley.
Tumango-tango lang ito. Agad akong nagpaalam para bumalik sa kwarto. Agad kong kinuha yung cellphone ko.
Ring...ring....ring...
"Hello?" sagot ng nasa kabilang linya.
"Bie gising na, 6am na"
"Maya na ng onte please"
"BABANGON KA O PUPUNTAHAN KITA DYAN?" medyo malakas na pagkasabi ko.
ASHLEY'S POV:
Biglang napamulat ang mata. It feels so weird, para bang sanay na sanay na ko na may nanggigising sakin, the same method na ginawa ni Allysa. At medyo kinabahan ako don dahil mukhang hindi sya nagbibiro.
Agad akong nag-ayos papasok sa school. Dumerecho agad ako sa tambayan. Tsss, ang aga pa o. Nagulat ako ng biglang may lumapit sakin. Ganun na lang yung kabog ng dibdib ko ng makilala kung sino yung tumabi sakin.
"Goodmorning bie" nakangiting sabi nito.
"Goodmorning din" Ugh! Hindi pa ako sanay tawagin sya ng bie. Nahihiya pa talaga ako.
"Kumain ka na?"
Umiling naman ako.
"Sabi ko na nga ba. Halika bilis, magbreakfast na tayo." Sabay hila sakin sa may table. Inabot nya sakin yung pagkain na dala nya.
"Hmm, para sakin?"
Tumango-tango naman ito.
"Thank you" nahihiyang sabi ko dito.
Nagsmile lang sya sakin.
Gahd! Bakit ba ganito yung epekto ng babaeng to sakin. Well I've never been attracted to girls, kahit sinasabi ni Kristal na naging 'kami' daw. At ngayon lang ako nakaramdaman ng ganitong kaba.
"Huy!" tawag nya sakin habang wine-wave yung kamay nya sa mukha ko.
"Huh?"
"May kausap ba ko?" nakasimangot na sabi nya.
"Sorry, may iniisip lang ako"
Lalo syang sumimangot at nagpout.
"Pwede ba Allysa, wag kang magpout?"
Nanlaki bigla yung mata nya.
"Oh my gosh! Lagi mo kong sinasabihan nyan noon" tuwang-tuwang sabi nito.
Really? Bakit ko naman kaya sinasabi yun noon? Well ngayon kasi, kaya ko sya pinigilang magpout is mainly because bigla kong naisip na gusto ko syang halikan.
"Talaga? Bakit naman?" tanong ko na lang.
"Kasi sabi mo ang pangit-pangit ko" malungkot na sabi nya.
"You're beautiful" wala sa sariling sabi ko.
Nakita ko naman na nagblush sya.
"I mean, hindi ka talaga pangit so hindi ko alam kung bakit ko sinasabing pangit ka dati."
"Ang mean-mean mo kasi non. Lagi mo kong inaaway" tila batang nagsusumbong ito.
Tatawa-tawa lang ako. Malamang, hindi ko naman kasi matandaan yung mga sinasabi nya.
"Hmm Allysa, naging kayo talaga ni Gab"
Umiling lang ito.
"Eh bat sabi nila?"
"Well, it was just Gab's plan para malaman namin kung gusto rin ako nung taong mahal ko" sabi naman nito.
Ouch. So ibig sabihin may mahal na sya.
"Ah" yun na lang yung nasabi ko. Hindi ko alam pero nasaktan ako bigla sa sinabi nya.
"Sige na, kainin mo na yan bie, malapit ng magsimula yung klase" nakangiti pang sabi nito.
Pagkatapos kumain ay sabay na kaming pumasok sa classroom.
"Ehem, magkasabay yata ngayon yung mag-bie ah" si Kristal.
"Nagkita lang kami sa tambayan tapos dinalhan nya lang ako ng breakfast" sagot ko naman dito.
"Wow, parang yung dati lang ha. Ikaw talaga Allysa may favoritism ka, lahat naman kami dito kaibigan mo pero lagi na lang si Ashley yung may breakfast." Si Lindsey.
Ngumiti lang si Allysa. I just cant help but stare. Ang ganda-ganda nya talaga.
"Ash, baka matunaw" bulong sakin ni Lloyd.
"Huh?" pagmamaang-maangan ko.
"Kanina ka pa nakatitig. Crush mo?" tukso nito.
"Lloyd, babae sya"
"So? Uso na yun ngayon."
"Homophobic si Mommy" malungkot na sabi ko dito.
"Sinabi nya sayo?"
"Nope, pero pag kasi may nakikita syang magkarelasyon na same sex, ang dami nya agad sinasabi"
"But that doesn't mean na homophobic sya"
"I don't know Lloyd. I really don't know what the hell is happening to me. It seems that hindi na bago lahat sakin tong nararamdaman ko. I'm so confused. "
"Hindi kasi nakakalimot yung puso Ash" makahulugang sabi nito.
"What do you mean?"
"It's for you to find out" sabay kindat nito.
I sighed. Paglingon ko sa kaliwa, nakatingin din sakin si Allysa at nakangiti. Naramdaman kong nagblush ako. Hay, why does she make me feel this way?
Sino ka nga ba talaga sa buhay ko Allysa.
BINABASA MO ANG
Catch me I'm falling
RomanceHow can something so wrong feel so right all along, Catch me, im falling for you... Bakit nga ba ang unfair ng love? Yung mahal mo hindi ka pwedeng mahalin, Tapos yun namang mahal na mahal ka, hindi mo kayang mahalin. I love Allysa but she loves...