Chapter 32

13.4K 319 10
                                    

A/N: Pasensya na guys kung medyo lame tong update ko. wala pa rin kasi ako sa mood magsulat eh. pero dahil labs ko kayo, eto na yung chapter 32 :)

dedicated pala to dun sa isa pang makulit na bata :)

===========================================================================

ALLYSA'S POV:

"Hoy babae! Bat hindi ka mapakali dyan?" tanong sakin ni Lindsey.

Kanina pa kasi ako palakad-lakad dito sa tambayan. Kinakabahan ako. Papano kung magalit yung mommy nya pag nalaman na girlfriend ako ng anak nya? Papano kung bigla nya kaming paghiwalaying dalawa ni Ashley? Hindi ko kakayanin yon. Hindi ko na kakayaning malayo pa kay Ash.

"Huy! Allysa! Tigilan mo nga yan! Nahihilo kami sayo!!" sabay pigil sakin ni Kristal. Iniupo nya ako sa isang bench.

"Tal, natatakot ako. Papano kung hindi kami matanggap ng mommy ni Ash? Papano kung paghiwalayin nya kami?"

"Ang nega mo naman Allysa!"

"Alam naman nating lahat na hindi sya pabor sa ganitong relasyon diba?"

"Pero may tiwala ka naman kay Ashley diba?"

"Oo naman."

"Eh di dapat maniwala ka sa kanya na sya yung bahala"

Napatango na lang ako. Sabagay, may tiwala naman ako kay bie. Alam kong gagawa sya ng paraan para matanggap kami ng mommy nya.

Natigil lang kami sa usapan ng dumating tumunog yung bell. Agad-agad kaming pumunta sa classroom.

"Bie, mamaya punta tayo sa bahay ha, tapusin na natin yung project" nakangiting sabi sakin ni Ashley.

"S-sa bahay nyo bie?"

"Don't worry bie, kasama si Tal and Best"

"O-okay" Jusko naman, akala ko ba sa sabado pa? Agad-agad Ashley?

Kaya ko to! Aja Allysa!

Sana po wag munang mag-uwian, please Lord, patigilin nyo po muna yung oras. Kinakabahan po talaga ako. Pero syempre asa naman ako na mangyayari yon. Sa ayaw ko at sa gusto, eto na, tapos na yung klase T_T

"Lika na bie?" yaya sakin ni Ashley.

"Now na ba talaga bie?"

"Asus, wag ka ngang kabahan bie. Si mommy lang yun" yun na nga eh. Si mommy nya nga yung makakasama namin mamaya T_T

"Nakakatawa yang itsura mo Allysa. Epic fes!" tatawa-tawang sabi ni Kristal.

"Wala na rin syang kulay o" sabi naman ni Lindsey.

"Hoy kayong dalawa, tigilan nyo nga yang si bie. Nakita nyo na ngang kinakabahan na o"

Ngumiti sya sakin at pinisil yung kamay ko. Alam kong ayaw nyang makaramdam ako ng kaba.

Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya.

"Lika na bie" yaya ko sa kanya. Ngumiti na rin ako sa kanya.

"That's my girl" bulong nya sakin.

Kahit ayokong makaramdam ng kaba, lalong lumalakas yung kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa bahay nila. Papano kung magtanong yung mama nya? Papano kung itanong nya kung sino yung nagpapasaya kay Ashley? Kaya ko bang sabihin na, ako po tita, ako po yung girlfriend ng anak nyo. Matanggap nya kaya kami?

"Andito na tayo" masayang sabi samin ni Ashley.

Pilit naman akong ngumiti.

"Bie, wala kang dapat ikabahala, wala namang alam si mommy eh. Pag kinabahan ka, baka lalong syang makahalata" sabi nya sakin.

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon