Chapter 36

11.4K 300 73
                                    

A/N: Wooooo! Ang sakit sa puso habang sinusulat ko to. Kawawa naman si Ashley T_T Lagi na lang syang nasasaktan.

Ang aga-aga, ang drama ko. Aish!

============================================================================

ASHLEY'S POV:

Kanina pa ko kinakabahan. Malapit ng magsimula yung party. Malapit ko ng ipakilala sa lahat si Allysa bilang girlfriend ko. Ano kayang sasabihin ni mommy? Ano kayang gagawin nya pag nalaman na nya? Sana matanggap nya din kame, tulad ng pagtanggap ni Tita kay Ate Nikka and kay Grace.

"Wow baby girl, ang ganda-ganda mo naman ngayon" narinig kong sabi ni mommy. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sya sa kwarto ko.

"Thanks mommy. Mas maganda ka naman sakin" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Excited na ko para mamaya"

"Saan ka naman naeexcite mommy? Eh halos lingo-linggo naman may dinner tayo kasama lahat ng kamag-anak natin"

"Eh diba sabi mo ininvite mo yung taong nagpapasaya sayo?"

Bigla naman akong natigilan sa sinabi ni mommy. Papano kaya pag pinakilala ko na sa kanya si Allysa mamaya bilang girlfriend ko, maexcite pa kaya sya?

Mukhang napansin naman ni mommy yung reaction ko kaya nag-aalalang lumapit sya sakin.

"Baby girl may problema ba?"

"P-po? W-wala mommy"

"May gusto ka bang sabihin? May kailangan ba kong malaman?" seryosong tanong nya.

"Later mommy. Sa party na lang po"

Tumango naman ito.

"Sige dun muna ako sa labas ha at mukhang nagdadatingan na yung mga bisita natin." Paalam nito.

"Sige po mommy. Sunod na lang po ako"

Paglabas ni mommy ay agad kong tinawagan si Ate Nikka.

"Ate, nasan ka na?"

"Dito na ko sa bahay nyo. Hinihintay ko na lang si Grace bakit?"

"Kinakabahan ako ate. Kanina nandito si mommy. Tinanong nya ko kung may gusto daw ba kong sabihin sa kanya. Kung may kailangan daw ba syang malaman"

"O anong sabi mo?"

"Sabi ko later na lang sa party. Tingin mo ba nakakahalata na sya?"

"Hindi naman siguro. Pero sigurado ka na ba talaga dyan sa desisyon mo? Are you really risking lahat ng meron ka ngayon para sa kanya?" tanong nito.

Oo nga. Kaya ko nga bang mawala lahat ng meron ako ngayon? Makakaya ko ba kung itatakwil ako ng parents ko? Makakaya ko ba kung hindi ako matanggap ng lahat ng kamag-anak namin?

"Ash?"

"Yes ate. She's worth the risk."

Yes. Kaya kong kayanin lahat para kay Allysa. Ganun ko sya kamahal. Alam kong kakayanin ko basta't nandyan sya. Kakayanin ko lahat basta wag lang nya kong iiwan. Kayang-kaya kong ipagpalit lahat ng meron ako para kay Allysa.

"Good. Basta nandito lang ako para sayo ha"

"Yes ate. Salamat."

"Sige na, baka padating na din si Grace. See you later couz"

"See you ate. I love you"

"I love you more couz"

Pagkatapos ng conversation namin ni Ate Nikka, medyo nawala yung kaba ko. Lalo na nung napatingin ako sa wallpaper ng phone ko.

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon