Chapter 23

14.4K 373 10
                                    



ALLYSA'S POV:

"Ayoko nga kase!!" sigaw ko sa kanila.

"Ang corny mo naman Allysa, ikaw na lang yung wala dito o" si Lindsey.

"Eh hindi nga kasi ako marunong lumangoy." Nakakainis lang tong mga to, pinipilit nila kong sumali sa laro nilang taya-tayaan sa swimming pool, eh alam naman nilang hindi ako marunong lumangoy. Ano ko, laging taya!

Birthday ngayon ni Lloyd at nagkayayaan dun sa resort nila sa Pansol.

"Birthday ko naman, pagbigyan mo na kami" si Lloyd.

"Wag nga kayo, ano ko, laging magiging taya?"

Nagulat ako ng biglang lumapit sakin si Ashley.

"Halika" yaya nito.

"Ayoko"

"Hindi tayo sasali sa kanila" sabi pa nito.

Inirapan ko lang sya. Nakita ko kaya kanina na binulungan sya ni Kristal. Malay ko ba kung bigla na lang nya kong itulak dyan sa pool.

"Wala ka bang tiwala sakin?" tanong pa nito.

Tumingin lang ako sa kanya.

"Trust me bie, wala akong gagawin na ikakagalit mo" nakangiti nyang sabi sakin.

Kahit nag-aalinlangan ay sumama na rin ako sa kanya. Narinig kong sumigaw si Kristla.

"O ihagis mo na yan dito" sigaw nito

Sinamaan ko ng tingin si Ashley.

"Sakin ka lang maniwala" sabay kindat nito.

Sumama ako sa kanya pababa sa pool. Nakakapit lang ako sa kanya. Ayokong malunod T__T

"Anong gagawin natin dito kung hindi naman tayo sasali sa kanila?" tanong ko sa kanya.

"Tuturuan kitang lumangoy." Sabi nya habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Natatakot ako"

"Trust me, I'm here, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo" sincere na sabi nito.

Tumango lang ako sa kanya.

Hawak-hawak pa rin nya ko pero unti-unti ng binibitawan.

"Bie, ipadyak mo yang mga paa mo. Wag kang matakot, binabantayan kita" narinig kong sabi nito.

Nung una, hindi ko talaga maipadyak yung paa ko kaya bigla akong lumubog. Agad naman akong hinawakan ni Ashley. Yakap-yakap nya ako habang habol ko naman yung paghinga ko.

"Ok ka lang bie?" nag-aalalang tanong nito.

Ngumiti naman ako.

"Lagi akong ok basta nandyan ka bie. Hindi ako matatakot kasi alam kong hindi mo ako pababayaan" sabay halik ko sa cheeks nito.

Nakita kong namula na naman ito.

"Ang cute mo talaga pag nagbblush" tukso ko dito.

"Hoy Ms De Leon, bago ka mang-asar dyan, mag-aral ka munang lumangoy" mataray na sabi nito.

Unti-unti ay natutunan ko kung papano lumangoy. Hindi ako iniwan o pinabayaan ni Ashley. Tuwang-tuwa ako ng makatawid ako sa magkabilang dulo ng pool.

"Bieeeeeeeeeeee!! Marunong na ko!!" sigaw ko sa kanya.

Nakangiti naman syang nagthumbs-up sakin.

"O baka naman pwede na kayong sumali samin lovebirds?" si Kristal.

"Pagod na ko tal, kakain muna ako" sabi ko sabay ahon sa pool.

"Boo! Loseerrrrrrrrrrrr!!" sigaw naman ni Kristal.

Naramdaman ko na may kasunod ako, paglingon ko, umahon na din si Ashley.

"Nagugutom na rin ako" sabi nito sakin.

"Sabay na tayo bie?"

Tumango naman ito.

"Nga pala bie, salamat ha."

"Sus wala yun bie"

Napangiti naman ako ng bongga, ngayon ko lang narealize na kanina pa bie yung tawag nya sakin.

"O bat ka ganyang makangiti?"

"Kase masaya ako"

"Dahil natuto ka ng lumangoy?"

Umiling lang ako.

"Eh ano?" takang tanong nito.

"Kase tinatawag mo na ulit ako na bie"

Ngumiti naman ito sakin.

"Alam mo ba yung feeling na parang sanay na sanay na kong sabihin yun?"

"I can't wait na makaalala ka ulit bie. Sana lang, hindi ka magalit sakin pag nalamab mo kung anong ginawa ko sayo?"

"Na iniwan mo ko dahil kailangang magpagamot yung mama mo? Nasabi na naman nila sakin yun, at hindi ako galit sayo dahil mama mo yun, at alam kong kailangang-kailangan ka nya."

ASHLEY'S POV:

Nalulungkot ako everytime na sinasabi ni Allysa na kasalanan nya kaya nangyari sakin to. Wala naman akong sinisisi. At hindi ako magagalit sa kanya dahil lang mas kailangan nyang bantayan yung mama nya.

"Eto na po yung pagkain nyo mahal na prinsesa"

"Salamat MAHAL kong prinsesa"

"I love you too bie" sweet na sabi nito.

Naramdaman ko na naman na namula ako. Bakit ba laging ganito yung epekto ni Allysa sakin. Konting kibot, namumula ako, o kaya nakakaramdam ako ng kuryente.

"Hmm bie, pwedeng magtanong?" si Allysa

"Yes bie?"

"Anong gagawin mo pag nagkaboyfriend ako?"

Agad ko syang sinamaan ng tingin.

"Hindi pwede!" derechong sagot ko.

"Bakit naman?" nakangiting tanong nito.

At talagang nakangiti pa sya ha! Halos mamatay ako sa selos dito. OMG. Selos? Am I really jealous? Am I really falling for her? No it can't be.

"Bata ka pa!"

"Bata? 20 years old?"

"Bata pa yun!"

"Eh ano yung right age para magkaboyfriend?"

"45"

Nanlaki yung mata nito.

"45?????!!!"

"Yes bie. So hindi ka pwedeng magpaligaw o magkaboyfriend pag wala ka pang 45 years old?" nakangiting sabi ko.

"Ang oa naman non! Eh di mag-isa lang ako hanggang mag 45 years old ako?"

Nakangiting hinawakan ko yung kamay nya.

"Habang wala kang makakasama, nandito lang ako. Ako munang bahala sayo. Tayo muna yung magsasama, kaya pagtyagaan mo muna ako ha" sabay kindat ko sa kanya.

"Aww, ang sweet naman ng bie ko, sige hindi na lang ako magpapaligaw para wala kang kawala, para ikaw na lang yung makakasama ko forever" sabi nya sakin sabay yakap sakin.

I would love to. I would love to be your forever my bie.

And now I can finally admit...

I really am inlove with Allysa Mae De Leon.

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon