Chapter 39

11.9K 335 9
                                    

A/N: Whoa!! Nagawan ko din! Sorry kung medyo maikli lang to. wala kase ko sa mood maging madrama ngayong araw na to eh. Medyo masakit kasi sa puso tong CMIF, nakakaloka! Ang drama-drama ni Ashley at ni Allysa!

Btw, dalawang chapters na lang, tapos na to. woot woot!

============================================================================

ASHLEY'S POV:

Bakit ko nga ba sinabi yon? Dahil galit ako? Dahil gusto ko ring maramdaman nya yung sakit na pinaramdam nya sakin?

O ngayon Ashley, masaya ka na? Masaya ka ba na nakita mo syang umiiyak kanina habang kausap nila Kristal at Lindsey?

Masaya ka ba na pinapasakitan sya at hindi man lang tinitingnan kapag nagkakasalubong kayo? Siguro naman alam mong nasasaktan din sya.

Kelan ka titigil? Kapag nawala na sya ng tuluyan sayo? Kakayanin mo ba?

"Ashley?" mahinang tawag sakin ni mommy.

"Yes mommy?"

"Pwede ka bang makausap?"

Tumango naman ako sa kanya.

"Gusto kong malaman kung bakit ka nagkakaganyan? Kung bakit this past few months, wala ka na naman sa sarili mo. What's bothering you?" nag-aalalang tanong nito.

"Nothing mom. Busy lang po talaga sa school"

"No. Pwede mong lokohin yung ibang tao, o yang sarili mo, pero hindi ako baby. KIlalang-kilala kita. Ganyan-ganyan ka last year bago mangyari yung aksidente mo.

"Mom, stressed lang po talaga ko sa school. Yun lang po"

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.

"Baby, you know that I love you diba? You can tell me everything. As in EVERYTHING"

Maang na napatingin naman ako sa kanya? May alam ba si mommy? Alam ba nya yung samin ni Allysa? Bakit hindi nya ko pinagalitan? Bakit hindi nya sinabi sakin?

"What do you mean mom?"

Ganun na lang ang gulat ko ng may sinabi syang pangalan.

"Allysa" bigla namang lumakas yung tibok ng puso ko. Pangalan lang nya yung narinig ko pero iba yung epekto sakin. Hindi ko mapigilang umiyak sa harap ni mommy. Agad naman nya akong niyakap at hinagod ang likod ko.

Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Sakit? Dahil naalala ko na naman yung ginawa nya? Galit? Dahil hanggang ngayon, ako pa rin yung nasasaktan? O takot? Dahil mukhang alam na ni mommy kung anong meron kami ni Allysa.

Nakayuko lang ako at hindi makatingin kay mommy matapos kong mahimasmasan. Naghihintay ako sa masasakita na salitang sasabihin nya sakin, samin ni Allysa. Inihanda ko na rin yung sarili ko sakaling palayasin man ako ni mommy dito sa bahay.

"Ash?"

Napatingin naman ako sa kanya.

"Gusto kong malaman lahat-lahat."

Tumango naman ako sa kanya.

Habang kinkwento ko kay Mommy lahat ng nangyari, seryosong nakikinig at nakatingin lang sya sakin. Hindi ko rin mapigilan umiyak habang inaalala lahat ng nangyari samin ni Allysa. Kung papano kami nagkakilala, yung unang beses na naramdaman ko na mahal ko na sya, yung pa-alis nya, yung pagbalik nya sa buhay ko, yung araw na sinabi nyang mahal nya din ako, hanggang dun sa araw na naduwag sya at pinakilalang si Gab yung boyfriend nya.

Hinintay kong magsalita si mommy. Alam kong disappointed sya sakin. Alam kong galit sya sakin.

Narinig kong huminga muna sya ng malalim bago nagsalita.

Catch me I'm fallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon