Buddy 1

582 7 4
                                    

Iago

Ang saya pala ng may minamahal ka na kaya niya rin ibalik ang pagmamahal mo – yung tipong sobra pa sa inaasahan ko. Siguro, hindi ko rin talaga akalain na mapupunta rin ang relasyon ko sa estado kung saan ay ang kasal na lang ang kulang. Ako nga pala si Iago Marvis Salamante Adajar, dalawampu’t-apat na taong gulang na ‘ko; nasa 5'8 ang aking height at medyo fair ang complexion ko. Nagtatrabaho ako ngayon sa isang advertising company dito malapit sa amin. Hindi ako nakatira ngayon sa parents ko simula nung grumaduate ako ng Financial Management sa isang sikat na University sa Maynila. 

May isang tao na nagmamay-ari na ng puso ko, ang pangalan niya ay Kynx Andrew Soldevilla – ang lalaki na unang nagpatibok ng puso ko. Pareho kaming graduate sa school kung saan ako nag-aral, pero ang course niya is Marketing Management. Nagkakilala kami sa isang party na in-organize ng  friend ko; naging friends muna kami ng 6 months saka niya ako niligawan. After 2 months, sinagot ko na rin naman siya dahil nakita ko naman sa kanya ang willingness na maging kami. Siguro, nagustuhan ko sa kanya yung pagiging understanding, open minded at yung accommodating – for short, pumasok siya sa ideal standards ko.  Sa kasalukuyan, tatlong taon at marami pang taon ang ibibilang ang relasyon; nakakatuwa man isipin na tatagal pa kami ng ganoon katagal dahil bihira lang talaga tumagal ang relasyon sa parehong kasarian. 

Nakatambay lang ako ngayon sa canteen dito sa office kasama ang mga close na officemates ko – sila Majann at Enr. Kasamahan ko silang dalawa sa Accounting Department simula’t sapul akong nagtrabaho sa kumpanya na pinagtatrabauhan ko. Masaya naman ang pakikitungo nila sa akin dito at nafeel ko ang pagwelcome nila sa ‘kin lalo na ang mga ibang kasamahan ko sa department. Sila lang kasi ang close ko dito sa office at sila lang ang nakakaalam na meron akong  karelasyon sa kapwa kong lalaki. Sa totoo lang, hindi ko gusto ang label dahil naniniwala ako na hindi naman importante ‘yon; naniniwala pa rin ako at the end of the day na tao pa rin ‘yon regardless of the labels na ibabato sayo ng society.

Habang kumakain kami sa canteen ay napagusapan namin ang about sa love life namin.

"Usapang love life naman tayo," sabi ni Majann habang nilalaro niya ang spaghetti na kinakain niya gamit ang tinidor.

Kumunot ang ulo bigla ni Enr nang marinig niya ang topic na love life. "Ano ba yan ang korni mo naman Maj!" Naiinis na tugon ni Enr.

Napabuntong hininga si Majann. "Ang KJ mo Enr!" Tugon ni Majann sabay taas ng kilay sa kanya. 

Nagtawanan na lang kaming tatlo, iba naman kasi si Majann kapag love life ang usapan – yung tipong walang makakapigil sa kanya kapag ‘eto ang topic na nakalapag sa usapan.   Pagkatapos naming tumawa ay itinuloy na lang namin ang usapan.

"Ako, okay naman love life ko ngayon guys. Three years and still counting." Maligayang sabi ko sa kanila. Napangiti lang ako dahil sa sobrang natutuwa talaga ako sa buhay love life ko.

"3 years and still counting? Wow bro! That's nice." Gulat na reaksyon ni Enr.

"Yeah. Bihira lang naman siguro sa same-sex relationship ang ganyang katagal na relasyon dahil yung iba ang hanap ay pera lang or kaya sex." Tugon ni Majann.

"Oo. Pero hindi ko rin naman siguro na akalain na tatagal kami ni Knyx ng ganoong katagal." 

"Yeah. Sana nga kayo na talaga,"  umaasang tono na pagkasabi ni Majann.

Biglang nangasar si Enr. "Asus, magbebreak din iyang dalawa," pangangasar ni Enr sa akin at biglang umismid siya sa harapan naming dalawa.

"Ul*l Enr. Dinidiscourage mo naman kaibigan natin eh."Sabay binatukan ni Majann si Enr at nagbitaw ng middle finger sa harap niya. .

FVBVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon