Strauss
It was a lazy Sunday morning to me, and I don't have any projects right now. Next week pa naman ang due dun sa mga photos sa photoshoot namin last time; I have no time on editing it as of the moment. Nanonood lang ako ng The Way He looks -- isang Brazilian gay-themed film para mawala lang ang boredom ko dito sa condo. Pagkatapos kong manood ng movie, I decided to go out sana pero biglang may tumatawag sa aking phone at kaagad ko itong sinagot.
"Hello?" Pambungat na bati ko.
"Hey Strauss my son, pupunta nga pala diyan si Maryse," sabi ni Mom sa seryosong tono ng kanyang pananalita.
Nagulat ako sa sinabi niya. "Huh?! May lakad ako Mom!" Palusot ko sa kanya.
"Son, kailangan lang ng sister mo ng kasama para maghanap ng clothes para sa pupuntahan niyang debut,"pamimilit na tono na sabi niya.
"Eh.. Bakit naman kasi ako Mom ang kailangan diyan? Pwede naman si Ate Myrtle. I'm a guy and hindi ko alam kung ano yung gusto niya," Inis na tugon ko.
"Son, just accompany her to the mall at yun lang naman ang pakiusap ko sa'yo anak and she misses you already," malumanay na pakiusap ng aking mom.
Napabuntong-hininga na lang ako. "Okay fine. I will accompany her to the mall." Pilit na tugon ko sa mom ko para hindi na humaba ang paguusapan namin.
"Wait for Maryse son, Okay?" Paninigurado niya. "Kakaalis lang niya dito sa bahay and mag-ingat kayo and have fun." Sabay baba nito sa linya.
Kung kailan na gusto kong magrelax eh! Wrong timing naman itong baby sister ko. Wala rin naman akong magagawa dahil pag di ko sinunod si Mom, malilintikan naman ako nang di oras.
Dumeretso muna ako sa banyo para makapaghanda na ako sa lakad namin ng little sister ko. Wala rin naman akong magagawa dahil medyo mahal ko rin naman itong babaeng ito. Habang naliligo ako, naisip ko lang ang lahat ng mga nangyari nung nasa puder pa ako ng mother ko. Wala na akong daddy dahil namatay na siya 2 years ago -- as far as I remember, bago ako grumaduate ng college. It was so devastating to us dahil sobrang maasikaso siya sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa family. Kahit busy man siya sa job niya bilang Manager sa isang manufacturing company, he's spending his free time to us even he's exhausted from work.Nakakatuwa nga naman talaga si Dad kung tutuusin. Simula nung namatay si Dad, si Mom ay nagtayo ng sariling business dito sa Philippines. Bago kasi kami mag-college, tumira muna kami sa US for citizenship kaya masasabi ko na may dual citizenship ako.
Pagkatapos kong maligo, nag on muna ako saglit ng Blndr baka sakaling may maka-fun nanaman ako bukas dahil I'm in the mood to have fun tomorrow. Nakita ko na sandamakmak na messages nanaman ang sumupresa sa akin at dinelete all ko na lang ito dahil ni isa sa kanila ay hindi ko trip -- hindi ko trip dahil I don't find them interesting. Paano naman kasi magiging interesting 'yong mga 'yon kung mukha namang puro sex lang ang nasa utak? Kahit mataas ang libido levels ko, I want a person na pwede kong maka-hang out outside sex. Naghanap ako sa new users section, yung iba puro jeje at yung iba puro masyadong bata pa -- as in mga students na hayok na hayok na naadik na sa pakikipag-fun. May isang user napansin ko na kahit nakatalikod lang with butt exposure yung kanyang display pic sa account -- ang username niya is MrBubbleButtX.
There is something na parang naghihila sa akin na i-pm ko siya pero medyo hindi ko kasi trip yung nakatalikod eh. Should I pm him or not? Bahala na. Biglang out of the blue, sinendan ko siya ng message dahil sobrang nacucurious ako sa kanyang pagkatao. I guess hindi lang siya pangkama kaya parang naiintriga ako na kausapin ito.