√PROLOGUE

2 0 0
                                    


"Don't depend too much on ANYONE, even your SHADOW leaves you when you're in darkness." -kitsune

★★★★★★★★★★★★★★★★★★

"Dr. GOMEZ maraming salamat sa pagpunta." Turan ng matanda ng salubongin nito ang doctor sa pintuan ng mansion na syang tahanan nya. Mababakas sa tinig ng matanda ang matinding pangamba at pag-aalala.

"Trabaho po naming 'to bilang isang Doctor lalong lalo na po sa inyo." Turan ng doctor sa matanda dahilan para mapangiti ito."Nasaan po ba ang apo nyo?" tanong ng binatang doctor dahilan para tumalima at bumalik ang kalungkutan sa mukha ng matanda.

"Nasa silid siya-sagot ng matanda habang sinusundan siya ng doctor-at halos isang linggo na siyang hindi lumalabas. parating takot." Paliwanag nito ng bigla siyang tumigil sa paglalakad kasabay ng pagbunga niya ng malalim na hininga . Sa labis-labis na pag-aalala.

"Naiintindihan ko po. Mr. Lanoste." Turan ng doctor at inalalayan niya ito sa paglalakad sa may hagdan.

Huminto silang dalawa sa harap ng isang pinto. Pinihit ng matanda ang door knob ng pinto at dahan-dahan nya ito binuksan, kasabay ng pagbukas ng pinto ay tumangbad sa  kanilang dalawa ang tahimik at walang kabuhay-buhay na silid.

May kadiliman ang silid kaya minabuti ng matanda na buksan ang ilaw. Ngunit kasabay ng pagsakop ng liwanag ng ilaw ay ang pagtakbo ng isang bata na balot ng kumot ang buong katawan.

Napakunot ng noo ang Doctor sa inasta ng bata. Nang biglang marinig nilang sumigaw ito. Kaya nagmadali ang dalawa na puntahan ito upang malaman kung ano ang nangyari rito.

Tumanbad sa kanila ang batang nasa sulok ng kama at nanginginig ito sa takot at umiiyak. Hindi rin pumipremi ang tingin niya sa iisang lugar. Paikot-ikot ang mga ito animoy may nakikitang iba at bumubulong ng kung ano-ano na tanging ang bata lang ang nakaka-rinig.

Di maiwasan ng Doctor ang magtaka, magtanong sa sarili sa inaasal ng bata na hindi normal para rito.

"Pinapainum nyo po ba 'yong gamot na ine-reseta ko sa kaniya.?" Tanong ng doctor sa matanda habang ipinapatong ang bitbit nitong bag sa side table na nasa tabi lang ng kama ng bata.

"Oo.-sagot ng matanda-Pero sa tuwing magigising siya'y nagkakaganyan at kung minsan nakatulala naman." Pag kukuwento ng matanda sa doctor habang umuupo sa tabi ng bata na syang apo nya.

PSYCHO SERIES 1 (Marcos J. Lanoste )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon