"Demons are not born, they are created by humans."
_________________________________________Dahan-dahan na nagmulat ng mata si Marcos. Makalipas mawalan siya ng malay. Ang unang tumangbad sa kaniyang paningin ay ang makintab na kulay itim na flooring ng silid. Sa pagkat siya ay nakadapa rito.
Kalmado na bumangon ito sa pagkakadapa at tumayo. Hinawakan niya ang sarili batok, gumalaw ang ulo niya pakanan't pakaliwa at iniikot niya dahilan para marinig niya ang mahihinang pagtunog ng mga buto sa ginawa niya.
Pagkatapos ay pinasadaan niya ng tingin ang buong kuwarto. Animo'y pinag aaralan ang bawat kanto ng silid at ang mga gamit na naroroon ng bigla siyang na patingin sa iisang direksyon.
Kunot noo niya itong nilapitan. Dahan dahan syang gumapang animo'y isang pusa. Tumigil siya sa gilid ng kama at nakaharap sa side table na nandon lang sa tabi.
Tahimik siyang napaupo sa harapan ng lamisa animoy isang batang nahihiwagaan sa nakikita. Ipinilig niya ang ulo sa lamisa habang sinisilip ang mga ito.
Nagsawa ito sa ginagawa kaya kinuha niya ang isang gamot at itinaas sa ere. Nang bigla niya itong itinapon pabalik sa pinagkuhanan niya animoy nangdidiri at napaso.
Mabilis siyang tumayo at pinagkukuha ang mga ito. Habang paikot ikot sa silid at animo'y natataranta kung ano ang dapat niyang gawin sa mga ito. Hanggang sa matagpuan ng kaniyang paningin ang isang pintuan.
Tinungo nya ito at nahihiwagaang binuksan. Mabilis siyang pumasok ng malaman nyang isa itong palikuran habang nasa bisig niya ang mga gamot ay agad niyang tinungo ang bowl.
Binuksan niya ang takip nito gamit ang paa at lumuhod sa harapan habang inilalapag ang mga gamot.
Isa isa niyang binuksa ang mga bote ng gamot at itinapon ang lahat ng laman ng mga ito sa bowl. Habang nakangiti animoy isang batang aliw na aliw sa ginagawa.
Pagkatapos niyang itapon lahat ng gamot ay pasipol niya ine flash ito sa iredoro hanggang sa mawala sa paningin niya ang mga ito. Isang nakakabaliw at kakaibang ngiti ang kumawala sa labi niya ganun din ang kislap ng kaniyang mga mata.
Palabas na sana siya sa sariling restroom ng mahagip ng kaniyang paningin ang sarili nitong reflection dahilan para huminto siya at hinarap ang malaking salaming nasa harap niya mismo.
"This is freaking weird cloths." Turan niya habang tinuturo ang sarili at napapailing.
Lumabas siya ng restroom na masama ang itsura at bumubulong bulong na tanging siya lang ang nakakarinig.
Pagkatapos ay pinaghuhubad hubad niya ang damit. Animoy isang batang hindi na gustohan ang suot. Isa isa niya ito pinagtatapon kung saan saan.
Naglakad siya na tangin boxer lang ang suot at tinungon ang walkin closet niya.
Agad niyang tinungo ang mga naka hanger na mga damit at pinaghahawi-hawi ang mga ito at kung may natitipohan ay kinukuha niya, ngunit pagmay nakita siyang mali ay itinatapon niya ito sa ere. hanggang sa wala siyang nagustohan.
Patakbo niyang tinungo ang isang cabinet at kinalkal din niya ang mga damit na naroroon. Animoy isang magnanakaw.
Napasipol siya ng mahugot niya ang isang black long sleeve at isinampay ito sa balikat niya. Nagsimula nanaman siyang maglakad at tinungo ang isang opening cabinet na puro jeans ang laman. Kinuha niya ang isang itim na jeans at lumabas na ng silid.
Inihagis niya ang mga damit na napili sa kama at iniwan roon.
Nakatapis lang ng tuwalya si Marcos ng lumabas ito sa CR. Habang nasa ulo niya pa ang isang towel ngunit hinahayaan lang nito na tumulo ang basang buhok.
BINABASA MO ANG
PSYCHO SERIES 1 (Marcos J. Lanoste )
RomanceWith his tantalizing distinguish aqua eyes, perfect loveable attractive face and his rare sweet innocent smile indeed, MARCOS LANOSTE was literally a Greek drop gorgeous men who can easily captured a heart of a women. But he has a dark secrets he d...