"Sometimes you found yourself in a wrong place but, you also found a great friend to be through."
_________________________________________Halos itulak siya papasok sa kulungan at inalis ang pusas na nasa kamay niya. Ito ang kauna unahang pagkakataong sa kulungan siya magpapalipas ng gabi.
"Anong kaso?" Tanong ng isang babae sa kaniya. "Self defense." Sagot niya dahilan para mapa kunot ng noo ang babae. "Kaso na sobrahan ko, kaya ayon nasa hospital yong tatlong alinta namukhang igad na may ugaling sawa." pagbibiro niya dahilan para mapa ngiti ang magandang babae na katabi lang niya. " 'kaw Ba? anong kaso mo?" Balik nyang tanong dito.
"Mistaking Identity,~seryosong turan nya animo'y napagsakluban ng lupa at buong kalawang sa sagot nito pinagkamalan nila akong addict.~ sabay mura nito at napangisi. "eh itong eye bag na to pinaghirapan ko magdamag kakaovertime at kararakit." Maasim na saad ng babae sa kaniya at tumabi sa tabi nya.
"Sa tingin mo?~ bulong nya sa kaniya sabay tingin sa paligid. ~mukha na ba? talaga akong adik?" pagtutuloy nito na animo'y maski ito'y hindi makapaniwala sa itsura nya mismo. "kailan pa ang huli mong tira?" Sagot niya dahilan para mapakunot ng noo ang babaing kausap animo'y nag aalanganin sumagot. "Nakasinghot?" paglilinaw nya dahilan para maslumalim ang guhit ng mga noo ng kausao niya. "hoy! Di ako addict, may tupak lang." nakangiting sagot nito halatang may pinagdadaanan at malabo ng kausap.
"Pinagkamalan ba naman akong manbubuso." Pag kukwento nito sabay buntong hininga.
"Ang masama~ dagdag niya sa kuwento nito. "anak mahirap lang ako kaya ayon mas pinaniwalaan nila yong lalaking anak mayaman na mukha naman bakla sa kilos at pananamit napaka arte pa magsalita akala mo naman nasa bansang Amerika siya." Pagtatapos niya.
Napatawa naman si Sarah sa kwento nito na di naman nalalayo sa pinagdadaanan niya. Hindi lang baliw ang taong kausap niya kundi isang dakilang pasaway na kapatid at estudyante. Ni wala ngang preno sa pagkukuwento ng mga karanasan niyang bakakabaliw.
"Ako pala si Basda a.k.a Ada." Pakilala nito sa sarili habang naka lahad ang kamay na inabot naman ni Sarah. "Sarah."
"Ilang taon kana?" Tanong ni Basda habang ngumunguya ng buble gum. "Gusto mo?" Tanong niya kay Sarah habang inilalapit ang buble gum.
"Wag kang mag-alala walang bayad yan. pero may interest." Nagdadalawang isip sya kung kukunin nya ba ang inaalok nito. " walang bayad pero may interest? Salamat na lang pero wala akong pangbayad eh." sabay ilag nya.
BINABASA MO ANG
PSYCHO SERIES 1 (Marcos J. Lanoste )
RomanceWith his tantalizing distinguish aqua eyes, perfect loveable attractive face and his rare sweet innocent smile indeed, MARCOS LANOSTE was literally a Greek drop gorgeous men who can easily captured a heart of a women. But he has a dark secrets he d...