√chapter 2- new update

1 0 0
                                    

RATED- SPG
_________________________________________

"It hurts when you try to make thing RIGHT, and all they can see in you is WRONG."
★★★★★★★★★★★★★★★★★★

"Mama! Maawa po kayo." Umiiyak na pagmamakaawa ni Sarah sa kaniyang Ina, habang kinakaladkad  sya nito palabas ng bahay nila.

"Bakit Yong Ama mo! naawa ba sakin?" Galit na turan ng kaniyang Ina habang hinihila ang buhok niya."Sinira niya ang buhay ko! Kaya magdusa ka." Pahabol pa ng kaniyang Ina. Akala mo hindi niya anak ang kinakaladkad.

"Mama! Nasasaktan po ako." pakiusap ni Sarah sa kaniyang Ina, pero parang 'di siya narinig ng kaniyang Ina.

Sa tana ng buhay ni Sarah ganito ang pakikitungo ng kaniyang Ina sa kan'ya, ni minsan hindi pa niya naranasan ang pag-aaruga nito at pagmamahal bilang isang Ina.

Itinulak siya ng kaniyang Ina ng malakas palabas ng pinto ng bahay nila, dahilan para mapaupo si Sarah sa maputik, mabaho at maduming bakuran nila na daanan din ng tao.

"Wag! na wag! kang uuwi rito! hanggang wala kang maiuuwing pera." Turan ng ginang, habang pinagduduro nito ang ulo ni Sarah. Gamit ang mahahaba nitong kuko.

"May pera naman po kung inuwi." Panunumpat ni Sarah sa kaniyang Ina, habang pinupunasan ang hula.

"Pwes! Perang papel ang gusto kong iuwi mo! hindi maruruming barya!" Panunumbat din ng ginang habang nakatayo sa harapan niya.

"Kahit na po. pera po parin yong inuwi ko." May galang na turan ni Sarah sa kaniyang Ina. Pero, Pinagtawanan lang siya nito at pinalo sa braso gamit ang isang luma at sirang payong na nahablot lang ng kaniyang ina.

"Ano naman mabibili ng barya mo aber? Ni matinong pagkain hindi makakabili ito." Mapait na turan ng kaniya Ina, habang ipinalo sa braso niya ang bag na may pera.

"Pinaghirapan ko po yan, mga baryang iyan Ma!, ni hindi nga po ako nagpahinga at kumain ng tanghalian para lang makarami po ko ng kalakal." Paliwanag ni Sarah sa kaniya. Ngunit, di ito pinansin ng Ginang.

"Kung hindi niyo ipagsusugal ang pera, makakabili na rin po yan ng 10 kilong bigas." Habol na turan ni Sarah sa kaniyang Ina, habang napapaiyak siya.

"Kasalanan ko pa ngayon!" Galit na turan niya habang sinasabunutan siya. "dahil pinagsusugal ko yan mga barya mo! eh-di! Kainin mo n'yang barya mo!" Turan niya kay Sarah sabay hagis ng Nanay niya ng barya sa mukha niya mismo, at galit siyang pinagsarhan ng pinto. ngunit segundo lang bumukas muli ang tagpi tagpi nilang pinto at inihagis ng ulirang nyang ina ang maliit nyang bag eksakto sa kaniyang kaliwang mata.

PSYCHO SERIES 1 (Marcos J. Lanoste )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon