Chapter 7

456 34 2
                                    


Ano mang pilit na pagpapaliwanag ang gawin ni Ismael bingi ang mga awtoridad sa kanyang paliwanag.

Bumisita sina Beth, Mayang at Maccoy sa Kulungan may mga dalang damit at pagkain.

Kamusta kana dito mahal ko?! Ang tanong ni Beth sa Asawang tumangis na rin, Beth ayokong makulong, wala akong kasalanan. umiiyak na pahayag ni Ismael,

Ginagawan ko ng Paraan mahal, may kinakausap na kong Atorney na taga PAO sa makalawa daw bibisitahin ka nya, manalangin tayong lumabas ang katotohanan,

Wag kang mag alala Itay, ako muna ang Bahala kina Inay at Mayang, kung kinakailngang tumigil muna ko sa pag aaral gagawi. Ko, maghahanap buhay ako para mabuhay kami. Panigurado wala na kaming trabaho ni Inay sa Hacienda.
Ang madamdaming pahayag ni Maccoy,

Anak pagpasensyahan mo na ang Itay, sayo tuloy nabagsak ang mga dapat na obligasyon ko, anak. Ang umiiyak na paliwanag ni Ismael sa anak.

Tutulong din po ako Tiyong, kung makakabigat na mag aral ako ng kolehiyo, mag hahanap po ako ng pwde kong pag applyan ng scholarship at part time na trabaho.

Ayoko pati kayo mahirapan, patawarin nyo ako at pati kayo kailangan danasin ito.

Hindi mo ito ginusto, walang may gusto nito mahal ko..
Sana matapos na ito. Ang madamdaming pahayag ni Beth.

Ilang araw ang lumipas...

Nagtaka ang mag anak na dinala na raw sa Muntinglupa Jail si Ismael, kagabi..

Kanda himatayin halos si Beth nung malaman nya ang balita,
Nagtataka man sila, kinausap pa rin nila ang kanilang Abogado..

Hindi maari ang ganito, wala man lang Order na nilabas, tpos bigla na lang siya dinala sa Munti, maghahain tayo ng Motion for Reconsideration, hindi tama to, pinangunahan na ata ng pera ang hustixa.

Nagkuyom ang mga kamay ni Mayang, sumugod sya sa Mansyon ng mga Braganza,

Mam Oliviaaaaaaaaaaaa, lumabas po kayo, hindi nyo po kailangan gawin to, wala pong kasalanan ang Tiyong Ismael ko, wag nyo pong gawin to sa amin.

Sa loob ng Mansyon...

Nag iiskandalo ang pamangkin ni Beth at ni Ismael sa Labas Mam Olivia.. Ang sumbong ni Melba..

Lumabas sina Olivia at Valentina kasama sina Melba at ilang mga kasambahay nila,

Wag kang mag iskandalo dito Mayang, wala na bang natitirang hiya jan sa katawan mo? Sabagay pamilya mamatay tao pala kayo. Ang nanlilisik na sabi ni Valentina.

Walang katotohonan yang mga bintang nyo, patutunayan namin yan sa Korte, wag nyong pairalin ang pera nyo, wag nyong bilhin ang batas, alam ng Diyos ang lahat ng nangyayari, paparusahan din kayo.
Ang umiiyak ng sambit ni Mayang.

Hoy Hampaslupa, wag mo kong mapangaralan tungkol sa mga bait baitan mong disposisyon sa buhay, pinatay ng Tiyong mo ang aking Papa, nararapat lang na mabulok siya sa Kulungan, hinding hindi ako papayag na makalabas siya ng bilanguan! Kaya wag na wag ka ng susugod pa dito uli kung ayaw mong pati ikaw ipakulong ko ! Ang litanya ni Olivia sa kawawa g si Mayang.

Umalis kana Mayang bago pa kami magpatawag ng Pulis, sinasabi ko sayo, ang saad ni Melba!..

Pagbabayaran nyo itong ginawa nyo sa Pamilya ko! Magbabayad kayo!!"
Ang supma pang dagdag ni Mayang..

Nakisama ang Langit sa pagtangis nya, umulan habang pauwi siya ng kanilang bahay.

Iha saan ka ba nagpunta? Basang basa ka..
Ang pag aalalang tanong ni Beth sa kanyang Pamangkin.

Pumunta ho ako sa Hacienda Braganza,
Ang nakayukong saad ni Mayang
Bakit ka pa pumunta dun.? Ang pag alalang tanong no Beth sa pamangkin.

Tiyang hindi ho tama ang ginagawa nila.
Umiiyak na tugon ni Maymay.

Dumating si Maccoy galing bayan,

Mag impake kayo, aalis tayo pupunta tayong Manila, nakabili na ko ng ticket sa Barko.

Agad namang tumalima si Mayang, at si Beth umiiyak hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari.

Maaga ang alis ng Barko kaya madaling araw pa lang handa na sila sa Pag alis. Pero nagpaalam saglit si Mayang, aalis lang siya saglit, magpapaalam lang siya kina Lola Mameng at may iaabot lang sya kay Elisa.

Lolaaaaa Mameng,
Oh iha bakit ang aga mo at mukhang bihis na bihis ka,? Ang nagtatakang tanong ni Lola Mameng.

Lola luluwas na po kami sa Maynila, dinala na po si Tiyong Ismael sa Munti.

Gusto po namin malapit lang kay Tiyong, mag papaalam lang po ako, dadalawin ko po kayo dito pag maayos na po ang sitwasyon namin sa Maynila.

Paano ang pag aaral mo iha?
Tanong ni Lola Mameng.

Bahala na po Lola ang importante makasunod kami sa Maynila.
Inakap ng mahigpit ni Mayang si Lola Mameng, mag iingat po kayo dito.. Susulat po ako, mayroong numero telepono naman ako ni ate Elisa. Tatawag po ako para kamustahin kayo..

Wag mo kung alalahanin dito iha, mag iingat kayo dun.

At umalis na si Mayang patungo sa Bahay ni Elisa, andun pala si Kuya Maccoy nya ngapapaalam din siya kay Ate Elisa.

Elisa, aalis na kami, pupunta kami ng Maynila, pamamaalam ni Maccoy,
Umiiyak si Elisa, paano tayo Maccoy?
Hindi ko rin alam, ayoko namang sabihing maghinatay ka, kase hindi ko alam kung gaano katagal akong mawawala, unfair naman sayo yon. Ang paliwanag ni Maccoy.

Mahal kita Maccoy, maghihintay ako.
At nag akap sila ng mahigpit. Tumalikod na si Maccoy bago pa man makita ni Elisa ang pagtulo ng luha nya.

Matagal ng nakatayo si Elisa, pinagmamasdan ang papalayong si Maccoy.

Ateeeeee ang mahinang tawag ni Mayang, niyakap nya ito.

Magpapaalam din ako sayo ate, salamat sa lahat lahat, tatawag ako sayo pag maayos na kami doon.

Ang huling liham ko para kay Edward ate sana mapadala mo pa rin..
Tumango lang si Elisa paalam ate.

Lulan na sila ng Barko patungong Maynila,
Nakatulala lang si Beth habang nakahiga sa kama kung saan sila nkapwesto.

Tiyang, magpakatatag po kayo, sabay haplos nito sa buhok ng Tiyahin..

Hinawakan ni Beth ang kamay ni Mayang habang hinagkan nya ito.



(Anong Buhay sa Maynila ang naghihintay sa pamilyang Enriquez)

Kayanin kaya ni Mayang ang Buhay Maynila? Abangan natin ang mga pagsubok na pagdaraanan ni Mayang.

Vote and Comments naman kayo guys.

Labyu.. Mwuaaaah

Destined To Be YOURS.. (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon