Sumabay na si Beth at Mccoy kina Mayang at Tony sa sasakyan nito,Habang asa Daan nagkwento si Beth ng mga kalokohan ni Mayang nung Bata pa sya..
Alam mo ba Tony na parang lalaking umasta yan si Mayang dati?! Susme halos magtambol tambol ang dibdib ko kaka alala sa kanya pag ngpunta na yan ng Ilog, dala dala ang pamingwit ng kanyang Tiyuhin, hinahabol pa nyan ang mga isda, beterana sa pag huli yan.. Pagbibida ni Beth sa Pamangkin,
Naku ang Tiyang tlga pakadaldal, nakakahiya naman ky Tony. Ang namumukang saad ni Mayang
Ang cute nga eh, ako never akong naka experience ng Outdoor Activity nung bata ako, mahigpit ang Daddy ko, gusto nya nag aaral lang ako sa Kwarto, ayaw na ayaw nyang lumabas ako ng bahay para maglaro ng Basketball, ayaw nya kong maging Player ng Basketball baka daw mapabayaan ko pag aaral ko. Ang kwento ni Tony.
Pero alam mo, nung siyam na taon yan si Mayang, may niligtas yang Batang lalaki, bakasyonista sa Lugar namin, may sugat sa noo,binuhat ba naman nya habang dala dala ang timba at pamingwit,dagdag na kwento ni Mccoy.
Ano nga ba pangalan ni Tisoy Mccoy?
Si Edward po Inay, ang First Love ni Mayang.
Biglang natahimik si Mayang, naisip nya bigla kung kamusta na kaya si Edward.
Nahalata naman ni Tony ang pananahimik ni Mayang mula nung nabanggit ang pangalang Edward.
Naunang bumaba sina Beth at Mccoy at ngpasalamat, pinapapasok pa nga nya si Tony sa Bahay,
Biglang hinawakan ni Tony ang mga kamay ni Mayang, nung akmang bubuksan na nya ang pintuan ng sasakyan,
Dale mahal mo pa rin ba si Edward?
Namutla si Mayang sa tanong ni Tony, at hindi yon nakaligtas kay Tony.
Tony, mga bata pa kami nun, tsaka wala na kong balita sa kanya ni hindi ko nga alam kung humihinga pa ba siya, paliwanag nya.
Maghihintay ako hanggat maging ready na ang Puso mo para sa akin Dale. Mahal kita at Seryoso ako sa Nararamdaman ko para sayo pag amin ni Tony.
Hindi ka mahirap mahalin Tony, napaka bait mo, at ang kabaitang pinapakita mo sa pamilya ko ay bukod tangi. Salamat nga pala sayo, sa araw na ito, sa pagsama sa amin sa Bilibid.
Kaligayahan kong makita kang masaya Dale..
Salamat, tara pumasok ka muna sa Bahay at magkape bago ka umuwi..
Oh pasok, nagtimpla ako ng kape, inumin mo muna iho, pag aalok ni Beth sa Binata.
Salamat po Tita, kung inyo pong mamarapatin, nais ko pong formal na ipaalam ang panliligaw ko sa Pamangkin nyo, mahal ko po siya at makakaasa po kayong hindi ko po siya sasaktan.
Paalam ni Tony.Walang problema sa akin Iho, boto ako sayo, saad ni Beth, ako man Boto ang singit ni Mccoy, namula si Mayang,
Malalaman mo ang sagot ko bukas Tony.
Nakangiti ang Binata, positibo ito sa magiging kasagutan na hinahangad nya.
Nagkwentuhan pa sila at nagpaalam na rin ang Binata,
Hinatid ni Mayang sa may sasakyan ang Binata.Salamat, mag iingat ka. Ang paalam ni Tony, wala ba akong kiss? Pabirong saad ni Tony,
Pinaunlakan naman ni Mayang iyon, hinalikan nya sa Pisngi si Tony sabay talikod dahil nahiya ito.
Kinikilig naman si Tony habang hawak hawak ang pisngi kung saan humalik si Mayang. Mabilis nakarating ng bahay si Tony, dali dali nyang tinawagan ang Dalaga.
Bahay kana agad? Grabe ka namang magmaneho. Pagtataka ni Mayang.
Wala lang traffic, tska gusto ko na agad marinig boses mo Dale.
Lambing ni Tony.Kuh, ikae talaga napaka bolero mo, oh siya magpahinga kana, goodnight Tony..
Goodnight mahal kita, yon lang at binababa na ni Mayang ang Telepono nya.
Hawak ni Mayang ang dibdib nya dahil hindi normal ang heart beat nito, parang ang daming tumatambol ng dibdib nya. Sa lakas mabibingi ka.
Panginoon ko, si Tony na po ba ang laan nyo para sa akin? Masaya po ako pag anjan siya, mahal nya din ang Pamilya ko.
Gabayan nyo po ako sa magiging pasya ko bukas..
(THIS IS IT)
Sasagutin na nga ata nya si Tony....💔💔💔 saan patungo ang pag iibigang ito..
Abangan....
Vote and Comment muna..😘
BINABASA MO ANG
Destined To Be YOURS.. (ON HOLD)
Novela JuvenilLOVE is just a word until you came along and gives it Meaning.. ❤❤❤ Ang Kwentong ito ay pawang kathang isip lang ano mang pangalan, pangayayari, at pagkakataon ay hindi sinasadya. Enjoy Reading..