Panaginip lang
Pagkatapos naming ibalik yung mga libro na nahulog ay walang pasabi na tumakbo na ako papunta dun sa table namin. I don't now why I'm running away from that guy pero...this feeling na hindi ko maintindihan? Yung feeling na familliar sayo yung tao at hindi lang familliar, I can sense closeness in both of us. His eyes na parang may sinasabi. At yung boses nya...parang... It gives me comfort. Parang ganon? Di ko talaga maintindihan. Parang yung nasa panaginip ko.
"Oh, Anyare sayo?" concerned na tanong ni Claire pag dating ko.
"Ka-kasi...yung la-la--" naputol yung sinabi ko ng makita ko yung guy na yun na papalapit sa kina uupuan namin.
"Ano?" Biglang tanong ni Sheer na parang nabitin sabay sarado sa librong pantakip nya
Hindi ako na kasagot kasi na pako na yung paningin ko sa lalaking papalapit sakin.
"Miss, I think you left this." sabay lahad sakin nung The Patriot na libro.
"Uh...t-thank you. Naiwan ko pala." nauutal kong sabi sabay kuha ng libro.
Hindi naman sya nag tagal at umalis na sya. Nakahinga naman ako nang maluwag. Nang tignan ko ang dalawa kong bestfriend ay napataas ang isang kilay ko. Anong nagyari? 'Bat sila naka nganga?
Winagayway ko yung dalwang kamay ko sa harap nila."Hello? ok lang kayo?"
"ha? ah.. Ano nga yung sinabi mo?" tanong ni Sheer na kumurap pa ng tatlong beses
"O, ano nga yun?" Sabat naman ni Claire na parang napabalik din sa earth
"Ah...kasi..." pag aalangan ko. Sasabihin ko ba?
"Ano nga kasi?" inip na sabi ni Claire
Sasabihin ko na nga.
Hinila ko yung upuan ko para mas mapalapit pa ako sa kanila. Bago ako nagsalita ay nagpakawala muna ako ng buntunghininga.
"Yung lalaki kasi kanina...yung nagbigay sakin nitong libro.." sabi ko sabay muestra nung itim na libro "uhmmm...Familliar kasi sya sakin."
Tumaas yung isang kilay ni Claire. Bigla namang tumawa si Sheer. Pati narin si Claire ay naki tawa narin.
Napasimangot naman ako sa inakto nila.
"Anong nakakatawa dun?" naguguluhan kong tanong
"Alam mo kasi Jane. Sino ba naman kasi ang hindi makakakilala dun eh MVP sya ng basketball team dito sa school...hahaha" natatawang sabi ni Sheer
"Ha?"
"Wag mong sabihin na di mo yun kilala?" nakataas kilay paring tanong ni Claire
"Hindi kasi...iba yung feeling ko...parang matagal nakaming magkakakilala...at yung boses nya, parang narinig ko na...parang yung nasa panaginip ko." pag eexplain ko sa kanila
"hahaha...talagang magiging familliar sayo si Paul Vergara . School mate kaya natin sya nung elementary. Nakalimutan mo na siguro kasi nag migrate sila nang family nya sa UK nung nag highschool sya. At talagang narinig mo na yang boses nya kasi nag host na sya ng mga event dito sa school simula first year natin dito sa college." mahabang paliwanag ni Sheer
Paul Vergara....School mate noong elementary?.. nasabi ko sa isip ko
So kung ganon...Akala ko kung ano na. Natakot lang kasi ako kasi first time kong nakaramdam ng strange feeling na mahirap e-explain ngayon...pero, ano? Weird lang kasi.
"Kaya lang, parang narinig ko na yung boses na yun sa panaginip ko."
"Alam mo, na sobrahan kana ata sa panonood ng anime...Marami naman kasing tao na mag kaboses...baka isa dun sa mga pinapanood mo ay kaboses ng nasa panaginip mo." nakapangalumbaba na sabi ni Claire
Ipinag kibit ko nalang kung ano yung mga nararamdaman ko. Yeah. That was it..There is nothing strange happening. Na paparanoid lang siguro ako dala ng panonood ko ng RIPD kagabi.
"Mabuti pa Jane, magkwento ka nalang tungkol sa mga panaginip mo...baka effective yan para makatulog na ako."suggestion ni Sheer na halatang nawala ang pagkaantok
Mabuti pa nga..Ang ganda kaya ng panaginip ko kanina... Kaya kwenento ko nalang yung naanaginipan ko.
"Char! Ang sossy ng panaginip mo ha? hanep! Talaga bang sinaunang panahon yung mga damit nyo?" Agad na tanong ni Sheer pagkatapos kong magkwento. Akala ko ba gusto nyang makatulog? ba't parang mas interesado pa sya sa mga detalye?
"Hindi naman. Ano? Pang Amaya? Yung parang kina Jose Rizal lang. Hindi ko nga maintindihan yung ibang mga salita. Masyado atang malalim." Sagot ko "At isa pa iba ang tawag nila sakin." dagdag ko na napaisip.
Nakakapagtaka lang kasi kasi iba yung pangalan ko sa panaginip ko.
"Bakit? Ano ba ang pangalan mo?" nakatutuk na tanong ni Sheer
"Hmm... Jasmin." Maikli kong sagot
"Ha? Ang layo naman ata nun sa pangalan mo...Jane. Tapos Jasmin?" Agad ring tanong ni Claire pagkasabi ko nun.
Kung nalalayuan man sila, Ako rin nalaalyuan. Apat na lettra lang kaya ang pangalan ko tapos naging Anim. Ano yun? Gustong pahabain ang pangalan ko?
"Uh-huh" sagot ko na tumatango
"Tapos ano? Naaalala mo pa ba yung mukha ng prince charming mo?"tanong ni Claire na titig na titig sa mata ko na parang gusto nyang e-discribe ko yung hitsura ng prince ko.
Nag pout ako. "Yun nga e. Di ko maalala..Di ko naman kasi maaninag yung mukha nya."
"Baka panget yung prince charming mo kaya ayaw magpakita sayo?"biglang sabat naman ni Sheer
Natawa ako ng binatukan sya ni Claire "Ano kaba. Panaginip nga eh. Ikaw? Naaalala mo pa ba yung mga ibang mukha ng mga tao sa panaginip mo? Diba di mo rin maalala kasi di mo rin maaninag?"
"Oi. tama na nga yan." natatawa kong saway sa kanila "Wag nyo na nga yung seryosohin. Panaginip lang diba? Pasalamat na lang ako at hindi bangungut yun."
Mabuti lang talaga at ganun ang mga panaginip ko. Kahit na makaluma ang settings ay nakakahimbing naman ng tulog na gugustuhin ko nalang matulog forever..hehehe..joke lang. Wag naman forever. Paano ko pa ma meet yung materialized as in true prince charming ko kung forever akong tulog. Hindi naman kasi ako si sleeping Beauty na nakatira sa palasyo at hinihintay ang kanyang prince charming sa paraan ng pagtulog. Kaya gustuhin ko man o hindi ay kailangan kong gumising para harapin ang realidad.
Pero minsan talaga, di ko maiwasan na pangarapin ang mga pangyayari sa panaginip ko. Di ko ma iwasan na mag pantasya na mangyayari yun kaya minsan nawawala ako sa realidad. Pero kasalanan bang mangarap na maging mala-fairytale yung buhay mo? Lalo na sa magiging love story mo? Na sana nakatira ako sa isang palasyo at ako yung prinsessa. Na hindi ko nakailanggang mapahiya sa klase dahil sa mababa ang grades ko. Na hindi ko na kailangang magtrabaho kasi provided na lahat. At lalong lalo na hindi ko na kailangang masaktan kasi perfect na yung lovestory ko at happily ever after na ang ending.
But I know, kabaliktaran lahat ng mga pantasya ko kaya I need to wake up and face my reallity. Kaya dapat I should not relly on my fantasies.And they should not be mixed up with my reallity. Pasalamat nalang talaga ako at masasaya ang panaginip ko at hindi bangungut.
I believe that sweet dreams purpose is to make you smile even when you are sleeping.
BINABASA MO ANG
Past life of an Ordinary Girl
RomanceAn odinary Girl na who doesn't believe in Past Life. But what if one day, she'll wake up realizing that it is True...That she has a Past life.