Modus
Natapos ang linggo at weekend na. Alam nyo ba if what happend after our nude painting? Well... I just recieved a Flattt 1. As in FLAT ONE. First time ko ata sa isang subject simula grade 1 na nakakuha ako ng 100% na score. Whoohoo!! Kaya ngayon, magcecelebrate ako.
Tinext ko si Claire at Sheer.
Ako: Guys, kita tayo ng mall @11 nn... I have something to tell you. libre ko :)
Claire: Wow libre! Sige2x.. see you then. ^_^
Sheer: *Smart Alert....*
Dahil sa excitement ko ay Alas 10 palang ay nandito na ako sa mall. Bumili muna ako ng Dutchmill sa grocery bago ako nagpalaboy laboy sa mga stores. Habang naglalakad ako ay inu-unti unti ko naman ang pag si-sip sa dutchmill ko. Wala lang. Para matagal maubos.
Napatigil ako sa isang appliance store ng mahagip ng mata ko yung palabas nito na naka mute naman. Tinitigan ko yung mga tiger na naghahabulan sa screen ng isang flat screen Tv habang hinihipan ko yung straw para lumobo yung box ng dutchmill.
Ang ganda ng tiger. Pwede kayang mag alaga ng tiger sa bahay?
Habang ini-imagine ko na mag kakaroon ako ng tiger sa bahay ay biglang nagring yung cellphone ko kaya pumihit ako patalikod dun sa store at masagot yung tawag. Pero, sa hindi inaasahan ay may nabunggo pa ako at eksaktong tumama yung ilong ko sa dibdib ng isang tao sa sobrang lapit namin.
"Oww!!"
Hindi ko namalayan ang naging galaw ng dalawa kong kamay basta ang alam ko ay masakit ang ilong ko kaya napahawak ako dito. Narealized ko nalang na nabitawan ko pala ang cellphone ko ng makita ko ito sa sahig na nagriring parin kaya pinuolot ko. Sasagutin ko na sana yung tawag habang iniinda ko yung sakit ng ilong ko ng may biglang nagsalita.
"Bulag ka ba miss?!" Napatalon naman yung kaluluwa ko ng marinig ko ang boses ng isang lalaki na galit na galit. Napatingala ako at nakita ko ang nag aalab sa galit na mga mata ng lalaki.
"Huh?"
"At binggi ka pa!"
Ramdam ko na nagtinginan yung mga taong sa paligid dahil sa sigaw nya. Nanlaki ang dalawa kong mata ng makita ko na bumakat sa puti nyang damit ang dutchmill na iniinom ko. Agad namang lumipat yung tinggin ko sa dutchmill na hinhawakan ko na unconciously na napisat ko pala. Kaya siguro natapon yun sa damit nya.
"O? Ano pang tinitingin tingin mo dyan?!" literal na talaga akong napatalon di dahil sa gulat kundi dahil sa tono ng boses nya na nakaka panindig balahibo.
"Uhm... A-Ano?"
"Pambihira! Yung shirt ko!" Sigaw nya sabay turo sa damit nyang na basa
Ay oo nga pala!
Dahil sa taranta ko ay hinugot ko nalang yung panyo ko sa bulsa ko at pinunas punasan yung damit nyang natapunan.
"S-Sorry! Sorry t-talaga!" Pagpapumanhin ko habang pinapahiran yung damit nya. Habang pinapahiran ko yun ng tuyong panyo ko ay bigla nyang hinawalan ng mahigpit yung kamay ko kaya napatingala ako sa kanya.
"It won't make any change, Miss." Napalunok ako ng tatlong beses dahil sa lamig ng pagkakasabi nya.
"S-so..Uhmmm... W-what should I d-do?"
I was shocked ng bigla nyang binitawan yung kamay ko. Napahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ok na pero mas nagulat ako ng magsalita sya ulit.
"Palitan mo ang damit ko."
"What??!!"
"I Said. PALITAN mo ang DAMIT ko. Buy me a new one."
Siguro nakikita na nya ang panic sa mukha ko. Papalitan ko ang damit nya? Bibilhan sya ng bago? yung pera ko??... Pinanliitan ko sya ng mata ng bigla kong naisip na baka modus nya lang ito para magkaroon sya ng bagong damit.
"Bat hindi kana lang umuwi sa bahay nyo at mag palit ng damit. Bibigyan kita ng pamasahe." sabi ko.
"What? Are you crazy? ikaw ang may gawa nito so it's your resposibility na maayos 'to!" napalingon ako sa mga tao sa paligid at nakita ko na nakatingin nga sila saamin at may nagbubulong bulongan pa. Deadma nalang...di naman nila ako kilala.
"Kaya nga diba para makapag palit ka---"
"No!" matigas nya sabi "May date ako at wala na akong time para umuwi ngayon."
"Weeh? Alam mo, mas lalo akong hindi naniniwala sayo. Modus mo lang ata to eh. Kunyari may date ka at kailangan mo ng bagong damit kaya sinadya mong puwesto sa likod ko kahit malakinaman ang space dito kasi nakita mong may dala akong inumin at posible yung matapon sayo."
Napapailing sya habang sinasabi ko yun. Mga tao talaga ngayon, desperadong magkaroon ng mga bagong damit.
"Ano? wala kang masabi kasi totoo noh? Nahuli kita sa modus mo." dagdag ko
"Your imposible." aniya
Aalis na sana ako para iwan sya pero bigla nya naman akong hinila.
"What?" mataray kong tanong
"So you're not gonna do something?"
Tinitigan ko sya. Gwapo. Matangos ang ilong . Expressive ang mga mata. Makakapal at perfectly curve yung pilik mata. Perfect angle jaw and...kissable lips. Ay mali. Wag kayong green. Pwede syang mag model sa painting class namin. AY TEKA! Bat yun ang naiisip ko. May MODUS 'tong lalaking 'to. At pansin ko kanina pa sya nag e-english. Though looks can be decieving pero hindi nya naman siguro ako maloloko ngayon kasi nahuli ko na sya. Na realized ko rin na kahit papano ay na mantsahan ko yung white fitted t-shirt nya na mukhang mamahalin.
" k. Akin na." I siad dryly
"Ang alin?" nakakunot noo nyang tanong
"Yang damit mo." malamya kong sabi
"What?! pinapahubad mo ba sakin ang damit ko?"
Humalukipkip ako. "OO."
He smirked. Pinandilatan ko naman sya ng mata.
"Alam mo, sating dalawa. Ikaw ata 'tong may modus eh." Mas lalo pang nanlaki ang dalawa kong mata. Ako? May modus? Binabaliktad nya ba ako?!
"What are you talking about? Akin na. Ipapalaundry ko." Asa ka namang bibilhan kita ng bagong damit! In your dreams!
"tss. Ayaw mong palitan yung damit ko kasi gusto mong ipalaundry para maglakad ako dito sa mall na topless at malibre yang mata mo ng live na tanawin. Yan ang modus mo." he said with an evil smile
"What? excuse me, Sir. I'm an artist at walang malisya samin pag nakakita kami ng taong nakahubad. Were open minded. In fact marami na akong na paint na ganyan." proud kong sabi. Naalala ko. That's the main reason why I'm here inside the mall. Mag cecelebrate ako dahil sa achievement ko sa painting class namin.
"And excuse me din Ms. Artist kuno?" medyo na paatras ako ng bigla nyang inilapit ang bibig nya sa tenga ko "Hindi lahat ng tao ay artist na katulad mo kung gayun. Sa akin ok lang naman na mag lakad ako dito na topless, pero sila... well, baka makasuhan pa ako." napalunok uli ako dahil naaamoy ko yung mabanggong pabango nya.
Narealized ko ring tama nga sya. Hindi nga lahat ng tao ay pareho mag isip. Kong ako ay open minded at walang pakealam sa tabi tabi. Ako lang yun at posible na mas marami ang may paki at kasalungat ang mga iniisip sa mga naiisip ko.
"K. Bili tayo ng pansamantalang damit mo para may maisuot ka habang pinapalaundry ko yan." desisyon ko
"okay. Pasalamat ka't I can understand people like you." nahina nyang bulong na hindi ko masyadong naintindihan. Hindi ko nalang pinansin.
BINABASA MO ANG
Past life of an Ordinary Girl
RomanceAn odinary Girl na who doesn't believe in Past Life. But what if one day, she'll wake up realizing that it is True...That she has a Past life.