Bat di mo kasi sinabi!
After ng diner namin ay hinatid ako ni Paul sa bahay namin. Inanyayahan ko syang pumasok pero tumanggi sya kasi naghihintay na raw yung mga ka teammates nya.
Habang umaakyat ako sa hagdanan ay di ko maiwasang mapangiti at mapahampas sa dingding tuwing naaalala ko yung date namin. Date nga ba yun?
Pumasok ako sa kwarto ko at agad nagdive sa kama at nagpagulong gulong. Habang pagulong gulong ako ay may biglang malakas na katok akong narinig sa pinto ko dahilan upang mapabalik ako sa ulirat at mapabangon.
"Ate! ate!" sigaw ng kapatid ko mula sa labas.
"BAKEEET!!" kahit kailan ang laking epal talaga ng kapatid ko.
"Pabukas!!"
Tumayo ako para buksan yung pinto. Pagpihit ko sa doorknob ay hindi pala ito naka lock kaya mas lalo akong nainis ng pagbuksan ko si Ian.
"'bat nagpapabukas ka pa eh hindi ko naman ito nilock? Kumatok kanlang sana ng isang beses tapos pasok--" Naputol yung sermon ko ng makita ko syang may buhat buhat na maraming carolina at bag ng mga art materials.
"Para saan 'yan?" Tanong ko habang nilalakihan ang bukas ng kwarto ko.
"Patulong ate." Sagot sakin ni Ian sabay lapag ng mga dala nya sa sahig.
Napatawa ako. Ang genius kong kapatid. Nagpapatulong sakin sa projects sa school? Nakakatawa!! Binuklat ko ang isang cartolina na dala nya at mas lalong natawa.
"Ian, ikaw ba may gawa nito? Wow ha? Ang galing. Bibigyan kita ng star." Natatawa kong sabi. Paano naman kasi. Ang talino ng kapatid ko pero kung makapag drawing parang grade one lang.
"Akin na nga yan." hinablot nya yung hawak kong cartolina at ni-roll. "Pinagtatawanan mo pa ako. Alam mo naman."
"Hahaha... wala ka talaghang sense of artistry. Kung ako teacher mo, ibabagsak kita." tatawatawa ko paring sabi.
"Aw, sorry ka. Hindi mo ako mapapabagsak kasi di ka naman teacher. Pero pag ako di mo ako tinulungan, isusumbong kita kay mama na bumagsak ka sa quiz nyo kanina." Sagot nito habang inilalabas sa bag yung mga art materials.
Napahinto ako sa pagtawa. "Wag!" Agad akong nagpanic. "Kanina lang naman yun. Di na yun mauulit." I smiled. Tumatango tango lang sya."Sandali lang. Kanino mo yan nalaman?"
"Sa tao." Simply nyang sagot. Pinanliitan ko sya ng mata.
"Ian..." Banta ko.
Humalukipkip lang sya. "Di na yun importante. Ang importante, tulungan mo nalang ako dito kung di, isusumbong ki--"
"Oo na. Oo na." Sabi ko bago nya matapos yung sasabihin nya. "Ano nga ba ang gagawin ko dito?"
My brother smirked. bago pa nakapag salita yung kapatid ko tinutukan ko na sya ng gunting at pinanliitan ng mata.
"Ikaw Ian. Wag na wag mo akong Inuutus-utusan, bina-blackmail at ina-under. Ate mo ako. Kaya ikaw, i-pag timpla mo ako ng gatas at gusto ko ngayon na!"
"Okay" He raise his both hand in surrender at agad na tumayo para lumabas. "Ate nasa notebook ko yung instruction." Pahabol nitong sabi.
Habang gumagawa ako ng pattern sa isang cartolina ay naalala ko yung date namin ni Paul. Dahil sa kilig ko ay pinag hahampas ko yung sahig at na pahiga. Gusto kung sumigaw sa kilig pero baka marinig ako ng mga kapit bahay kaya kinagat ko nalang yung labi ko. Gusto ko na itong ilabas kanina pa sa dinner pero syempre nahihiya ako. Baka akalain nya na baliw ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/12622262-288-k774590.jpg)
BINABASA MO ANG
Past life of an Ordinary Girl
RomansaAn odinary Girl na who doesn't believe in Past Life. But what if one day, she'll wake up realizing that it is True...That she has a Past life.