A/N: the following italicized words were scenes of jane's dream and it is written in third person pov. thanks
Masterpiece
// "Jasmin. Bilisan mo."
"Ano ba kasi iyon Bernard?" naguguluhang tanong ni Jasmin sa kanyang kaibigan habang dahandahan syang bumabaab ng hagdanana.
"May sorpresa ako sa iyo, binibini."malambing na sabi ni Bernard habang pinipiringan ang kanyang mga mata
"Kailangan ba talanggang may piring?"
"Ikinalulungkot ko pero kailangan... Paano kita ma e sosorpresa kung makikita mo na agad?"
Iginiya ni Bernard si Jasmin patungo sa likod bahay kung nasaan ang malawak na hardin at bakuran ng pamilya ni Jasmin. Nagbilang si Bernard nang hanggang tatlo bago nya inalis yung piring sa mata nito. Walang ano mang salita ang lumabas sa bibig ni Jasmin dahil sa pag kas sorpresa at pagka mangha.
"Bernard...Totoo ba itong nakikita ko? Pwede ba akong sumakay dyan?" di makapaniwalang tanong ni Jasmin ngunit bakas sa tono nito ang saya at pagkasorpresa.
"Oo. binibini." malambing nitong sabi sabay lahad ng kamay nito para maka angkas si Jasmin sa kabayo.
Matagal nang pangarap ni Jasmin ang mangabayo. Aniya'y, gusto nyang madama ang pagiging malaya sa tuwing sumasakay ng kabayo ngunit hindi sya pinapayagan ng kanyang mga magulang sa pagsakay nito dahil na rin sa lubus na pagiingat at sa pagiging babae nito.
"Ngunit Bernard, baka mahuli ako nang papa at ako'y mapagalitan." nangagamba nyang tanong
"Hawag mo ng isipin iyon, ipinag paalam na kita." nakangiti nitong saad
"Ngunit, Hindi ako marunung mangabayo?"
"Huwag kang mag alala. Narito lang ako sa likod mo. Hindi kita papabayaan. Aalalayan kita." makahulugan nitong sabi
Muli nitong inilahad ang kanyang kamay at sa walang pag aalinlangan ay tinanggap ito ni Jasmin at umangkas sa kabayo. Agad naman itong pinatakbo ni Bernard. Napatili pa ng di sinasadya si Jasmin sa gulat at takot nguti agad rin nitong tinakpan ang kanyang bibig sa kahihiyan habang si Bernard naman ay napapangiti sa tuwing napapatili si Jasmin.
Matulin ang takbo ng kabayo hanggang sa dumating sila sa isang maliit na burol na may isang puno ng mangga. Tumigil ang ang kabayo malapit sa puno at agad bumaba si Bernard para itali ito. Inalaayan ni Bernard si Jasmin sa pag baba.
"Bernard, Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari ito. Sa buong buhay ko, akala ko na hanggang kalesa nalang ako."nginiti an nya ng matamis ang kaibigan "Salamat."
"Waang anu man iyon. Kung para sayo Jasmin." nakangiti nitong sabi
Nauna ng maglakad si Jasmin patungu sa isang malaking bato at duon sya umupo.
"Sandali lang Bernard" tawag nya nito habang nalalakad ito patungo sa kabilang parte "Bakit mo naisipang isorpresa ako? Hindi ko naman kaarawan ngayon? Hindi rin sayo o kahit nino?"
Ngumiti ng malungkot si Bernard "Ayoko sanang sabihin ito sayo pero nakapag desisyon na si papa na sa intramurus ako mag aaral." tinignan ni Bernard ang mga mata ni Jasmin at may luhang tumakas dun kaya lumapit sya dito "Ayoko sanang iwan ka pero wala akong magagawa." sabay pahid nito sa mga luhang lumandas sa maamong mukha ni Jasmin
BINABASA MO ANG
Past life of an Ordinary Girl
RomanceAn odinary Girl na who doesn't believe in Past Life. But what if one day, she'll wake up realizing that it is True...That she has a Past life.