Chapter 5

8 0 0
                                    

75 Pesos

"Hoy! ang daya mo. Nahuli na kita sa modus mo, dyan ka pa sa branded at mamahalin namimili."Saway ko sa kanya while binabantayan ko sya sa kanyang mga pinipili.

Takbuhan ko nalang kaya 'to. Di naman namin kilala ang isa't-isa. Posibleng di na rin kami magkikita pang muli.

"Hoy din sayo! Don't you dare run away from me." matalim nya akong tinitigan. tss.. nabasa nya ata ang nasa utak ko.

"Wag ka nga dyan mamili. Pansamantalang damit lang, dun pa sa branded."I murmured "Dun tayo sa bargain." Hinila ko na sya papunta sa bargain section.

"O, heto" Sabay hagis ko sakanya sa isang t-shirt " Kasya na yan? Tayo na." hinila ko nanaman sya ulit paunta dun sa counter

"Teka nga lang. Hindi ba 'to napupunit? Ang nipis naman nito." reklamo nya

"Hindi yan mapupunit kung hindi mo pupunitin." walang gana kong sagot

"And look at the price, 75 pesos?!" sabi nya na parang di makapaniwala " I can't believe it."

Hinarap ko sya at tinignan with my bore look. "May problema ka?"

"Wala." sabi nya with a smirked in his face

Tinaasan ko lang sya ng kilay. May pa ngingisi pang nalalaman. Narealized nya siguro na mali ang na biktima nya at hindi nya ako mapapkagat sa plano nya.

"Pagkatapos nating ipalaundry yan, ibalik mo sakin yang binili ko ah?" sabi ko pagkatapos kong magbayad sa cashier at hinahatid sya sa labas ng men's room

"Aanhin mo pa 'to? Di mo naman 'to kasya. Akin nalang 'to." nakangisi nyang sabi

Tinaasan ko sya ng kilay " Anong sa'yo? No way! I won't tolerate your modus operandi."

"Langya. Di parin ba maalis sa utak mo yang modus- modus na yan?"

"Uh-huh" sabi ko ba nakahalukipkip sa labas ng CR.

"Tss. wala akong planong ganyan. I can even buy Tons of 75 pesos cost of t-shirts."

"Edi sana hindi kanalang nagpabili. You can surely afford naman pala." I said sarcastically pero parang hindi nya na narinig kasi tuluyan na syang pumasok ng CR.



"Miss. tapos na ba?" tanong ko sa babaeng nagbabantay dito sa laundry shop dito lang din sa mall.

"Ahh..wait lang po ma'am. kukunin ko na."sagot nya na malagkit parin ang titig sa kasama kong kumag. Tingin ko eh pinapatagal lang ng babaeng 'to yung pinapalaundry ko para magpapansin ng todo dito sa kasama ko. Isang t-shirt lang naman yun.

Bigla kong naalala. May tumatawag nga pala sakin kanina. Dali dali kong nilabas ang cellphone ko sa bulsa ko at nakita ko na may 3 misscall galing kay Claire. Oh-No! Hanggang 3 misscall lang yung babaeng yun. Hirap panamang hanapin yun.

Habang binibigay ng babae yung t-shirt ng kumag ay nag Ring ang cellphone ko.

"Bihis na. Akin na yang binili ko ah?" utos ko sakanya bago ako tumalikod at sinagot ang phone ko



"Hello? Claire?"

/"Jane? Asan ka na?"/

Lumingon ako sa likod ko para sana senyasan yung kumag na bilisan nya yung pag bibihis. Imbis na sagutin ko yung tanong ni Claire ay napatitg ako sa...*Ehem* Abs nya.. Oh Jane! What are you doing!! tumalikod nalang ako para maiwasan syang titigan.

"Ahh.. An..dito ako sa.."

"O heto na." bigla nyang sabi sabay bigay nya sa t-shirt na binili ko. *gulp*

Ugghh! what am I thinking? i'm an artist at hindi ako tinatablan ng ganon.

"What?" mahina nyang sabi ng mapansin na nakatulala parin ako. Hindi ko nalang sya pinansin at ibinaling ko nalang yung atensyon ko sa kausap ko sa cellphone.

"Asan kana pala?"

/"I'm with Sheer. Dito sa Fast food."/

"k. Coming." sabi ko at ibinaba ko na yung telepono

"So.. Alis na ako." Sabi ko sa lalaking kaharap ko at bago pa sya makapagsalita ay nagmaamdali na akong makalayo.

Past life of an Ordinary Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon