Chapter 7

7 1 0
                                    



Cousin



"Hey? Hey Miss?" Naramdaman kong may yumuyugyug sakin.

Napaupo ako ng matuwid galing sa pagkakayuko sa ibabaw ng lamesa. I sighed. Panagip lang pala.

Pinahiran ko gamit ang mga palad ko yung pawis sa noo ko. Nakatulog pala ako sa isang lamesa dito sa school grounds. Umupo ako nang maayos, inaalala yung panaginip ko.

Napanaginipan ko na nakaupo daw ako sa may balon at isa isang hinulog yung mga petals ng mga bulaklak na hawak ko raw sa loob nun. Napangiti naman ako ng maalala yung paghuhulog ko ng mga petals pero nawala ang ngiti ko ng may tumawag sakin ng Jasmin sa panaginip ko na labis kong ikintaranta run kaya tumakbo ako papalayo sa balon. Hinbol ako ng isang nakaitim na kurbatang lalaki habang tinatawag ako pero hindi ko parin maaninag yung mukha nya. Dun sa panaginip ko ay parang labis na takot at inis ang naramdaman ko. Hindi ko ma explain. Habang tumatakbo ako dun ay aksidente kong naiwan yung sapatos ko. Napatigil ako nun sa pag takbo. Babalikan ko sana yung sapatos pero naunahan ako sa pagpulot nung lalaking nakaitim. Hindi ako nakagalaw. Lumapit sya sakin at--

"Miss okay ka lang?" I yelp upon hearing that question.

Nilingon ko kung sino yung nagtanong sa gilid ko and to my surprise, yung.. yung lalaki sa mall!

Napatayo ako at napa atras na aking kinatatayuan pero sa kasamaang palad ay naiwan ko sa ilalim ng lamesa yung isang sapatos ko at sa mas ikinsasama pa ay naka apak ako ng matulis na bato.

"Aray!" Agad akong umupo pabalik sa kinauupuan ko at tinignan yung paa ko na natinik ng bato. Hinid naman dumudugo pero ang sakit. Ano bang pumasok sa utak ko at tumayo pa ako?

"Are you okay?" Lumapit sya sakin at lumuhod sa harapan ko at inabot yung sapatos ko sa ilalim ng mesa at itinapat sa paa ko. Dahan dahan nya itong isinoot sa paa ko. Napatulala ako.. Parang yung sa panaginip ko.. Ano? Na deja vu? Ganon?

"Hinid ka dapat umaapak sa lupa ng walang saplot sa paa." he smiled "We meet again." he winked.

Napakunot ang noo ko sa pag wink nya pero yung pag bigkas nya ng salitang 'we meet again' ay pakiramdam ko ay may ibang meaning dun. Ipinag kibit ko nalang kung ano yun.

Tumayo na sya galing sa pagkakaluhod.

"Dito ka pala nag aaral? Hahaha... What a small world? Diba?" Tinaas taas nya pa yung kilay nya.

"So as you?" Balik tanong ko sakanya.

Humalukipkip sya at tinitigan ako. Bigla naman akong na conscious sa pag titig nya. Baka may muta pa ako o laway. Pasimple ko na mang pinunasan ng panyo yung mukha ko. Wala naman akong muta at laway ah? Bat ganyan parin sya makatingin?

"Yes. Obvious naman siguro sa ID sling ko." Napatingin ako sa Id sling nya.. OO nga no? Ang tanga ko lang.

"By the way, I'm Raphael June Austria. Raph for short." Pakilala nya sabay lahad nya ng kamay.

"J-Jane. Jane Villegas." Tinaggap ko yung kamay nya at bago ko pa ito makalas ay hinawakan nya ito ng mahigpit at hinalikan. Napadilat yung mata ko sa ginawa nya. Parang nagising bigla yung diwa ko kahit gising nanaman talaga ko. Agad ko namang binawi yung kamay ko pagkatapos nya itong halikan.



Napataas ang kilay ko ng bigla syang umupo sa gilid ko kaya na pausog ako sa kabilang side.

"Kailan mo uli ako ibibili ng 75 pesos shirt Ms. Pretty Jane?" he tease. Uminit yung pisngi ko sa pag bigkas nya ng Ms. pretty Jane. Itinaas ko nalang ang kilay ko para mapigilan yung mga butterflies sa tyan ko.

Ano ba 'tong lalaking 'to. Di ko ma Spell. Hindi lang naman ako binigyan ng time para makapag react sa mga nangyayari. Kakagising ko nga lang at ang dami nya ng nasabi. Hindi nya ba alam na nag loloading pa nag mga taong kakagising lang?

"Mukha mo!" Inirapan ko sya. Taliwas sa pag loloading ko ay naalala ko yung scene sa mall. Yung modus opirandi nya.

"Gwapo." Dugtong nya.

I sigh. "Modus mo talaga. Wag mo ring sabihin na may modus karing gagawin sakin dito sa school?"

"How many times should I tell you that I don't do modus. At kasalanan mo rin yun kong bakit ka na kabili ng damit ng lalaki ng wala sa oras." Then he laugh.

Pinagtatawanan pa ako.

"Whatever." ito nalang nasabi ko sa kawalan ng sasabihin. Tumayo na ako para umalis pero bigla nya akong tinawag.

"Hey Ms. Pretty Jane, Where are you going. Wag mo naman akong iwan dito." Nakangisi nyang tawag.

Uminit uli yung pisngi ko. Ang feeling close nya. May pa pretty Jane pretty Jane pang nalalaman. Ang lakas pang boses. Nakakahiya sa mga nakakarinig.

"Pretty Jane!" Tawag nya parin sakin. Sinusundan nya ba ako?

"What?!" Singhal ko sakanya." Tigil mo nga yang pagtawag sakin nyang..pret..Basta! Nasaan ba yung girlfriend mo? At baka mabigla nalang ako dito na may nanabunot na sakin dahil sa pagtawag ng boyfriend nya sa ibang babae ng pretty." I spat

Natawa sya sa sininabi ko. Anong problema ng lalaking 'to?

"Joke lang." Nahangisi nya paring sabi.

Hindi ko alam kong saan ako mas maiinis. Kung dun ba sa pag tawag nya sakin ng pretty o yung pag sabi nya ng joke lang. Walang sabi sabi ay tinalikuran ko uli sya.

"Wait lang Jane."

"Ano nanaman?!" singhal ko uli.

Bigla naman syang tumawa. Ano ba kasing nakakatawa? Konti nalang at malalampaso ko talaga yang mukha nya para ma bura yang ngiti nya.

"I just wanna see you blush like how you blushed when I change my shirt at the laundry shop." sabi nya with an evil smirked.

I eyed him pero nakangisi lang sya. Before I could make hampas him ay may tumawag na saakin.

"Jane!" I turn arround and I saw Paul coming. I smiled at him.

Nang makalapit na sya ay tinignan nya ng masama si Raphael while Raphael is looking so cool.

"Whoa! Easy dude. Wala akong ginagawang masama sakanya... Actually magkakilala na kami. She is my... Cousin."

"COUSIN?" shock kong tanong.. Anong pinagsasabi nyang cousin eh ngayon lang kami nagkakilala at dalawa lang yung pinsan ko each side. What is this guy planning into?

"Yes cousin." inakbayan nya pa ako. "Boyfriend mo?"

Actually I don't know what to do... Nag loloading pa ako... "N-No.. H-his my friend."

"Good." he said.

"Good?" Naguguluhan kong tanong. He just smirked and winked.

"Wag ka munang mag bo-boyfriend couz ha?" bilin nya bago sya umalis "See you." then he winked again.

Naguguluhan man ay pinilit kong bigyan ng ngiti si Paul. Bakit nya ba sinabing mag pinsan kami. At may paakbay akbay pa syang nalalaman. I don't know what is he planning. Basta feeling ko namay tinitimpla syang evil plan. I don't know.

Past life of an Ordinary Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon