✴Kings Fight✴
⭕9⭕
Abala ang lahat sa paghahanda sa magaganap na laban ngayong araw. Ngayon nakatakdang mangyari ang Kings Fight.
Hindi na bago sa iba ang magaganap na laban dahil bukod sa laban ng dating mga hari at prinsipe ng bawat departamento ay inaabangan din nila ang laban ng nag-iisang babaeng sumubok sa laban na ito.
"Baka masaktan lang siya"
"Oo nga, sayang pa naman ang ganda niya kung magagalusan lang"
"pwede kaya siyang i sub? Para di siya masaktan."
"Pssh, sana nga masira ang muka niya"
"Maputi lang naman."
"Tignan natin ang kalalabasan niya pagkatapos ng laban."
Ilan lamang yan sa mga bulungan sa paligid. Ang iba'y patungkol sa mga Kings and Princes at karamihan ay kay Heaven, ngunit wala lang ito sa kanya. Hindi naman siya masasaktan sa mga salita nila kaya wala siyang dapat na ipag-alala. Siya kasi yung tipo ng taong hindi nagmamayabang, basta ipinapakita niya lang ang kanyang kakayahan.
Patuloy siya sa pagbalot ng kanyang kamao ng puting tela. Ayaw man niya ay ito ang patakaran sa laban, ang tela ay parang sa mga ginagamit ng boxers bago isuot ang boxing gloves. Nakasuot siya ng isang mahabang puting t-shirt na loose at naka rubber shoes. Sa loob ng kanyang loose shirt ay nakasuot sa kanya ang isang sports bra at silky cycling. Napaka simple ng kanyang suot ngunit agaw pansin parin ito, hindi siya nakaligtas sa mga mapanghangang mata ng kanyang mga ka eskwela. Sanay na siya rito ngunit kung ganito karami ay naiilang siya.
"Anong tinitingin-tingin niyo? Dukutin ko mata niyo e!!" sigaw ni Max kaya nag-iwas ng tingin ang iba, samantalang sinamaan siya ng tingin ng ilan.
Kakatapos na ayusin ni Heaven ang kanyang ginagawa. Tumayo ito at sinundan naman siya ni Max. Kahit saan man tumungo si Heaven ay kailangan niya itong sundan, dahil ilang beses naring nalagay sa panganib ang kanyang buhay. Pakiramdam niyang wala siyang kwentang taga bantay.
7:30 ng umaga. Halos kalahating oras pa ang hihintayin niya bago mag-umpisa ang laban dahil may hinihintay pa raw ang mga magsisilbing hurado ng laban. Nagtataka siya kung bakit kailangan pa ng hurado, e laban naman ito ng lakas at kung sinong nanatiling nakatayo, siya ang panalo.
"Snow!!"
Nangunot nanaman ang noo ni Max ng sumulpot nanaman ang tatlo. Hindi niya alam ngunit kakaiba ang tingin ng mga ito sa kanyang alaga.
"Nandito nanaman kayo." salubong nito sa tatlo.
"Pake mo." pambabara ni Ace.
"Snow let's talk." hinawakan ni Blue ang kamay ni Heaven ngunit pinigilan ito ni Max.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"It's okay Max." tinanggal ni Heaven ang pagkakahawak sa kanya ng dalawa. "Follow me Blue"
Wala ng nagawa pa si Max kundi ang tignan nalang si Heaven at si Blue papalabas ng battle arena.
"What do you want?" tanong ni Heaven habang pinagpmamasdan ang iba na papasok palang ng arena.
"Just back out. Masasaktan ka lang dito." sabi nito na ikinataka ni Heaven. Ano naman sa kanya kung masaktan siya? Magkaklase lang naman silang dalawa.
"No, i won't. I can handle myself."
"Don't get the wrong idea. I just don't want to see a girl being beaten."
Tumango si Heaven "Then close your eyes. I'm not gonna quit."
Iniwan niya si Blue na walang ibang nagawa kundi ang sundan ng tingin si Heaven.
"She's so stubborn." umiling siya at pumasok na rin sa arena. Mag-uumpisa na kasi ang laban.
"Goodmorning Lourdians!! Today is the day kung kailan malalaman natin kung magkakaroon ngaba tayo ng bagong hari at prinsipe o mananatili sila sa kanilang posisyon. Maraming bago kaya hindi natin alam kung anong mangyayari. Ready naba kayo!!!"pagsisimula ng magiging MC ngayon sa laban.
"YES!!!" sigaw ng mga estudyante. Napuno ng hiyawan at excitement ang arena.
"So ang uunahin natin ay ang laban ng mga junior."
Nagflash sa malaking screen ang muka ng mga nakapasok. Kumunot naman ang noo ni Heaven ng makita ang kanyang larawan, nakangiti siya rito at kuha ito ng kanyang 14th birthday noong nakaraang taon. Napilitan lamang siyang ngumiti noon dahil sa pakiusap ng ama.
Marami ang nakatutok sa screen lalo na sa muka ni Heaven. Mas maganda pala ito kapag nakangiti. Ang ibang kalalakihan ay inilabas ang kanilang mga camera at kinuhanan ng litrato ang nasa screen.
'Bakit di nalang siya palaging ngumiti?' sa isip nila.
Masyado kasing seryoso at hindi makikitaan ng ano mang emosyon ang palagi nilang nakikita kapag nakakasalubong ang dalaga. Maging si Max ay napangiti ng makita ang litrato ng kanyang amo. Kahit na palagi niya itong nakikita sa mansion ay hindi pa niya nakikita ang ngiti nito.
Nag-shaffle ang mga larawan sa screen. Tumigil ito at nagkatapat-tapat ang unang maglalaban.
May dalawang battle ring sa loob ng arena. Ito ay dinisenyo para talaga sa mga ganitong programa. Maari rin naman nila itong gamitin dahil hightech ang kanilang pasilidad.
"Ang unang dalawang laban. Dustin Jano Reylands vs. Benedict Homez, ring A. And Alexis Clein Evans vs. John William, ring B."
Naghiyawan ang lahat, maliban sa mga kalahok na nakaupo sa naka hiwalay nilang pwesto.
Tumapak sa ring A si Jano at si Benedict na hindi naman pinagtuunan ng pansin ni Heaven. Sa ring B naman ay nandoon narin si Ace at John.
Tumunog ang isang hudyat at napalibutan ng electric beam ang palibot ng arena upang masigurong walang makikialam sa laban mula sa labas.
Sa ring A. Nagpapakiramdaman sina Jano at Benedict, kampante naman si Jano na siya ang mananalo dahil alam niya ang kakayahan ng kalaban. Unang sumugod si Benedict at gumamit ng right punch at sinunod ang counter attack, iniwasan naman ito ni Jano. Sumugod ulit si Benedict at ng makakita siya ng opening sa kalaban ay iyon ang pinuntirya niya. Namilipit sa sahig si Benedict, iniangat siya ni Jano at pinatamaan sa isang vital parts upang mawalan ng malay.
Sa ring B naman ay nag-umpisa naring maglaban sina William at Ace. Hindi minamaliit ni Ace ang kanyang kalaban dahil minsan na niya itong nakalaban noon at masasabi niyang meron siyang potential sa pakikipaglaban. Nagbigay ng counter attack si William na sinangga naman ni Ace at sinagot ng isa ring conter attack at isang sipa sa tiyan. Napaatras si William, kinuha ni Ace ang pagkakataon upang patulugin ang kalaban.
Matapos ang dalawang unang laban, umingay nanaman ang Arena. Halos mabingi na si Max sa mga sigaw, samantalang si Heaven ay prenteng nakaupo at nakikinig ng musika.
'Not bad' ang kumento niya sa nasaksihang laban. Ngunit hindi pa ito ganoong ka entertaining para sa kanya, marahil ay umpisa palang naman.
"Ang susunod na laban. Nicolai Blue Spencer vs. Alexander Grey, Cyan Angeles vs. Snow Laurel"
Imbis na mag-ingay ay tumahimik ang lahat.
❇❇❇
Vote and comment chingus
©HopelessDarkAngel
BINABASA MO ANG
Mafia 2:WINTER⚫COMPLETED⚫
Mystery / Thriller✴FICTION ✴COMPLETED ✴UNEDITED ✴HEAVEN WINTER SNOW LOURDE♥