⭐Chapter Twenty-Eight⭐

15.6K 436 14
                                    

✴Her Story✴

28

Isang bagong umaga para kay Summer. Hindi niya pa nakikilala ang kanyang dormmate dahil wala pa namang dumadating. Pumasok siya ng hindi na suot ang kanyang mask ngunit suot parin nito ang sumbrero na may nakalagay na 'Hate', loose shirt, skinny shorts and a highcut converse shoes.

'problema ng mga to?'

Nakakunot ang noo niya habang tinatahak ang daan papunta sa kanyang klase dahil sa tingin na binibigay sa kanya ng mga kaeskwela. marahil akala ng mga ito ay siya si Snow.

"Snow!!" hindi niya pinansin ang sino mang sumigaw ng pangalan  na iyon. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad ng biglang humarang sa daan niya ang tatlong babae na umiiyak. "Snow!!" dinamba siya ng yakap ng mga ito kaya nahulog ang kanyang paboritong sumbrero.

"Ano ba!!" tinulak niya ang tatlo at pinulot ang sumbrero. Hinarap niya ang tatlo na gulat na nakatingin sa kanya. "Look missy, hindi ako si Snow o kung sino man, I'm Summer Klein, so cut the crap. Naiinis na ako." sabi nito at tuluyan ng iniwan ang tatlong gulat parin.

"The formula had expired." sabi ni Lindsey na ikinatango ng dalawa.

Suot muli ang kanyang sumbrero, nakakunot noo siyang pumasok sa kanilang classroom, hindi niya pinansin ang tingin sa kanya ng kanyang mga kaklase. Naupo siya sa kanyang silya na katabi ng kay Maxrel at umubob. Inalala ang totoong nangyari sa kanya.

Flashback.....

Unti-unting minulat ng babae ang kanyang mata na walang ibang naaninag kundi ang usok na nagmumula sa harap ng sasakyan. Hindi alam kung ano ngaba ang ginagawa niya sa ganoong sitwasyon.

Isang katok sa pinto ng sasakyan ang nakakuha ng atensyon niya. Isang matandang lalaki na may dahon sa ulo ang ngayon ay naglalabas sa kanya sa sasakyan.

'Ano bang nangyari sayong bata ka.'

Dahil sa winika ng matanda ay inisip niyang kakilala siya nito, maaaring siya'y apo ng matandang ito.

Ilang metro na ang layo nila sa sasakyan ng bigla na lamang itong sumabog, ngunit bago siya hinila ng matanda sa sasakyan ay may dala itong isang tao, kinuha nito ang isang kwintas at isinuot sa kung sino mang iyon at yun ang huling  nakita niya bago siya nawalan ng malay.

-

Nagising na lamang siya na walang maalala sa nakaraan niya, sa kung paano siya napunta sa isang naghihingalong sitwasyon.

"Lo gising na siya"

Natuon niya ang pansin niya sa bang lalaki na nakaupo sa satbi niya, siguro'y nasa sampong taong gulang pa lamang ito, sa tabi nito'y isa pang batang lalaki na kaedad lamang ng nauna.

"Gising kana pala iha. Nauuhaw kaba?" tanong sa kanya ng matanda at inabutan siya ng tubig.

Tinulungan siyang makaupo ng dalawang bata.Kinuha niya ito at ininom. Pagkatapos ay binalik niya rin ito.

"Lo, yung mata niya."  sabi ng bata habang namamanghang nakatingin sa mata niya.

"Wyx, Cyre lumabas na muna kayo." sabi ng matanda na sinunod naman ng dalawang bata. "Kamusta na ang pakiramdam mo apo?"

"Ahh medyo masakit lang po yung katawan ko pero sino po kayo? Sino ako?"

"Ako si Adolfo, tawagin mo nalang akong lolo, sa totoo lang ngayon lang kita nakita. Hmm tatawagin nalang kitang Summer Klein, apelyido ko yung Klein, ang cool no."

Mafia 2:WINTER⚫COMPLETED⚫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon