✴The University✴
⭕2⭕
Maagang nagising ang mag-amo dahil ngayon ang kanilang unang araw sa pagpasok sa eskwelahan.
"Lady Snow, ihahatid ko na po kayo." sabi ni Butler Hayata ngunit tinignan lang siya ng blangko ni Heaven.
"No, Max will drive. He's enough to protect me." malamig nitong saad atsaka pumasok sa passenger seat ng mamahaling kotse ni Max na pagmamay-ari rin ng mga Lourde.
Hindi alam ni Max ngunit bigla na lamang siyang napangiti, lalo na sa katagang sinabi ng dalaga.
"Maxrel, we're going to be late." sabi ng dalaga mula sa loob.
Napatingin si Max sa kanyang relos at nalamang hindi pa naman sila late, katunayan nga'y maaga pa sila dahil alas sais palang ng umaga at alas otso ang umpisa ng klase, ngunit hindi na siya umangal pa at sumakay narin sa kotse. Ayaw niyang pagalitan ni Heaven.
Tahimik lang ang kanilang biyahe at walang sino man ang nagbabalak na sirain ito. Ilang oras ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon.
'medyo malayo pala talaga ang mansion mula dito kaya pala ganoon si Lady snow' sa isip ni Max.
"Max" pagtawag niya sa lalaki.
"Yes Lady Snow?"
"just call me Snow and i'm going to use the surename of my mom. Remember that."
"Y-yes S-snow."
Napalunok si Max dahil sa malamig na boses ni Snow. Kailangan na niyang masanay sa ganito ngunit hindi niya alam kung masasanay ba siya dito.
-
Nakatuon ang atensyon ni Heaven sa mataas na gate ng kanyang paaralan. Ito'y kulay pilak na may nakalagay na 'Welcome to Lourde Philippine University' at iyon ay kulay ginto.
Ang university ay may tatlong building. Ang nasa gitna which is main building ay ang building ng mga seniors na nasa 3rd and 4th floor, ang nasa 1st and 2nd floor ay ang mga opisina ng namamahala sa school. Sa right side naman ng main building(kung papasok ka sa school) ay ang building ng mga college, sa left side naman ay building ng mga juniors. 4 years sa junior, 3 years sa senior and 4 again in college. Magkakapareho ng lawak at sukat ng dalawang building, mas malawak naman ang Main building dahil narin sa mga laboratories at iba pang mga pang libangan ng mga estudyante.
Pansin rin ang malaking field nito para sa mga sports at may mga parang arena na kasinlawak ng isang boxing ring, ang pinagkaiba ay bilog ito na nagkalat sa kung saan, maliit lamang ito kung tutuusin sa lawak ng paaralan na ito. Napatingin si Snow sa fountain na nasa gitna ng daanan, may mga laman itong coins, mukang barya ito ng mga estudyante na naniniwala sa milagro ng fountain o kaya naman ay mga excess na pera ng mga rich kid dito sa kanilang paaralan.
Pagka park ng sasakyan ni Max ay kaagad silang bumaba at sumalubong sa kanila ang mga nakangangang muka ng kanilang mga magiging school mate.
'Anong problema ng mga to?' tanong niya sa kanyang isip. Sinundan niya ang tingin ng mga ito at....
'This is a big problem'
-
Parang naparalisa ang lahat sa kanilang ginagawa ng makita ang babaeng kakababa lamang sa isang latest model ng sasakyan.
Para silang nakakita ng Dyosa na lumabas mula sa sasakyang itim, ang ganda nito ay hindi nila maikumpara sa kanino man.
"Totoo bang nakikita ko siya?"
"Oh my gosh, ang ganda."
"Fvck, patay na ba ako?"
Ilan lamang yan sa mga nakakatawang sinasabi ng iba ng makita ang dalaga.
"Let's go."
Pagkarinig ng boses ng dalaga ay parang nanghina ang kanilang mga tuhod sa sobrang takot at dahil narin sa napakalamig nitong boses, isama pa ang kanyang walang emosyon na muka.
Pinagmasdan nila ang banayad at puno ng awtoridad na paglakad ng dalaga, napansin narin nila sa wakas ang lalaking nakasunod sa magandang babae.
"Hindi ito magugustuhan ni Alexa." sabi ng babaeng blonde ang buhok na hanggang balikat.
"Bakit naman?" tanong ng kasama nito.
"Ayaw niya ng nasasapawan."
Dahil sa pagkakakilala niya sa tinawag niyang Alexa ay hindi ito papayag na makuha ang spotlight niya.
"This is going to be fun~" pakantang sabi ng katabi niya na ikinatawa niya.
-
Kanina pa iniisip ni Max ang nangyari kanina sa mga estudyante ng LPU, ganoon naba kaganda ang kanyang kasama kung kaya't napanganga nalang sila? Kunsabagay ay maging siya, ganoon rin ang naging reaksiyon ng magkita silang dalawa sa Archery area sa bahay ng mga Lourde sa Amerika. Ang ganda nito ay sadyang hindi kayang pantayan ng iba.
Napahinto siya ng huminto ang babaeng sinusundan niya, hindi na siya nagtakang alam nito ang pasikot-sikot sa Academia dahil siya ang may ari nito, at malamang , napag-aralan na niya ang blue print ng skwelahan.
Kumatok ng dalawang beses si Snow bago pumasok, sumunod naman sa kanya si Max. Hinarap sila ng isang middle aged woman na nakaupo sa kanyang swivel chair.
"Sit" utos niya sa dalawa.
Nag-init ang ulo ni Snow dahil sa paraan ng pagkausap sa kanila ng babae.
"We're not a dog like you b*tch." malamig na sabi nito sa babae na ikinabigla ng dalawang kasama niya sa kwarto.
"A-anong sabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ng naatasang bagong principal ng LPU.
"Stupid deaf b*tch." sabi lamang nito.
"Aba't—"
Bago pa matapos ng babae ang kanyang sasabihin ay binaril na niya ito sa ulo. Hinipan niya ang umuusok na bunganga ng kanyang baril at ibinalik sa ilalim ng suot niyang skirt. Maliit lamang ang baril na ginamit niya, pocket gun kumbaga.
Nawindang naman si Max sa kanyang nasaksihan , ipinangako niya sa kanyang sarili na wag aasarin ang kanyang among babae.
Kinuha ni Heaven ang kanyang cellphone at dinial ang numero ng sino mang unang nakita niya sa kanyang cellphone.
"Clean this mess, Principals office. Faster."
Binaba niya ang tawag at tumingin sa nakahandusay na babae.
"Useless b*tch" sabi nito at pinaputukang muli ang babaeng wala ng buhay.
Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Max na masasaksihan niya ito ngayon.
"Max."
Napatayo siya ng maayos ng tinawag siya nito.
"Ah?" ito ang pinakatangang naisagot siya sa buong buhay niya. Sa sobrang pagkagulat niya sa nangyari ay hindi na yata gumana ang utak niya.
"I did that not for fun but because i have to."
Sabi ng dalaga at iniwan siyang nagtataka. Bukod sa ayaw niya ang paraan ng pagsagot nito sa kanya, ano pa nga ba ang dahilan?
Napatingin siyang muli sa babae at napatingin sa pangalawang balang natamo ng babae, sa ilalim ng kanyang tenga ay may tattoo na simbolo ng kalabang mafia at sa gitna na bilog ng tattoo na iyon nakabaon ang bala.
"Sabi ko na ngaba, hindi siya papatay ng dahil sa trip niya lang." sabi nito bago sundan ang kanyang binabantayan at may pasipol-sipol pang nalalaman na parang walang nangyaring patayan sa harap niya.
"Hayy lady Snow, mas pinapalala mo sakit ko e." nakangiting sabi nito bago sinabayan sa paglalakad si Heaven.
❇❇❇
Chapter two is done.
Vote and comment chingu.
©HopelessDarkAngel
BINABASA MO ANG
Mafia 2:WINTER⚫COMPLETED⚫
Mystery / Thriller✴FICTION ✴COMPLETED ✴UNEDITED ✴HEAVEN WINTER SNOW LOURDE♥