⭐Chapter Thirty-Three⭐

15.2K 459 20
                                    

✴Investigate✴

33

♦♦SUMMER♦♦

Kakatapos lang gamutin ni Shane ang sugat ko dahil tinali pa namin ang umatake sakin. Isa siyang lalaking panget na may tattoo ng dragon sa kanyang leeg.

"Ano ng balak mo sa lalaking yan Summer? Malapit ng mag-umaga. Baka masita tayo dito."

Tama, baka masita kami dito at kung ano pang sabihin nila. Pero hindi ako natatakot dahil wala akong ginagawang masama.

Di ko pinansin ang sinabi niya at nagpunta sa kitchen, binuksan ang ref at kumuha ng malamig na tubig at walang sabing binuhos sa lalaking nakatali.

"Oh ayan nagising na."

"Woah, iba ka talaga Summer."

Sus, para yun lang namangha na siya? Paano kaya kung nakita na niya akong pumapatay, hahaha.

"Fvck!! Pakawalan niyo ako!!" sigaw nito at nagpupumiglas pero napahinto siya ng makita niya ako, nagsimula na siyang umiyak.

"Abay g*go yata tong lalaking to. Gustong pumatay tapos iiyak." sabi ko at akmang sasapakin siya ng awatin ako ni Shane.

"Woahh wait lang, let's get information first."

Kinalma ko ang sarili ko at tinignan ng masama ang damuhong iyaking mamamatay tao na to.

"Now, who ordered you to kill me?"

"S-sorry. P-please patawarin mo ako, hindi ko alam. Nangangailangan lang ako, hindi ko alam na buhay kapa at ikaw ang pinapa patay niya."

Kumunot ang noo ko. And a hint pop in my mind. Kaagad akong lumapit sa kanya at tinutukan siya ng kutsilyo.

"May alam ka ba sa nangyaring aksidente 3 years ago?"

Alam kong alam niya ang tinutukoy ko. Ang aksidenteng kinamatay ni Snow Lourde at ang pagkabuo ng pagkatao ko. I don't know if I'm her but i will do everything to find out.

Tumango siya at tumingin sa mata ko. "Isa ako sa tauhan nila na inutusan para patayin ka, kami at ang Serpents ang nagplano para patayin ka, kaso inubos ng angkan mo ang buong kasapi ng Serpents ngunit hindi nila alam na maging ang Mafiang kinabibilangan ko ay may kinalaman sa ambush niyo"

"Namin?"

"Oo, ikaw at yung kasama mong reaper mo, si Maxrel Gregory."

Pagkarinig ko ng pangalan niya ay may bigla nalang nagflash sa utak ko.

"Get out of the car Maxrel!!"

"Damn!!! No!!"

"You have to. That's an order Maxrel."

"Snow!!! Please don't"

"You have to live Maxrel!! Say to them that i love them so much"

"Please snow, don't."

"Live Maxrel!! Go!!!!"

Nabitawan ko ang kutsilyo at napahawak sa ulo ko. It hurts.

"Summer.. Summer are you okay?"

Mafia 2:WINTER⚫COMPLETED⚫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon