⭐Chapter Ten⭐

20.2K 639 54
                                    

✴Spencer vs. Grey✴Angeles vs. Laurel✴

10

Katahimikan ang namayani sa buong Arena. Kilala si Angeles sa pagiging brutal at wala itong pakealam kung babae,bata o matanda ang kalaban niya. Ito rin ang pinaka matinding nakalaban ni Blue bago naging King ng mga Junior.

"Nako, wala siyang takas kay Angeles."

"Oo nga, brutal pa mandin yan."

"Tsk. Sayang yung muka niya kapag nagalusan."

Hindi na pinansin ni Heaven ang mga babala na naririnig niya. Kung gayon ay maganda dahil hindi magiging boring ang laban niya.

Nakatingin sa pwesto ni si Blue na biglang nakaramdam ng pag-aalala. Kilala niya si Cyan Angeles at hindi ito magdadalawang isip na manakit kahit na sabihin mong babae ka.

"Hey, ako dapat ang tignan mo." kaagad na sumugod si Alexander Grey, hindi ito napansin ni Blue kaya napatumba siya. Pinunasan niya ang kanyang nagdudugong labi at agarang sumugod sa lalaki. Nakatanggap ng malakas na right punch si Grey at nagdugo rin ang kanyang labi.

"Huwag kang makialam."

Tinignan ni Grey si Heaven na walang emosyon na nakatingin sa kanyang kalaban.

"Kunsabagay, napaka ganda nga niya. Maaring magkagusto sa kanya ang lahat ng lalaki."

Tumayo ito at nakangising nakatingin kay Blue. Hindi niya ito nagustuhan kaya hindi siya nagdalawang isip na suntukin ito ng paulit-ulit. Sinasangga naman ito ni Grey.

'Haha mukang mali yatang ininis ko siya.' sa isip ni Grey

-

"Bakit hindi ka nalang sumuko para hindi kana masaktan. Nakikita mo naman ang mga pag-aalala nila sa mga mata nila diba? You should quit now." nakangising sabi ni Angeles. Hindi malaman ni Heaven kung maglalaban ba sila o magyayabang lang ito sa harap niya.

"Tapos kana?" tanong nito na ikinawala ng ngisi ni Angeles. "Let's fight. Don't waste my time." ayaw niya kasi ng sinasayang ang oras niya, lalo na ngayon na medyo inaantok siya.

Nakita niya ang pagkainis sa muka ng lalaki. Wala naman siyang gunawa ngunit alam niyang parang napahiya ito dahil sa kanya.

"Pagsisisuhan mong ginalit mo ako."

Kaagad na umabante si Angeles habang hindi siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Napatingin siya sa kabilang ring at nalamang malapit ng matapos ang laban nila, kung hindi sana inuna ng lalaking ito ang kanyang pagyayabang ay tapos na sila sa kanilang laban.

Inilag niya ang kanyang ulo ng maramdaman ang parating na suntok sa kanya. Pigil hininga naman ang naramdaman ng mga nanunuod sa kanila.

"Shet! Muntik na yun!"
"Oo nga, p*ta. Ako babangas dyan kapag nasaktan si Snow"
"Kaya mo?"
"syempre dapat kasama kita."
"Wag mo ako isali gago!"

"Pssh tsamba." sabi ni Angeles at muling pinaulanan ng counter punch si Heaven na walang ibang ginawa kundi ang umilag. "Iilag ka nalang ba!! Ha!! Weak!!"

Huminto si Heaven at sinalo ang kamo ni Angeles na patama sana sa muka niya. Nagulat ang lahat sa bilis ng pangyayari.

"What?" malamig na tanong ni Heaven.

"I said, you're weak!!!"

Hinigpitan ni Heaven ang pagkakahawak sa kamao ng lalaki at binigyan ito ng napakalakas na sipa sa tagiliran at ibinalibag ito sa pamamagitan ng isang malakas na suntok ng kanyang kaliwang kamao dahilan para mawalan ito ng malay.

Ang mga nanunuod ay hindi parin makapaniwala, maging amg mga kings and princes. Nahirapang kalabanin ni Blue si Angeles samantalang siya ay napakadali lang.

"WOOHHHH SNOW!!! ANG GALING MO!!! LODI!!!"

kasabay ng pagsigaw ng kung sino mang taong iyon ay ang hiyawan rin ng iba.

"Baka humina lang si Cyan." sa isip ni Ace

"Baka may sakit si Angeles." sa isip naman ni Jano.

Ngunit si Cyan Angeles ang kanilang pinag-uusapan kaya't napaka imposible ng kanilang iniisip at ng nangyari. Ngunit nasaksihan nila lahat. Walang duda, natalo si Cyan Angeles.

♦♦HEAVEN♦♦

Nawala ang electric beam na nakapalibot sa ring. Bumaba ako kaagad at naupo sa pwesto namin. Ang pinaka ayaw ko ay ang tinatawag akong mahina. Hindi ako si Winter Lourde ng wala lang, hindi ako ipinanganak na isang Lourde kung wala lang. Hindi ako papayag na maging mahina, lalo na sa harapan ni Dad.

Sunod na ang laban ni Max at hindi na ako nagtaka nung natapos niya kaagad ang laban. He's one of the best reaper in our Mafia, palagi ko siyang nakikita na nag-eensayo, so i know he can win all his fights.

"Kamusta ang laban ko boss? Ayos ba?" tanong nito saakin at umupo sa tabi ko.

"Not bad." sabi ko at itinuon ang atensyon sa sumunod pang mga laban. They are all weak like sh*t. Hindi naman sa minamaliit ko sila but the way they fight, hindi pa sila ganoong nahahasa.

"Ang galing mo pala boss, walang binatbat yung bakulaw na yun sayo."

Napatingin ako sa kanya dahil may napapansin ako. Habang tumatagal ay nagiging madaldal na ito. Dahil narin siguro sa tatling ugok nilang kaklase at pati narin kina Owa at Klyde. Isinandal ko ang ulo ako sa balikat niya na ikinagulat niya.

"Don't move. I'll sleep." sabi ko at tuluyan ng ipinikit ang mga mata ko and then fall into a deep slumber.

❇❇❇

Vote and comment😊

©HopelessDarkAngel

Mafia 2:WINTER⚫COMPLETED⚫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon