Chapter 11

73.8K 1.8K 45
                                    

GABI na nang dumating si Marco at nakapag-hapunan na rin sila. Sa silid niya ito tumuloy makalipas ang sampung minuto.

"Sinabi sa akin ni Bernard na nagkausap kayo. Mahigpit din niyang itinanong kung bukal sa loob mong narito ka."

"Huwag kang mag-alala at hindi ko sinabi sa kanyang I'm being abducted," sarkastikong sagot niya. "You're very clever, Marco. Naitago mo 'yon pareho sa Mama mo at kay Bernard."

Nagkibit ng mga balikat ang binata. Hindi pinatulan ang inis niya. "Ano ang pinag-usapan ninyo ni Bernard?"

"Sinabi ko sa kanyang hindi kami magkapatid. Naaawa ako sa kanya. Tulad ko, naiipit siya," pagalit niyang sagot.

"At hindi ka naaawa sa sarili mo kung sakaling hindi ka na makalabas sa lupaing ito kahit kailan?" Sinalubong niya ang mga mata nito. "You can't keep me here forever, Marco! Hahanapin ako ng Mommy at ng kapatid ko. Pupunta sila rito sa malaon at madali."

"Very well. They're the icing on the cake. Hindi ba at ang ina mo ang dahilan kaya tumakas si Romano sa kasal nila ni Ate Alicia? I'll welcome them here, Emerald."

"G-ganoon ba kalaki ang galit mo sa mga Fortalejo?"

"Emerald... Emerald..." wika nito na sinabayan ng malalim na paghinga na para bang isa siyang batang makulit. "Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang hinihingi kong kabayaran. You could spare them all by being submissive."

"At ano ang gagawin mo sa akin dito? Kept woman?"

"Is it so bad?" he spoke so softly na tila humaplos sa buong pagkatao niya. "Other women would jump to take your place. I am a very good lover, Emerald."

Nag-init ang mukha ng dalaga. At kung liwanag ng araw ang nasa loob ng silid ay makikita ni Marco ang pamumula niya.

She is very modern. Ang mga kaibigan niyang lalaki ay mga brutal din sa pakikipag-usap tungkol sa sex. Hindi rin siya prude so long as hindi siya binabastos. Pero bakit nasisindak at naeeskandalo siya sa sinabi nito?

Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit na tumingin dito. Ano ang tingin ng lalaking ito sa kanya?

"Gusto ko 'yang pag-aalab ng mga mata mo. Sana'y ganoon din ang passion and fire mo when I take you in my arms," nakatawang sabi nito.

"Kung kaya mong mang-rape ng babae!" hamon niya.

"Kung ikaw ang ire-rape ko, bakit hindi?" tukso pa rin nito. "Pero duda ako kung darating tayo ro'n, Emerald. Tinitiyak ko sa iyo, hindi rape 'yon kapag nangyari." Amuse na nilingon nito ang pinto. Naroon si Agnes dala ang maleta.

Kung anuman ang gusto niyang isigaw rito ay naipit sa lalamunan niya pagkakita kay Agnes.

"Matulog ka nang mahimbing, Emerald. Bukas ng hapon ay ipapasyal kita sa buong farm." At sinabayan na nito ng labas.

SA KABILA ng lahat ay mahimbing na nakatulog sa magdamag na iyon si Emerald. Marahil, dahil sa pagod ng katawan at isip.

Kinabukasang nagising siya'y wala si Marco. Sila lamang dalawa ni Julia ang nasa breakfast table.

"Hindi ka ba nanibago sa silid mo? Nakatulog ka nang mahimbing?" si Julia habang marahang hinihigop ang kape.

"Nakakahiya sa inyong ngayon lamang ako nagising. Nasaan nga po pala si Marco?"

"Nasa bayan. Sa opisina ni Judge Adriano. May palagay akong ngayong araw na ito sasabihin ni Marco na hindi siya interesado sa inaalok nito sa kanya." Bahagyang natawa ang matanda. "My son will never allow himself to be confined in a four-wall office."

"Bakit, kung ganoon, abogasya ang tinapos ni Marco?" nagtataka niyang tanong.

"It seemed na mauuwi na naman ang usapan sa nangyari maraming taon na ang lumipas." Umiling ito. "Walong taon si Marco nang mamatay ang Papa niya at natanim sa isip ng bata na kung magiging isa siyang abogado ay mapaparusahan niya ang nakapatay sa kanyang ama. At nang hindi natuloy ang kasal ni Alicia kay Romano ay malimit niyang itanong sa akin noong araw kung walang batas na nagpaparusa sa mga taong hindi tumutupad sa usapan at nakakapinsala ng kahihiyan at karangalan ng tao."

Nakagat ng dalaga ang labi niya. Tama si Julia. Anumang usapan, ang kauuwian ay ang kasalanang ibinintang sa Daddy niya.

"Ano ho ba ang plano ni Marco kung hindi niya tatanggapin ang iniaalok ni Judge Adriano?"

"Ang farm. Maraming trabaho rito. Hindi siguro makakaabot man lang sa ikatlong bahagi ng kinikita ng Hacienda Kristine pero sapat ang income nito para matustusan ang magiging pamilya ni Marco." At makahulugang tinitigan siya nito. "...Sa maalwang pamumuhay."

Marco really made a good job na papaniwalain ang ina na isang magandang simula ang pananatiii niya sa farm.

"At kung sakali ring sa malapit na panahon ay maisipan ni Bernard na mag-asawa, mauuwi sa kanya ang kalahati ng lupaing ito bilang anak ni Alicia."

Nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy si Julia. "Sana nga'y sa ginawa mong ito, Emerald, ay matapos na'ng lahat ng suliranin ng ating pamilya. Kung hindi man naging magkapalad sina Romano at Alicia ko, marahil ay kayo ni—"

"Please, Mrs. de Silva, umaasa akong muling magkasundo ang pamilyang ito." Kahit na nga ba ang sarili ko ang nakataya, bulong niya. "Pero hindi ho tamang umasa pa ang kahit sino sa atin ng higit pa roon."

"Inuulit ko na naman ba ang kasaysayan, ha, Emerald? Patawarin mo ako. Pero hindi mo maiaalis sa akin ang umasa sa nakikita kong pagbabago ni Marco nitong mga nakaraang araw. Maraming babae. Ang iba'y tumagal nang may kung ilang buwan pero hindi niya kailanman dinala rito sa bahay..."

Nandito ako dahil may ulterior motive ang anak ninyo! Hindi dahil may marangal siyang layunin sa akin, gusto niyang isatinig. Gusto niyang sabihin dito ang totoong dahilan at baka tulungan siya ni Julia na makauwi sa asyenda. Pero natatakot siya sa maaaring epekto nito sa matanda.

At kung sakaling gustuhin man siyang pauwiin nito ngayon ay hindi rin siya makalalampas kay Alfon. Isa pa, bago siya makalabas sa bukana ay narito na si Marco.

Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon