AT NGAYON nga ay heto siya at stranded sa lugar na hindi niya alam kung saan.
Muli niyang iginala ang paningin sa buong paligid. Napakatahimik. Muli niyang tiningnan ang relo. Malapit na ang alas-kuwatro, isang oras na lamang at didilim na.
Nasa akto na siyang uusal ng panalangin nang makarinig siya ng tunog ng parating na sasakyan.
Mabilis siyang lumabas ng kotse. Nangga- galing sa unahan ang naririnig niya. Hindi niya makita dahil kurbada ang dulo ng daan.
Sana'y mga tauhan ng lolo ang dumarating, usal niya.
One way lamang halos ang daan na kung hindi gigilid sa may damuhan ang alinmang sasakyan ay tiyak na ang makakasalubong ay hindi makararaan.
Mula sa kurbada ay lumitaw ang isang malaking pickup truck na marahil nang makita siya ng driver nito na nakaharang sa daan ay huminto malayo pa man. Ilang sandali muna ang lumipas bago niya nakitang bumaba ang driver.
Marahan itong humakbang patungo sa kanya na animo ay nandito lahat ang panahon at walang dapat ipagmadali.
Nakamaong na kupasin at polo shirt na kakulay rin ng maong ang suot nito. Nakarolyo ang manggas hanggang siko. Nakasumbrero ng buli. Tipikal na taga-probinsiya.
Malapit na sa kanya ang malaking lalaking ito na sa palagay niya'y unano ang height niyang 5'4".
Hindi niya gaanong makita ang mukha dahil sa suot nitong sumbrero pero maskulado ang mga hita at braso.
"Hello," bati niya. "May palagay akong taon na ang binilang ko rito sa paghihintay na may taong dumating." Kahit kinakabahan ay sinikap niyang ibigay ang friendliest smile niya. Sa pagkakaalam niya ay mababait at matulungin ang mga probinsiyano sa mga estranghero lalo na at babaeng tulad niya.
The same old helpless trick ay pumupuwede kahit saang lugar huwag lamang masamang tao ang makatagpo niya.
"Nasiraan ka ba?" tanong nito sa buung-buong tinig na ang mga mata ay dumaan lamang sa kanya at agad na itinuon sa kotse.
"Umusok at huminto na lang basta. Wala akong alam sa pagmemekaniko
Ngumiti ang lalaki at napalunok siya. "Paano kung hindi ako dumating, de inabot ka ng gabi dito?" Gusto niyang pigilin ang paghinga. That was the sexiest smile she had ever seen! Why, her knight in shining armour ay mas guwapo pa kaysa kay Lancelot!
Oh well, not the English way. The promdi way. Kahit na, guwapo pa rin.
Sunog sa araw na balat, matangos ang ilong in a very male way. And his lips were... were... Inilabas niya ang pinipigil na paghinga at lumunok.
She must be crazy! ibinigay niya sa estrang-herong ito ang descriptions niya sa mga male characters ng kanyang nobela. And never in her wildest imaginings na makatatagpo siya ng tulad ng nasa pocketbook heroes niya.
Muli niya itong tinitigan habang nakayuko ito sa kotse at tinitingnan ang sira. All male and ruggedly handsome. Siguro ay thirty-one or thirty- two ang edad. May asawa na kaya ito?
"Naputol ang fan belt mo at natuyuan ang karburador," wika ng lalaki na tumawid mula sa pagkakayuko at tumingin sa kanya.
"Alam mo bang ayusin?"
"Kailangang-bumili ng panibagong fan belt sa bayan pero sarado na iyon pagdating natin doon. Bukas na lang. Pupunta rin lang ako doon sa umaga. Ibibili na kita."
"Malayo ba ang bayan dito?"
"Limang kilometro mula rito," sagot nito na tiniyak na walang magagawa kundi matutulog sa gubat na ito ang kotse niya. "Bakit ka nga pala napunta rito? Saan ka patungo? Pribado ang lugar na ito."
BINABASA MO ANG
Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo)
RomansaDumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya. At upang linisin ang pangalan ng daddy niya. Subalit sa unang araw pa lang ay sa mga kamay na ng kaaway siya bumagsak, kay Marco de Silva. ...