Chapter 9

71.7K 1.9K 169
                                    

"Ngayong nakita mo na si Bernard, ano ang masasabi mo?" pormal nitong tanong.

"Hindi siya anak ng Daddy at hindi ko siya kapatid. Tinitiyak ko sa iyo!" madiin niyang sagot.

"Come on, Emerald—"

"Kilala mo ang mga Fortalejo, Marco. Si Lolo, si Nathaniel, ang Tiya Margarita. At ako. And if by chance, na sana ay huwag mangyari, ay makilala mo ang bunsong kapatid kong si Jewel, mauunawaan mo ang ibig kong sabihin. Lahat ng mga Fortalejos ay may minanang distinct traits. Kaming magkakapatid, si Nathaniel, ang nagmanang lahat kay Leon. Kahit ang mama mo'y sinasabing kahawig ko ang Lola Esmeralda, ganoon pa man, my eyes belong to the Fortalejos. Call it strong genetic trait. At wala kahit katiting nito si Bernard."

"Huwag mong papaniwalain ang sarili mo diyan, Emerald. Malakas marahil ang dugo ng mga de Silva sa pagkakataong ito." Pagkatapos ay makahulugang ngumisi. Sinuyod siya ng tingin, nagtagal sa dibdib niya at pagkatapos ay sa mga labi. "Natitiyak kong sa akin kukuha ng strong genetic traits ang magiging anak ko sa iyo."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabi nito. Pinamulahan ng mukha. Inalis ni Marco mula sa pagkakasabit sa pantalon nitong maong ang CP at iniabot kay Emerald.

"Oras na para tawagan mo ang Hacienda Kristine, my dear," bagaman nakangiti ay seryoso ang tinig nito.

Nanlilisik ang mga matang sinalubong niya ito ng tingin. Saglit na pumasok sa isip na huwag sumunod subalit alam niya ang kahihinatnan niyon. Si Julia mismo ang nagsabi: Lumaking matigas ang anak ko... at malupit. What a fitting description!

Pahablot niyang inabot ang CP mula sa mga kamay ni Marco. At sa nanginginig na mga kamay ay tumawag sa hacienda.

Napapikit siya sa histerya ni Leon Fortalejo sa kabilang linya. At sana'y wala si Nathaniel para madaling matapos ang ordeal na ito. Gusto na niyang sabihin kay Leon ang totoo. Pero natitiyak niyang sa loob lamang ng ilang sandali ay susugod ang mga ito sa farm ng mga de Silva. Tiniyak iyon ni Leon sa kanya kanina bago siya umalis.

Sa kalituhan niya ay muntik na siyang mapasigaw sa gulat sa paghawak ni Marco sa kanyang leeg at pagbulong nito sa kabilang tainga niya.

"Sabihin mong may kukuha ng bagahe mo sa villa," bulong nito na sadyang idinikit ang mga labi sa tainga niya and then gave her earlobe a very gentle wet bite bago siya tuluyang binitiwan.

She gasped kasabay ng pananayo ng mga balahibo sa mukha at batok. Expect the devil to do worst! And shame on her dahil naaapektuhan siya!

"Emerald, nandiyan ka pa ba?" sigaw ni Leon sa kabilang linya.

"O-opo, Lolo... oho. Please, Lolo. Si Mrs. de Silva ang nag-anyayang dumito muna ako ng ilang araw. At least for a few days... y-yes... a day or two. Hindi ko ho alam and you don't have to shout. I'm doing my very best para matapos lang lahat ito... ang alitang ito," pait at lungkot ang nasa tinig niya. At nagsisimula nang mag-init ang sulok ng mga mata niya.

Hindi sinasadyang napasulyap siya kay Marco na matiim na nakatitig sa kanya. Agad siyang tumalikod upang huwag nitong makita ang namumuong luha sa mga mata niya.

"Nag-aalala ako sa iyo, nieta. Kaming lahat dito. Wala pa si Nathaniel dito. Hindi ako makapaniwalang sa isang iglap ay matatapos ang alitang ito na tumagal ng mahigit na dalawampung taon..." ang kabilang linya.

I'm working on it and rejecting their 'hospitality' is not doing a bit of good," binigyang-diin niya ang salitang hospitality sabay sulyap kay Marco, na tinugon nito ng ngiti.

The devil is making this hard for her. Ang makitang nakatayo lamang ito roon at nakikinig ay nagpapa-rattle na sa kanya.

"M-Mrs. de Silva is a very nice lady, Lolo. Natitiyak kong alam ninyo 'yan," hindi maikakaila ang sinseridad sa tinig niya na ikinataas ng mga kilay ni Marco.

Matapos niyang sabihing may kukuha ng mga gamit niya ay nagpaalam na ang dalaga at muling iniabot kay Marco ang CP. Nanlalambot siyang naupo.

This is it! From this moment on... bahala siya sa kanyang sarili sa kampo ng mga kaaway.

"Mahusay! Kahit ako ay muntik nang makumbinsi sa mga sinabi mo kay Leon."

"Pinirmahan at sinelyuhan ko ang aking death certificate," ni hindi halos lumabas sa bibig niya iyon.

"Maraming babaeng hindi sasang-ayon sa sinabi mo, Emerald. Ang ilang mga kadalagahan dito sa Paso de Blas ay kulang na lang na tutukan ako ng shot gun para lang maimbita sa de Silva farm. Huwag nang isama pa ang mga nakilala ko sa Maynila. Consider yourself very lucky." Patuloy ito sa nakatutuyang pagngiti.

"You arrogant beast! And you called yourself a lawyer!" nanlilisik ang mga matang sigaw niya rito. "At hindi ako tulad ng mga babaeng sinasabi mo!"

"Oh yes! You are very beautiful kapag nagagalit kang ganyan. Nagliliyab ang mga mata mo tulad ng mga bulaklak ng puno ng caballero kapag wala na ang mga dahon. Smart and classy. A typical Fortalejo." Humakbang ito papalapit sa kanya habang nagsasalita.

"Alam mo ba kung ano ang punong caballero?"

Hindi siya nakaiwas nang hapitin nito ang kanyang baywang at kabigin padikit sa katawan nito.

"Fire tree ang tawag ng iba rito. Ang mga mata mo'y tulad ng mga bulaklak ng punong iyon. Nagliliyab. I hope to see those eyes in fiery passion and desire." At bago pa siya nakakilos ay siniil na siya nito ng halik. Mariin at marahas na mga halik. Nagpaparusa.

Hindi niya maikilos ang kanyang ulo dahil hawak ng isang kamay ni Marco ang batok niya. Ang isang kamay nito'y nasa katawan niya. Sinisikap niyang magpumiglas at manlaban subalit habang ginagawa niya iyo'y lalo lamang nagdaragdag sa pagnanasa nito. Nararamdaman niya iyon sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

Para siyang insektong nahuli sa malaking sapot ng gagamba.

Isang mahinang katok ang nagpakawala sa kanya mula sa mga bisig nito. Mabilis siyang tumakbo papasok sa banyo at nag-lock. Si Marco ay binuksan ang pinto. "Ano 'yon, Agnes?"

"Nakahain na po. Ipinatatawag na kayo ng Mama ninyo."

"Susunod na kami." Pagkatapos ay muling isinara ang pinto. Humakbang palapit sa banyo at kumatok.

"Buksan mo ang pinto, Emerald. Huwag kang magtago diyan sa loob. Alam mong kaya kong sirain ang pintong ito." May warning sa tinig nito.

Ilang segundo ang lumipas bago nagbukas ng pinto ang dalaga. Namumula ang mga mata niya dahil sa saglit na pag-iyak at hindi niya gustong makita iyon ni Marco. Umiwas siya ng tingin subalit nakita na nito ang mukha niya. Hinapit siya nito sa baywang at hinila palabas.

"Bakit ka umiyak?" banayad nitong tanong. Iniwas niya ang mga mata subalit hinawakan ni Marco ang baba niya at itinaas. "Hmmm.... a little bit swollen from my kisses. Hinaplos nito ang mga labi niya.

"N-napakademonyo mo!" ang mahinang usal niya.

Tumawa nang malakas ang binata. "Right. And you've been kissed by this devil twice, Emerald. Beso del Diablo! Prepare yourself for the real thing. At sa susunod na hahalikan kita ay gagantihan mo iyon ng init tulad ng ginawa mo noong una!"

Kumawala ang dalaga. "The hell I will!" sigaw niya.

"Yes. The hell you will," nakangiting sagot ni Marco na lumakad patungo sa pinto. "Ayusin mo ang sarili mo. Hihintayin kita rito sa labas at sabay tayong bumaba. Binibigyan kita ng tatlong minuto, Emerald."

Pinakawalan niya ang hiningang kanina pa pinipigil nang lumabas si Marco. Dinama niya ang mga labi at napapikit siya.Totoong nanlaban siya rito. Pero ang panlalaban niya ay para sa sarili... para huwag siyang matangay.

Beso del diablo! Indeed!

Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon