PABABA na ang araw nang magising siya. Alas- dos ng hapon!
Mabilis siyang bumangon at pumasok sa banyo.
Oh dear, she maybe sore here and there at maitatago niya iyon. Pero paano ang mga nagkikislapang bituin sa mga mata niya? Paano niya maikakaila sa mga tao sa bahay? Ano ang sasabihin niya at inabot siya ng ganitong oras sa pagtulog?
Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis at lumabas ng silid. Pababa na siya ng hagdan nang marinig ang boses ni Julia de Silva. Bahagyang nakabukas ang pinto ng silid nito kaya hindi maiwasang hindi marinig ang boses.
"Ano ang ginagawa mo kay Emerald, Marco?" si Julia. "Maaaring matanda na ako pero hindi mo maikakaila sa aking may nangyayari sa inyo. Babae rin ako."
"Mama, ano ba ang dapat ninyong ipag-alala?"
"Anak, paano kung magdalang-tao si Emerald? Paano kung magbunga ang ginagawa ninyo?"
"O, ayaw n'yo iyon? May apo si Leon dito sa atin at may apo kayo sa Hacienda Kristine. We're even!" Saka ito tumawa.
Kung hindi siya nakahawak sa barandilya ng hagdanan ay baka nahulog siya.
Magdalang-tao! Hindi niya naisip iyon. At paano na nga ba? Simula pa lamang ay hindi ipinagkaila ni Marco ang intensiyon nito sa kanya pero bakit nasasaktan siya ngayong marinig niya mula sa ina nito?
Hindi kaya, subconsciously, ay umaasa siyang tugunin din nito ang damdamin niya? At hanggang kailan siya rito? Another week? Two weeks? At kapag nagsawa si Marco sa kanya ay saka siya pakakawalan? And by that time ay baka nagbunga na ang mga pagtatalik nila. At sa sandaling matuklasan nina Leon at Nathaniel ang nangyari sa kanya ay malaking gulo ang mangyayari.
Tama sila. Hindi siya nagtatapos ng alitan kundi naglagay ng gasolina sa nagliliyab na damo!
At para huwag masayang ang sakripisyo niya ay kailangang makabalik siya sa Maynila na tila walang nangyari.
Sakripisyo? Sinong binibiro niya? Hindi man niya aminin ay maluwag sa loob niya ang nandito dahil kay Marco.
Pinigil niya ang mga luhang nagtangkang bumagsak. Ang kailangan ay makabalik siya sa Maynila, pero kailangang makaalis muna siya rito. At bayad na ang mga Fortalejo sa mga de Silva. Sa kuwadra ay nasalubong niya si Bernard. "Good morning," bati nito. "Ano 'yang kislap sa mga mata mo? Unshed tears or sparkle because of some obvious reason?"
Walang halong panunuya ang tinig ng binata pero gusto niyang mapahiya. "Sa palagay mo ba, mahahabol ako ni Marco kung aalis ako ngayon pauwi ng asyenda, Bernard?"
Sandali lamang ang pagkabigla sa mukha ni Bernard. "Kung noon mo pa ako nilapitan para sabihin sa akin 'yan, Emerald, ay noon ka pa sana nakauwi. But I had this impression na gusto mong manatili. Kung labag sa loob mo ang pagkakapunta rito na somehow ay hindi ko maintindihan, then, ihahatid kita pauwi."
"Oh, Bernard, please, dalian natin..."
"Hindi ikaw, Bernard. Ako ang maghahatid kay Emerald sa labasan," si Alfon na hindi nila namalayang nasa likuran nila. "Huwag si Bernard, Emerald, dahil natitiyak kong pagbaba ni Marco ay hahanapin niya ito dahil pag-uusapan nila ang tungkol sa bilihan ng mga baka bukas. At maghihinala si Marco at maaaring madamay si Bernard sa galit niya "
"Bale-wala sa akin iyon, Tiyo Alfon. Pero nalimutan ko ang bilihan ng mga baka bukas..." nalilitong sinabi nito.
"Ako na ang maghahatid sa iyo, Emerald." Nakadama ng takot ang dalaga. "Patawarin mo ako, hija, sa mga ikinilos ko nitong mga huling araw. Naiintindihan mo marahil kung bakit.Tama si Julia, dapat ay tapusin na ang gulong ito. Kung magtatagal ka pa rito'y kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Baka naiinip na sina Leon at Nathaniel!"
"Sige na, Emerald, habang nasa itaas si Marco," apura ni Bernard na binuksan ang kuwadra at kinuha mula roon ang kabayo ni Alfon.
Nag-aalanganin man ay tama si Alfon. Madadamay si Bernard.
Sanay nang nag-aaway sina Alfon at Marco kaya tamang ito ang maghatid sa kanya. Bagaman may bahagyang takot sa dibdib niya ay dinaig iyon ng pagnanais na makaalis.
Tinulungan siya ni Bernard na makasampa sa likod ni Alton at bago pa siya nakapagpaalam sa binata ay tumakbo na ang kabayo. Hindi man niya gustong kumapit sa matandang lalaki ay mahuhulog siya kung hindi gagawin.
Halos hindi na niya matanaw ang bahay ng mga de Silva nang lingunin niya. May kirot siyang nadama. Kalahati ng pagkatao niya'y naiwan sa bahay na iyon.
BINABASA MO ANG
Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo)
RomanceDumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya. At upang linisin ang pangalan ng daddy niya. Subalit sa unang araw pa lang ay sa mga kamay na ng kaaway siya bumagsak, kay Marco de Silva. ...